Kabanata 6

5 1 2
                                    

Ako si Freedome Dale, wala trip ko lang na panimula ng kabanata 6 ng buhay ko. Galing ko diba!

Anyway! Nakasuot ako ng floral dress at 5-inch na heels nasa isang convention ako at puros mga yayamin na businessman ang nakikita ko kasama ang kanilang mga asawa.

Nandito lang ako dahil sa mga kuya ko, hindi ko alam kung anong meron pero party lang.

Party! Party!

Kaso 'di naman ako makarelate, ako lang kaya ang nag-iisang teenager dito. Poor me.

Alam niyo marami akong nababasa o kaya napapanuod tungkol sa mga matataas na ranggo ng mga businessman.

May iilan sa kanila na inaabuso ang kanilang pwesto at kinakawawa ang mahihirap. Para sa'n pa't naging successful sila sa buhay nila pero mababa ang tingin sa mga hindi naman kasing patas nila.

Pera.

Kadalasan problema ng mamamayan hindi naman natin masisi dahil may iba sa'tin na nangangailan para sa kapakanan ng pamilya.

Ngunit ang may pera sila pa yung mayabang, ginagamit ang pera sa kasamaan upang mapagtakpan ang pagkakamali.

Asan hustisya?

Nakakalungkot isipin na may mga taong nage-exist sa mundong ito.

"Dale, wag kang sasama sa kung sino. Tandaan mo hindi lahat mapagkakatiwalaan." bilin ni Kuya Fabian suot ang mamahaling suit nito.

Nasa isang pabilog kaming upuan nasa tabi ko ang aking mga kuya na sina Farell, Fabian, at Fetch kasama ang kanilang collegues. I think.

Hindi ko naman sila knows. Ano ba alam ko. Sungit ko nuh.

Nasa process na kasi ako ng pang-11th ko na libro. Wala pa nga akong na-publish sa kanila eh.

Para sa'kin may panahon naman kailangan ko pa kasing i-revise ang iba at kailangan pa ng kakaunting pag-excell.

At nang dahil wala akong maintindihan sa pinagsasabi ng host ng event na ito.

Siyempre kapag may event. Lamon is layf. Kaya tara kain!

May lumpiang shanghai at bihon, char party ng mayayaman pero 'di talaga mawawala ang shanghai at lumpia.

Wotwot~

"Kuya, pwede maglakad do'n sa may patio?" paalam ko kay Kuya Farell.

"Just don't go inside the maze...you'll get lost." sabi nito habang inaayos ang salamin.

Ack! Freedom at last! Halos mangawit likod ko kakaupo tsaka dami ko rin nakain kelangan bumaba ng kinain ko.

Lumabas ako sa loob ng venue, nakahinga ng maluwag ng makasanggap ng sariwang hangin.

Psst. Sinusundan ko lang yung path ng lugar, tapos malawak rin freshly cut ang mga damo, may mga bulaklak, tapos may maze rin.

Ohhh, may patio rin sila napapalibutan ng christmas lights.

Ang ganda!

Para akong nasa isang historical na mundo kung saan ang isang prinsesa ay napunta sa ganitong lugar tapos may nag-aantay na gwapo at machong general.

Ayieee keleg!

Imagination ko talaga puros pang-lovelife. Hayaan na habang bata ayos lang basta sa utak lang muna.

Hihihihihihi.

Umupo ako sa railing ng patio habang nakatingin sa kumikinang na mga bituin ng kalangitan at bilog na bilog ang buwan.

Sana kalangitan na lang ako pero hindi ko pa gusto mamatay, okay.

Gusto ko rin kasing laya nila, nakakahinga ng maluwag na hindi nakikita ang mga hindi magagandang nangyayari sa mundo.

Malaya nga ang pangalan ko pero hindi malaya ang mga mata at utak sa mga hindi ka aya-ayang happenings.

"I never thought I'll meet a dazzling princess in this patio." wika ng isang baritonong boses.

Napatingin ako sa kung sa'n nanggaling iyon bumungad sa'kin ang isang lalaki. Na kilala niyo.

"Sodi? Ano ginagawa mo dito?" happy ako inside niyan ha.

Shhh.

"Dad's venue." he said while caressing his neck.

Napalunok ako. Yung puso ko dumugdug. Kalamnan ko nanginig.

How can someone be this so handsome. Hindi niya suot ang kanyang nerdy glasses ngayon.

Pormang-porma na kala mo isang mannequin dahil sa kutis nitong ma ala porselana.

Maputi ako pero hindi kasing porselana ng kanyang balat. Naamoy ko rin ang baby flo niyang pabango.

Ngiti ako ih. Awit.

"Pormang-porma ah." I teased.

"Party duh..." irap nito.

Parang babae nuh, hekhekhek.

Parehas kaming natahimik sa kawalan hindi naman siya awkward para sa'kin. Ewan. Comfortable siyang kasama.

"You really look dazzling iba talaga ang nag-iisang prinsesa ng mga Marquez. Mas maganda ka pa kesa sa mga matatandang babae sa loob."

Feel ko tuloy termos na ako nag-puff na yung usok sa ulo ko. Eh kasi naman. Dazzling daw ako ih.

'Di ko siya crush ha!

Papuri niya iyon dahil nga sa maganda ako. Sus. Awit.

Siya naman ang pinagmasdan ko from toe to head, para maiba naman kaya toe to head. Silver at swan.

"You look like a dashing devil in a expensive suit. Iba rin talaga ang nag-iisang anak ng Zamirez." papuri ko na ikinailing niya

What?

He does look like a devil because of his amber eyes, but he is dayum hot and dashing in a suit.

Babae lang din ako may ibang pagtingin rin. Pero hindi love or crush. Nope. Nope. Nah ah.

"Baka ma-inlove ka." singit niya.

Seryoso ko siyang tinignan, "Possible naman 'di ka naman mahirap gustohin, but it is not yet the right time for those kind of fetish."

"Same here. There's always a right time for everything besides I much enjoy being like this, us." he said smiling showing his dimple and braces.

Gwaping ni tisoy, ah. Wag ganyan.

"Besides I am a nobody in this world." malumanay kong sabi.

I saw him stop and stare at me for about 2 minutes and shrugged.

"In this world full of people, I will be your nobody, then." he grin.

Kruuu heart dumugdug.

Have You Ever Been In Love, Freedom?जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें