Kabanata 10

9 1 5
                                    

Spell. W.E.I.R.D. tapos si Sodi.

Sa tuwing magtatanong ako kung bakit hindi siya nag-take ng test, shrug lang ang binigay sa'kin. 

Akala ko ba ang mood swings para sa babae lang bakit mas dinaig niya pa ang babae sa pagka-moody.

Minsan napapaisip na lang ako kung naging libro ang buhay ko baka sakaling alam ko kung bakit gano'n umakto si Sodi.

Kelangan niya siguro ng napkin?

Pero hindi naman nagkaka-regla ang mga lalaki, sila lang talga yung nagpapabuntis ng mga babae. Right?

Mag-isa lang ako sa araw na yun hindi ko ba alam bakit hindi nagsipasukan ang mga kaibigan ko. 

Maliban kay Sodi na pumasok, kami lang hindi na-inform na 'di pala sila a-attend ng klase, hmp.

Napabuntong-hininga na lang ako nagtataka na talaga ako simula nung tinanong ko yung tungkol sa test para sa college na a-attendan nila, si Sodi naman eh iniiwasan ako.

Tulad nung lunch,

"Sodi sabay tayo lunch." puppy-eyes kong sabi. 

Tinignan lang ako nito pagkatapos sinaksak ang buong pagkain sa bibig sabay alis bitbit yung tray palabas ng cafeteria.

Then ito pa,

"Kain tayo fishball?" 

"Busy." ang cold niya ha.

Pero ayos lang baka may rason mag-aantay na lang ako sa kanya, tama mag-antay na lang.

Naglalakad ako palabas ng gate ng may kaluskos na papalapit sa'kin, and then may tela na tumakip sa mata ko siyempre nagpumiglas ako.

Sinong shunga ba hindi magpupumiglas kaso 'di ko tipo sumigaw eh.

Hinihila ako papasok sa isang sasakyan alam ko dahil sa amoy nito, tapos parang hindi lang ako ang nagpupumiglas sa kanila.

"Hala sir kinidnapp ka din?" bulong ko sa kung sino man siya.

"What the---Free?!" familiar.

"Luh sino ka? Mastermind ba you?"

"Let her go!" sigaw nito habang patuloy padin sa pagpupumiglas.

Tumawa naman ang mga kidnappers namin tapos tunog bibe. Biglaan naman 'tong kidnapping na toh wala naman warning nun last chapters.

"Only need the light when it's burning low. Only miss the sun when it's start to snow---" naputol ang pagkanta ni kidnapper nang sumingit si kung sino man siya.

"Are you kidding me? Sinong kidnapper ba ang kumakanta in the middle of this....whatever this is."

I clicked my tonugue, "At sino namang  lalaki daw ang magtatanong niyan...ganda kaya ng boses ni kuya kahit sintunado talaga...yaan mo na...ang importante with heart ang performance." proud kong sabi.

"Hay nako salamat may naka-APPRECIATE." relief na sagot ni kidnapper.

"Can you at least let her go...I don't want her to get hurt...please."

"Just be patience and see what will happen." masamang amoy na sabi nung kidnapper.

"Ayeeee is this pag-ibig?"

After several minutes

"The hell 5 minutes lang ang binyahe may pa kidnapping pa kayo!" galit na reklamo nung kasama ko.

"Ano ba ayaw mo nun free aircon refreshing...feel ko tuloy lumabas ako sa Northpole hihihi."

Inaalalayan ako ni kidnapper sa kung saan, amoy aroma tapos tiles ang nilalakaran.

Diba kadalasan sa abandonadong building dinadala ang hostages. Hindi ko pa man din maalala kung magkano ang pera ko. Kaso naalala ko 20 pesos lang pala naiwan sa wallet ko.

Ohhh free pakain ba amoy lechon, sheyt.

"Ui may kainan ba."

"Wally and Marco get this blindfold off my face."

"Luh. Absent sila kaya."

Natanggal na ang blindfold tapos parang may humihila sa'kin sa corner. Nakapatay ang ilaw sa paligid namin, ang lamig sosyal may aircon ang kidnapper namin.

Nakarinig ako ng pagpitik and then the lights open. May pagkain tapos may party poppers at nasa gitna si Sodi na nakapamulsa.

"Surprise!!!" sabay-sabay na sabi nina Sy and friends.

"Bro, we're gonna miss you so bad." panimula ni Wally.

"Chu chu chu ba't naman kasi ang layo."

At sunod-sunod samantalang ako, nga nga 'di ko alam kung may birthday or fairwell party ba.

"Waiiiiiiiiit ano meron ako lang walang ideya sa kung anong nangyayari." 

Lumapit sa'kin si Marco at inakbayan ako everyone feels kinda off maliban dito sa naka-akbay sa'kin.

Tapos parang tulala pa 'tong si Sodi.

"Huli ka sa balita sis, Sodi's leaving for States."

Oh.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Sep 22, 2021 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Have You Ever Been In Love, Freedom?Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz