Her Wicked Battles

By ImperfectionWoman

46K 1.8K 127

ENCOUNTER SEASON #1 Garelle Kane Landers has an insensitive/numb heart and lifeless eyes. She has no friends... More

Note
SYNOPSIS
BEFORE IT STARTS
HWB 01
HWB 02
HWB 03
HWB 04
HWB 05
HWB 06
HWB 07
HWB 08
HWB 09
HWB 10
HWB 11
HWB 12
HWB 13
HWB 14
HWB 15
COG Announcement
HWB 16
HWB 17
HWB 18
HWB 19
HWB 20
HWB 21
HWB 22
HWB 23
HWB 24
HWB 25
HWB 26
HWB 27
HWB 28
HWB 29
HWB 30
AU Announcement
HWB 31
HWB 32
HWB 33
HWB 34
HWB 35
HWB 36
HWB 37
UR ANNOUNCEMENT
HWB 38
HWB 39
HWB 40
HWB 41
HWB 42
HWB 43
HWB 44
HWB 45
HWB 46
BOT ANNOUNCEMENT
HWB 47
MESSAGE
ES #2
New Story

EPILOGUE

756 31 6
By ImperfectionWoman

In the fourth week of February, the school year is coming to an end. After the announcement of the unknown announcer, the Headmaster gathered all groups in the auditorium.

"I didn't expect this early end," saad ni Headmaster. "I gather you all here to know that our school year will end three days from now."

Napasulyap ako kay Dyx na sumisinghot. Tatanungin ko na sana siya ng maunahan ako ni Aurum.

"Why are you crying?" Kunot noong tanong niya.

"Masaya lang ako," tugon ni Dyx. "Hindi ko aakalain na mabubuhay pa ako kahit na isang beses ay hindi ako naging leader."

"Pinangarap mo ba maging leader?" Tanong naman ni Jobo.

"Hindi!" Mabilisang sabi. "Masaya pa nga ako na hindi ako naging leader."

"Hindi naman naging leader si Misty at Daryl pero namatay pa rin." Wika ni Sapphire mula sa likod kaya napalingon ako sa kanya at ibinalik din ang ulo sa harap.

"Masasabi ko bang suwerte tayo dahil kay Gakane?" Natatawang ani ni Jobo.

"Hindi kayo suwerte, ginawa niyo lang ang makakaya para hindi mamatay." Sagot ko ng hindi sila nililingon.

"Here are the points of every group:

/Showed/

Bema - 3100 points

Woma - 4900 points

Eama - 6100 points

Snama - 4899 points

."

Narinig ko ang impit na tili nila at masayang nagbubulungan. Nasagi pa ni Dyx ang balikat ko pero hindi ko na iyon pinansin pa.

"Congratulations to Eama, your group will be the first rank this year!" Anunsyo naman ng unknown announcer.

"/Showed/

1st. Eaglus Kingdom

2nd. Wolfus Kingdom

3rd. Snakus Kingdom

4th. Bearus Kingdom

."

"I'm asking Mr. Dharyx Arkangel to come here on stage." Wika ng Headmaster na agad namang sinunod ng lalaki.

Hindi tumabi si Dharyx kay Headmaster kaya ilang distansya ang kanilang kalayuan sa isa't isa habang seryoso ang mukhang nakaharap sa amin.

"You have one wish I must give, what is it?"

Lumingon si Arkangel sa aming grupo. Kumabog ang puso ko ng maramdamang sa akin siya nakatingin. Matagal bago siya sumagot at kinakabahan ako sa sasabihin niya.

"I want to torture Garelle Kane Landers."

Tuluyan ng umingay ang lugar dahil sa iba't ibang komento na sinabi ni Dharyx. Nakisali sila Dyx sa ingay at hindi pagpayag sa hiling ng lalaking eama.

"HOY! MAKIPAGPATAYAN KA MUNA SA KANYA BAGO MO HILINGIN 'YAN!" Sigaw ni Dyx.

"DUWAG! DUWAG!" Pagsali naman ni Axalus.

"Malaki talaga ang galit niya sa'yo, Garelle Kane." Rinig ko mula kay Glenson.

"Quiet, students!" Pagsasalita ni Headmaster na kinatahimik agad. "His request will be granted three days from now."

"Kasabay ng pag-alis sa akadamya ay kamatayan mo, Gakane." Wika ni Sweet.

Binasa ko ang labi bago ngumisi at tinitigan si Dharyx.

"Masyado siyang kampante sa humiling," tugon ko sa kanya. "Didn't he forget that we were taught to make a potion?"

"Potion?" Pagsingit ni Dyx na kinalingon ng iilan.

"What do you mean, Garelle?" Tanong ni Arao na alam kong kanina pa nakikinig.

"You will see." Tanging sagot ko at sinenyasan silang makinig na sa harap.

During chemistry class, Drimeo taught us to make a potion, poison, and equipment. Tinuruan niya rin kami kung saan kukuha ng mga sangkap at kung ano ang pwedeng gawin sa mga iyon. Naalala ko tuloy ang ibinigay ni Misty.

"Maraming may galit sa'yo," aniya at ngumiti sa hawak kong ibinigay niyang kubyertos at bote. "Kung lalabas man tayo rito sa akadamya, gustong kong gamitin mo iyan. Simula ng turuan tayo gumawa ng lason ni Mentor Drimeo, nasisigurado akong pwede ka lasunin ng kung sino."

Napatango ako at napangiti sa isip.

"Nilagyan ko rin 'yan ng aking mahika," saad pa. "Magiging itim ang pilak na gamit kapag may lason itong nahagip."

Kumirot ang puso ko sa pagiging maalalahanin niya. Gumawa siya ng paraan para sa ikakabuti ko kahit na wala akong maibigay sa kanya.

"The Real Supreme Student Council members are Catena Azreh as the President, Hermer Lee Sarmiento as Vice President, Jamila Arvento as Secretary, Arollo Simsonz as Superior, and Misty Salvador as Vice Superior.

The Fake Supreme Student Council members are Garelle Kane Landers as President, Coleen Brianly as Vice President, Avidita Moran as Secretary, Lesteris Builingco as Superior, and Sweet Molventte as Vice Superior." The unknown announcer revealed.

"Sinasabi ko na nga ba eh!" Mahinang turan ni Dyx at humarap sa akin. "Presidente ka!"

"Sayang naman ang puntos." Komento ni Jobo.

"Bakit hindi mo kami binigyan ng clue?" Salubong ang kilay na tanong ni Arao pero kibit balikat lang ang isinagot ko. "Psh..."

"Paano naman nila nahulaan kung sino ang mga nasa posisyon?" Pagtatakang wika ni Axalus.

"Dharyx Arkangel, can you tell them how did you know that Catena Azreh is the president?" Tanong ng taga-anunsyo.

"Hindi kumikilos ang mga miyembro ng walang utos ng presidente," malalim ang boses niyang sagot sa katahimikan. "I noticed that within two months, there are no performance tasks to do. Moreover, Glaze Yazzi knows some of the SSC members because of her friend, Catena Azreh."

Kung tutuusin, pwede na banggitin ni Glaze ang lahat ng miyembro pero hindi niya ginawa. I know she knows because Catena told us she was giving a clue to her group and only Glaze noticed that. Kami man ay gusto gawin ang ginagawa niya ay wala namang nakakapansin, except Dharyx Arkangel.

"How did you know that Glaze Yazzi knows about the members?" Tanong nang kung sino.

"She told me." Mabilis na sagot.

"Akala ko ba magkaaway sila?" Bulong ni Dyx.

"She told me along with what Misty Salvador told her." Dugtong ni Dharyx.

"Hindi hula pero siguradong sa kuwento ni Misty nadagdagan ang galit ng lalaking 'yan sa'yo." Pahayag sa akin ni Dyx.

"Alam ko na ang nasa isip ni Dharyx," pagsabi ni Axalus. "Gusto ka niya patayin para wala ng magdudulot ng kaguluhan o sakit sa kanila." Wika sa akin.

"Masyado ng masama ang tingin sa'yo," bulong naman ni Sweet. "Kinakailangan mo na pumunta sa kabilang mundo."

Natapos ang kaganapang anunsyo ay kinakailangan na namin magligpit ng gamit. Imbes na dumiretso si Axalus sa kanyang silid ay hinila namin siya ni Sweet sa aming silid at sinarado ang pinto. Kuryuso man ang mga mata ay hindi na sumagot pa.

"We need to make a potion," paninimula ko. "I need to make another me."

"Clone?" Sabay nilang sabi na kinatango ko.

"Sarado na ang mga gusali bukod sa ating bahay at maskeer." Saad ni Axalus nang sundan ako papunta sa kama.

"Then we need Seven's ability. His teleportation." Sambit ko nang tingalain silang dalawa sa harapan ko.

"He has that ability?" Gulat na bulalas ni Axalus.

"Yes."

"Kung ganoon pwede siya maglabas-pasok ng akadamya?"

"No. Seguridad ang akadamya. The magic barrier can alert Headmaster if ever someone's leaving the academy."

Kasabay ng pagtango ni Rucklam ang kantok mula sa pinto. Pumunta roon si Sweet at pinihit ang seradura.

"Where's Ga-- there!" Pagsabi ni Saphire at pumasok kasama si Krypt, Glenson, Arao, Dyx, Jobo, at Bryne.

Naging masikip ang kwarto dahil sa pagdami namin.

"Anong mayroon?" Tanong ko.

"We know you won't let Dharyx kills you," Pagsabi ni Bryne at umupo sa higaan ni Sweet na ginaya ni Arao at Dyx. "Tell us your escaping plan."

Pinanood ko muna ang iba na umupo sa sahig bago sumagot.

"You will help?" Pagtatanong ko muna.

"We will help." Sagot nilang lahat.

Nginitian ko sila na kinakurap pa ng kanilang mga mata.

"Here's my plan..."

After two days...

Puro paglilibot nalamang ang ginawa namin buong araw at nang makasalubong ang grupo ng Eama ay ako ang unang tumigil. Hinila ko ang tali ni Raster at patay ang mga matang nakipagtitigan kay Arkangel.

"Are you enjoying your last day, Garelle Kane?" Tanong niya na walang emosyon. Magkatabi ang aming kabayo kaya malaya ko siyang nilapitan sa tenga.

"Don't you want to see her again, Dharyx... Arkangel?" Nakangising bulong ko at nang lumingon siya ay napalayo agad ang ulo ko.

"What do you mean?" Aniya nang magkasalubong ang kilay. "Don't you fucking trick me, I'm warning you."

Umangat ang gilid kong labi. Alam kong kami lang ang nagkakarinigan habang ramdam ang titig ng mga kasama.

"I'm talking about Athlanla." Pabulong ko pabalik na kinakunot lalo ng noo niya. "Don't you want to see her again? She's your fiance's best friend and if she will die, I know Kiarra will hate you."

Matigas ang mukhang tinignan niya ako kaya mas lalong lumaki ang ngisi ko.

"Do you wanna hear a little secret?" Pagsasalita ko ulit at ilang pulgada nalang ang lapit ng mukha namin. Narinig ko ang singhap at pagpigil nila Axalus. "I have the ability to resurrect a dead person."

Hindi siya nagsalita pero kita ko ang pagtatanong sa kanyang mga mata. Inilayo ko na ang ulo at tinignan ang lahat.

"Planning to kill me will make you regret," malamig kong wika at sinulyap ang lalaking katabi. "Planning to kill me is like planning your own death."

Pinagalaw ko na si Raster at hindi na lumingon pa sa kanila.

"Mark her words." Rinig kong pagsabi ni Dyx at pagsunod nila sa akin.

"Is that true?" Biglaang tanong ni Jobo nang sumabay sa kabayo ko.

"Ang alin?" Balik naman ni Axalus.

"Planning to kill her is like planning to our own death?"

Hindi ako nagsalita at hinayaan lang sila.

"Remember what Misty said? Bumalik sa kanya ang sinabi niya." Malumanay na sagot ni Aurum. Medyo nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya.

Sumapit ang gabi na kailangan na namin isagawa ang plano. Nakagawa na rin kami ng potion at hinihintay nalang mag-alas nuebe.

"Bakit hindi kami pwede sumama?" Pang-anim na tanong ni Jobo. "Sabay-sabay na tayo umalis!"

Umiling ako at itinali ang magulong buhok. Nasa sala kaming lahat kasama ang iilang bagahe.

"Kayong tatlo ang aalis?" Pagkumpirma ni Dyx. Tukoy na rin kay Sweet at Axalus na tumango.

"Huwag ka mag-aalala, magkikita-kita pa naman tayong lahat sa kaharian." Saad ni Sweet at ngumiti.

"Mag-iingat kayo," seryosong sabi ni Aurum. "Kami na ang bahala sa clone mo, Garelle, Sweet, at Axalus."

"Maraming salamat." Sabay na sabi naming tatlo. Nang tignan ko ang maliit na orasan sa hologram nasa taas ng pinto ay nagpasya na akong ibigay sa kanila ang tinatago ko.

Ikinumpas ko ang kamay at isa-isang nabuo ang pitong lilang papel. Nagulat sila nang lumipad ito patungo sa kanila at kinuha.

"Para saan 'to?" Pagtataka ni Saphire.

"Bakit blanko?" Dagdag ni Dyx.

Mamaya-maya pa ang lilang papel ay sabay-sabay na naging pito.

"Iyan ang hiniling ko sa Gift," pagsagot ko na kinatingin nila sa akin. "You can call me if you need my help."

"Wow, do you think you are useful?" Natatawang sambit ni Arao kaya napangisi ako.

"Hahaha." Pagtawa ko na kinagulat nila. Alam ko kasing iyon ang unang tawang narinig nila sa akin. "The whistle will disappear if you are planning something bad to me."

Nakita namin ang pagbitaw ni Bryne sa pito pero mabilis na bumalik sa kamay niya na kinagulat nila.

"Hindi niyo na maalis 'yan kung aalisin ko." Nakangisi kong sabi. "Ang pagkawala ng pito ay paglason sa buong katawan niyo sa loob ng sampung segundo."

"What?!" Bulalas nila at bumakas ang takot sa kanilang mukha.

"Bakit kami lang? Bakit wala sila?" Takot na turo ni Jobo kila Sweet pero natahimik agad ng itaas ang kanilang pito.

"Kinikilibutan ako." Saad ni Dyx habang nakatingin sa pito na hawak. Hindi parin nawawala ang ngisi ko.

"It's already 21:49," pagkuha atensyon ni Axalus. "Let's move."

"W-wait!" Sabay na napatayo si Aurum at Dyx kaya nagkatinginan pa ang dalawa.

"Garelle, may ibibigay din ako sa'yo." Wika ni Dyx ikinumpas ang kamay habang may binubuong ugat sa kanyang kanang palad. Nang ilahadniya sa akin iyon ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Kuneho 'yan pero hindi lang halata," nakangiti niyang sabi. "Tanungin mo lang ang kuneho na 'yan at tutulungan ka niya mahanap kung saang lugar ka pupunta."

"I don't have anything to give but I want to go with you. Sasamahan ko lang kayo." Saad ni Aurum na kinalingon pa sa akin ni Sweet.

Umiling ako. "Sabi mo'y ikaw na ang bahala sa tatlong clone kaya maiwan ka nalang."

"Don't go with them, Arao. You might be caught too." Puna ni Bryne.

Kinuha na namin ang mga bagahe at tinignan ko naman silang lahat. Suot namin ang pang-ensayong damit at kapa.

"Garelle, how about the gold watch?" Pagturo ni Saphire sa relo.

"It's not working anymore." Sagot ko at kinalas ang relo 'saka iyon binitawan na ikinabagsak sa sahig. Gumaya naman si Sweet at Axalus. "Mauuna na kami."

"Mag-iingat kayo." Sabay ni Jobo at Krypt.

"Magkikita-kita pa tayo." Aniko at ngumisi.

Tinalikuran na namin sila at naunang lumabas ng pinto si Axalus. Ang kunehong gawa naman sa ugat ay itinago ko na muna sa bagahe at tiyaka sumipol para matawag ang kabayo. Sabay-sabay kaming umakyat sa mga kabayo at tinungo ang silangang-timog kung saan ang puwesto ng abandonadong bahay.

"Paano kayo makakaalis?" Tanong ni Arao noong nasa kuwarto kami.

"Aakyat ng pader." Sagot ni Axalus na kinalaki ng mga mata nila.

"Napakataas ng pader!" Turan ni Dyx.

"Walang mataas kung gusto tumakas." Sagot naman ni Sweet.

Malungkot akong napangiti habang iniisip ang aming kasinungalingan. Kinakailangan namin gawin iyon para hindi sila maghinala. Hindi rin naman nila alam na matutukoy ng magic barrier ang kung sinong lumabas sa mga pader. Wala silang alam kung walang magpapaalam.

Humangi ng malakas na kinasinghap ko ng hangin.

"Will you miss them?" Makahulugang tanong ni Axalus sa tabi ko.

Wala ng mga taong gumagala dahil alam nilang lahat na sa gantong oras ay pwede na magsara ang mga bahay.

"Hindi." Diretsong sagot ko at sinulyapan siya. Akala ko ay may idudugtong pa siya pero wala na.

Nakarating na kami malapit sa abandonadong gusali. Pagkababa ko sa kabayo ay kinuha ko ang tali niya para maisama siya sa loob pero humiyaw si Raster na kinatigil ko at nilingon siya.

"'Wag ka mag-aalala, hindi kita pababayaan."

Tumigil na ang kabayo sa pagprotesta kaya ipinagpatuloy na namin ang paglalakad. Nang buksan ko ang loob ay madilim ang paligid pero binaliwala ko iyon at tuluyan ng pumasok na sinundan naman nila Axalus.

Nang maisara ni Sweet ang pinto ay inilabas ko ang pulseras ng latigo atsaka iyon ipinahaba hanggang sa lumiwanag. Mula sa nabasang libro na ibinigay ni Ama, binanggit ko ang salitang magpapabukas sa portal na palabas ng akadamya.

"I'm calling the Portal of Mastery Academy, show yourself, and let us leave the Academy." Awit ko habang hinahampas-hampas ang latigo sa sahig. Simple lang ang linya pero kinakailangan haluaan ng emosyon upang masunod ang gusto.

Unti-unting nabuo ang portal sa aming harapan. Kulay lila, puti, at asul ang liwanag na ito na kinangiti ko.

"Tara na." Aniko at naunang pumasok na hila-hila si Raster.

Palibot na puno ang bumungad sa akin at gumilid para hintayin ang dalawang kaibigan. Nang makalabas sila ay umawit ulit ako.

"I'm leaving the Portal of Mastery Academy, leave us, and go back to the Academy."

"I like your voice." Pagngiti ni Axalus na sinang-ayonan ni Sweet. "I miss singing too."

Sumakay na ulit kami sa kabayo at inilabas ko naman ang pulang papel na ibinigay ni Pallavi. Inilapit ko ang umiilaw na latigo para makita ko iyon ng malinaw dahil kulang ang liwang ng buwan dahil sa mga punong humaharang.

"South, In the Bright Falls, eksaktong alas onse ang pagdating ng lagusan patungo sa kabilang mundo."

"Aabot ba tayo?" Paglapit ni Axalus.

"Aabot tayo." Sagot ko at inilabas ang kunehong ugat. "Ituro mo sa amin kung nasaan ang Bright Falls."

Napakurap ako at hinayaan tumalon ang nabuhay na kuneho. Nang makababa siya sa lupa ay naging malaki ito at mabilis na tumakbo na agad naman naming sinundan.

"Malapit na." Nakangiting bulong ko habang tanaw ang Bright Falls.

Ngunit sa hindi inaasahan ay may isang malaking higante ang humarang sa amin. A 15 meters tall Cyclops. Napahiyaw ang mga kabayo nang mapatigil. Mabilis kong tinawag ang kadena para salagin ang malaking sandata ng Cyclops. Tumalon naman papaitaas si Axalus at nang maabot niya ang balikat ng higante ay mabilis niyang tinawag ang sandata at tinusok ang nag-iisang mata nito.

Ipinaikot ko ang kabayo kasama ang kabayo ni Axalus na hinala ko pa ang tali para sumunod sa akin. Nang makalayo kami at makabagsak ang higante ay mabilis naman akong tumalon pababa at pinalipad ang kadena sa leeg ng higante. Nang makalapit sa akin si Axalus ay nakaramdam ako ng enerhiya kaya mabilis kong nahugot ang ulo ng Cyclops.

Lumabas ang maraming berde na dugo at napatakip pa ako ng ilong sa baho nun. Napalingon ako sa katabi ng Cyclops nang huminto roon ang kuneho, siguradong binalikan kami nang hindi maramdamang hindi nakasunod.

Inakyat ko ulit ang kabayo at hinintay si Axalus hanggang sa inunahan ko ulit magpatakbo na sinunod nila.

"Bata pa ang Cyclops." Saad ni Sweet. "Paniguradong hindi pa niya alam ang ginagawa."

"Wala na tayong magagawa dahil napatay natin siya." Tugon ko at pinabilis ang kabayo nang bumilis ang takbo ng kuneho.

Napahinto kami sa isang lawa na binabagsakan ng malakas na agos ng tubig mula sa taas. Sumilaw ang kagandahan nito dahil sa liwanag ng buwan na tumatama sa tubig.

Mabilis kong sinalo ang kuneho ng bumalik ito sa dating anyo. Binulong ang pasasalamat bago itago. Nang ilabas ko ulit ang pulang papel at iniharap sa bumabagsak na tubig ay napangiti ako.

"Nandito na nga tayo at ilang minuto nalang ay magbubukas na ang portal."

"Paano ang mga kabayo? Paano kapag bumalik tayo ay iba na ang ating nilabasan?" Pag-aalala ni Axalus habang hawak ang kabayo niya. "Ayoko iwan ang alaga ko."

Natatawang inirapan ko siya dahil sa pagiging bata niya. Niyakap niya ang kabayo na humiyaw dahil natutuwa ito sa kanya.

"You can call your pixie fairy," suhestiyo ni Sweet habang inaayos ang bagahe sa kabayo. "Sabihin mo na bantayan ang mga kabayo natin."

Mabilis na napatango si Axalus at tinawag ang kanyang alagang ada.

"Axalana~~" Pag-awit niya na ginaya pa talaga ang boses ko kanina.

"Master Axalus!" Natutuwang sulpot ng ada. "Ikinagagalak kong makita ka ulit!"

"Ako rin, Axalana."

"Nagbubukas na ang Portal." Sabi ko nang makita ang pagbuo ng bilog sa gitna ng pabagsak na tubig.

"Gusto ko alagaan mo ang tatlong kabayo kasama na ang aming gamit, Axalana. I hope you won't disappoint me." Magalang, malambot, at nakangiting saad ni Axalus sa kanyang alaga.

"Masusunod, Master Axalus. Hindi kita bibiguin. Ngunit maitanong kung saan ka pupunta?"

"Sa kabilang mundo." Mabilis na sagot.

"Sa mundo ng Mortal?" Gulat na tanong ng ada na kinagulat din namin.

"Paano mo nalaman?" Pagtatanong ko na kinatingin sa akin.

"Ikinuwento ni Headmaster sa aming mga ada ang tungkol sa kanila bago kami ipamigay sa inyo." Sagot ni Axalana. "Ang sabi sa amin ay malaki ang kanilang mundo at may iba't ibang lenggwahe. Sinabi niya rin sa amin na maraming kulang sa atin na meroon sila at wala sila na mayroon naman tayo."

Kinurap-kurap ko ang mga mata bago nilingon ang lagusan. Lumalaki na ito.

"Maraming salamat sa kaunting impormasyon pero kinakailangan na namin umalis, Axalana." Sabi ni Sweet. "Sana'y hindi mo pabayaan ang aming alaga at gamit."

"Huwag ka mag-alala, binibini. Gagawin ko ang lahat para walang mangyari sa inyong ipinapabantay sa akin."

"Inaasahan ko ang iyong sinabi." Aniko at naglabas ng kadena para gawing tatlo at ipinakapit sa Tag-iisang binti ng mga kabayo. "Pansinin mo ang kanilang kadena, kapag isa sa kanila ang nawawala ay puwede mo silang tawagin gamit ang kadena." Dagdag ko at ibinigay ang maliit na kadena na makakaya niyang buhatin. "Kapag may masamang mangyayari naman ay utusan mo ang kadenang protektahan kayo."

"Maraming salamat sa iyong pag-alala."

"Gakane, oras na." Pagpapaalala ni Sweet.

Huminga ako ng malalim bago sundan si Sweet na nauna nang lumusong sa tubig. Malamig at masarap sa pakiramdam ang tubig hanggang sa lumangoy na kami papunta sa talon. Malaki na ang pagkakabukas ng lagusan kaya walang pagdadalawang isip na pumasok kami roon.

Nakakahilo, napakadilim, at napakalakas ng hangin ang walang hangganang pagbagsak namin. Ipinikit ko ang mga mata at ilang minuto pa ay may masilaw na liwanag ang tumatama sa aking mukha.

"OH SHIT! NAKASAGASA ATA AKO!"

"BOBO MO, TANGA! LAGOT KA KAY MAMA!"

____________________________________________________________________________________________________________________________________________- 

Continue Reading

You'll Also Like

18.4K 1K 65
"For she will inscribe our fates and write our ending." For a young teenage girl, Serel. Reading is one of the most magical thing she'd always do. I...
10.5K 414 25
A story about a woman who holds the biggest responsibility, LIFE. "We just wanted to love, but we were unable to just love. That's our tragedy." Toge...
16.5K 770 32
(COMPLETED) A story of bravery, sacrifices, and love. How can a petite woman carry all the burdens from the past, present and future? A very tragic...
22.5K 1.7K 66
"Throw away the wits, throw away the name. All we need to do is to empty our brains and to charge in mindlessly!!" - Ichiro Oda, One Piece *** Troops...