Chapter 18: Anaphase I

Start from the beginning
                                    

"I don't really know. Lagi na lang niya kong ini-indian, eh. Magugulat na lang ako isang araw, wala na naman siya. After months, andyan na naman. Hindi naman ako waiting shed, hindi ko rin kayang ihinto ang lahat ng meron ako kakaantay sa kanya. Ni hindi ko nga alam ano bang pinagkakaabalahan niya sa buhay." I can hear her voice cracking. Grabe, ilang taon na ba niyang problema itong si Cap? Halos isang taon na rin. And to think that she's being in a constant tug of war with whatever he's business are, this seems so bad.

"So hindi dahil sa mayaman ka?" Kumpirma ni Aryanna.

"Hindi ako ang mayaman, mga magulang ko iyon." She said in sarcasm.

"Hindi ba sila uuwi ngayong Christmas?" Tanong ko habang umuusod ng konti para yakapin siya.

"Nope. Hindi ko alam kung nasaang bansa sila. I don't even think they can make it to our graduation." Mapakla niyang saad kaya agad naman na bumigat ang loob ko.

"My mom could come for you, our family always loves you. Or yung mama ni Arya!" I said just to cheer her up. Nakita ko naman ang iilang luhang lumandas sa pisnge niya kaya agad ko namang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"You know we are always here, right Nica? Inom lang tayo dito sa condo ko kapag may problema ka. Pamilya, lalaki, sex life, wag lang sa babae." Saad ni Aryanna na natatawa habang lumalapit sa amin at sumama sa isang yakap.

"Langya ka! Porke bitter ka sa mga tahong!" Natatawang balik ni Annica habang nasinghot at nagsimula na naman silang magbangayang ulit. Hindi na naman yata sila matatapos doon.

Our night went on like that. Hindi naman kami mahilig sa heart-to-heart talk dahil alam ko namang tumatanda na kami, pero mas nakakagaan ng loob kapag may kausap. We really wanted to be there for each other, kaya't thankful ako at natagpuan ko silang dalawa. Above anything in this world, they remain my cosntant in every change that happened in my life.

A day before Christmas, I just found Rahim outside of my bedroom and knocking on my door. Hindi ko mapigilan na simangutan siya habang kinukusot ang mata ko. I saw a hint of amusement on his face lalo pa ng ngumuso na ako ng mapansin na hindi pa sobrang init ang sinag ng araw.

"Why are you here? Anong oras na ba?" I asked habang nilalakihan na ang uwang ng pintuan. He smiled at me bago tuluyang dampian ng halik ang noo ko. I squeak when I realize that I may stink, ni hindi man lang ako naghilamos!

"Mabaho pa ko! Rahim!" Pag-iinarte ko bago bumalik ng higa sa kama.

"Inutusan ako ng mama mo na mamili ng ilan pang bilihin. She told me that I should wake you up." Mas lalo akong napasimangot dahil sa sinabi niya. I take a peep at my table side clock at nakitang halos alas otso pa lamang ng umaga.

"And I'll be spending Noche Beuna here." Hindi ko napigilan ang mapabangon dahil sa sinabi niya. I look at him in pure excitement dahil sa hindi ako makapaniwala na sinabi niya iyon. Narinig ko pa ang mahinang tawa niya dahil sa reaksyon ko.

"Is that for real? How about your parents?! You're not going to spend Christmas with them?!" I asked at nakita ko pa ang pag-iling iling niya dahil tunog bata ako habang mukha akong excited sa lahat ng sinasabi ko sa kanya. He sit properly in the edge of my bed habang patuloy akong tinitignan ng mga malalim na asul niyang mga mata. He reached for my hand bago tuluyang pinagsaklop ang mga daliri namin.

"I'll be flying back to State by 28th and I hope that's okay with you. I want to ask your parents if I can bring you but I can already sense your father's disagreement." agad naman akong natawa ng ma-imagine ang maasim na pagmumukha ng ama kung sakali mang yayain ako ni Rahim mangibang-bansa.

"Bawal pa! Hindi pa nga kita boyfriend, eh." Natatawa kong saad na agad kinataas ng isang kilay niya. Hindi ko na napigilan ang humalakhak bago dali-daling bumaba ng kama ng makita ko ang mapaglarong ngisi sa labi niya.

How Do We Live?Where stories live. Discover now