Tahimik akong naglalakad habang mabigat ang mga paghinga. Nasa gitna ako ng gubat. Walang ekspresyon ang mukha ko habang tinatamaan ako ng sinag ng araw.
Malayo-layo na ako sa bayan na pinanggalingan ko. Nasisigurado ko ring hindi pa ako nakakapunta sa lugar na ito dahil kakaiba ang gubat.
Kasing kulay ng mga puno ang langit na para bang sinasalamin ang asul na kalangitan.
I'm covered with sweat, dirt, and blood. Para akong naligo sa putik at dugo.
Hindi pa rin napoproseso ng utak ko ang mga nangyari. Walang laman ang utak ko ngayon at ayoko munang mag-isip.
I feel numb. . .
Habang naglalakad ay bigla na lamang sumagi sa isip ko ang mga pangyayari kaninang madaling araw. Natigilan ako sa paglalakad at doon ko nararamdaman na nanginginig na pala ang mga kamay ko.
I killed my bestfriend. . . I killed people and destroyed our village. . .
I'm a monster. . . I'm a monster-
Natigilan ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng paglalakad. Mabilis akong napatingin sa pwesto niya.
A lady with a brown hair is casually walking in the middle of the forest. She looks like she's on her mid 20's. She's just wearing a brown shirtwaist dress and a hood.
Napalunok ako nang malalim nang makakita ng ibang tao. Ayokong may makakita sa akin ng ganito ang itsura ko.
Dahan-dahan akong umatras nang bigla akong nakatapak ng kahoy. Dahilan ng pagkagawa ko ng tunog.
Mabilis na natigilan sa paglalakad ang babae at inilibot ang tingin sa paligid.
"S-Sino ang nandiyan?"
Inihanda ko na ang sarili ko kung sakaling mapatingin siya sa direksyon ko. Paniguradong ipahuhuli niya 'ko kapag nakita niyang naliligo ako sa dugo.
"May tao ba riyan?"
I got ready when she's about to look at my direction.
Akmang uunahan ko na siya at susugod na ako nang matigilan ako. Nagtama ang mga tingin namin at napako ako sa kinatatayuan ako nang matauhan ako.
She's blind. . .
"Meron bang tao rito?"
Napakagat ako sa ibabang labi bago muling umatras. Mas mabuti ng lumayo ako rito at baka may iba pang taong dumating.
Maingat akong naglakad papalayo nang muli akong nakarinig ng boses. Mabilis akong nagtago sa isa sa mga puno nang makita ko ang dalawang lalaking naglalakad sa direksyon ng bulag na babae.
"Miss! Miss! Mag-isa ka lang?"
Nagtatawanan ang dalawa nang makalapit sa babae. Ni hindi man lang sila maiwasan nito dahil hindi niya magawang makakita.
Napaismid ako nang hawakan ng isa sa kanila ang babaeng kaharap. "Tara, Miss!"
Nanatili akong walang ekspresyon. Walang kaemo-emosyon akong tumalikod sa kanila.
Mas mabuti ng hayaan ko na lang sila. Hindi ko naman kilala ang babae at hindi naman ako malapit sa kaniya.
I don't care what will happen to her. It's all her fault to begin with. She's blind. Why is she walking in the forest on her own?
Nagsimula na akong maglakad papalayo. Nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan ako.
"P-Pasensya na kayo. Kailngan ko ng mauna-"
"Dali na sabi, Miss. Napaka-arte mo naman."
Rinig ko ang pagpiglas ng babae habang naglalakad ako papalayo. I bit my lower lip out of frustation. Fuck. . .
"Tara na sabi-"
"Let her go."
Natigilan ang dalawang lalaki nang maagaw ng malamig na boses ko ang mga atensyon nila.
Nalipat ang mga tingin nila sa akin. Kahit ang babaeng bulag ay humarap sa direksyon ko.
The two guys looked at me with disgust. "A-Ano 'yan? Bakit may pulubi rito?"
Iritado nila akong tinapunan ng tingin. May kinuha sa bulsa ang isa sa dalawang lalaki at binatuhan ako ng isang daang drennies.
"Oh, ayan. Umalis ka na."
Walang gana nila akong iniwasan bago bumalik ang mga atensyon nila sa bulag na babae. Malalim akong napasinghap bago magbago ang ekspresyon ko.
"Sumama ka na sa-"
"Bitawan mo siya. Ayan, tagalog na. Baka naman hindi mo pa rin maintindihan."
Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Tumama sa amin ang paghampas ng hangin at gumawa ng tunog ang mga dahon ng mga puno.
One of the guys' expression changed. He looked at me dead in the eye.
"Pumapatol ako sa babae."
Taas noo ko siyang tinignan at sinagot. "Pumapatol din ako sa hayop."
His nose crinkled and he gritted his teeth. His eyes turned yellow.
"Nahihibang ka na ata, pulube. Maling tao ang binabangga mo."
Nanatili akong walang ekspresyon. Katulad ko siya. . . isa siyang gifted.
Pero-
Hindi na ako katulad nang dati. . .
Kapwa niya ay naramdaman ko ang pagbabago ng mga mata ko. Pero iba ang pakiramdam ko. . . hindi na tulad no'ng dati kapag ginagamit ko ang gift ko.
A gift is a blessing, so I should feel blessed right now—but it's the other way around. I feel cursed.
Tila naapatras ang dalawang lalaking kaharap ko. Samantalang walang kaalam-alam ang babaeng bulag sa mga nangyayari.
They are both shocked and they gave me a confused look.
"K-Katulad natin siya- Pero kanino niya namana ang gift na iyan?! Magkaiba ang mga mata niya!"
Bakas ang takot sa mukha ng isa sa mga lalaki. Pero hindi nagpatinag ang kasama niya, bagkus ay napaismid lang ito.
"Anong pakielam natin? Dalawa tayo, isa lang-"
"Kung ako sa inyo, aalis na lang ako."
Hindi na naituloy ng isang lalaki ang sasabihin niya nang sumingit ako. Iritado itong napatingin sa akin at napadura sa harapan ko.
"We're fucking member of a dark guild. We're a first class gifteds. Malalakas kami, ikaw? Babae ka lang."
He licked his lips before showing an irritating smirk.
Para siyang sumabay sa hangin at nawala sa harapan ko. Inaasahan ko na ang kilos niya dahil binanggit niya sa akin na parte siya ng isang guild.
Sa isang iglap ay napunta siya sa harapan ko. Tinignan niya 'ko na para bang hindi siya nag-aalinlangan na patayin ako.
As expected to a gifted. . .
But too bad. . .
"Die, bitch!-"
Bago dumikit ang kamay niya sa akin ay mabilis siyang natigilan. Ni hindi niya man lang nahawakan ang isang hibla ng buhok ko.
Terror overtook his face. He blanched.
Hindi kaagad ito nakakilos. Dahan-dahan siyang napatingin sa kamay niyang unti-unting nalalagas. Para bang nagiging abo ito at sumasabay sa hangin sa pagkawala.
Walang kaemo-emosyong ko siyang tinitignan.
Kahit ang lalaking kasama niya na akmang tatakbo pa ay unti-unti na ring nagiging abo at nalalagas nang tinapunan ko ng tingin.
Walang boses na lumalabas sa mga bibig nila habang pinagmamasdan ang mga katawan nilang nawawala.
"You're a Gifted. . ."
"But too bad. . . I'm a God."
Hindi makapaniwalang napatingin sa akin ang lalaking kaharap ko. Hindi niya pa rin magawang makapagsalita.
"Ang this is my gift. . . gifts, rather."
"My first commandment."
Lumapit ako sa tenga niya at bumulong.
"I am God. You're just a man. You are made from dust. . ."
"and to dust you shall return."