Chapter 6 - Preggy

244 12 3
                                    




Claire's POV


'I'm jealous!'

Nagpaulit-ulit yun sa isipan ko. Hindi ako mapakali kanina pa dahil sa sinabi ni Miah.

I walked back and forth so many times now inside of my room; biting my nails. This is me when I get nervous.

Bakit naman siya magseselos!? Ano ang pinagseselosan niya!? Si Isaaac pinagseselosan niya!? Bakit!? Magkaibigan lang naman kami ah. Nagseselos ba siya dahil may iba akong kaibigan? Well Isaac is my best friend a long time ago. I grew up with him. And I only knew Miah in high school when I found out that my brother is in some kind of gangster group but it turns out to be some kind of agent. I even see him as a Kuya before eh but since he wants me to be casual, Miah and I are became friends. Maybe that's the reason why he's jealous? Because I have another guy friend? That's the only reason why he feels jealous. It's impossible that he...he....argh you know what I mean.

Napahinto ako sa paglalakad ng tumunog ang phone ko. Agad ko yun kinuha sa kama at binasa ang text na galing kay...Miah.

From: Miah

I left your car in the parking lot. I gave your key to the guard. Pinakiusapan ko siyang ibigay sayo.

After reading that, I heard the doorbell rang. That must be the guard.

"Hi." Bati ko sa guardia nung binuksan ko ang pinto.

"Susi daw po ng sasakyan nyo Ma'am, pinabibigay ni Sir Miah." Sabi ni kuya sabay bigay sakin ang susi.

"Salamat po kuya." Tugon ko. Nagpaalam na siya at sinara ko na ang pinto. 

Ba't hindi nalang siya ang nagbigay? Is he avoiding me? Why does my brain thinks that he's gonna avoid me forever?

Argh! I hate you Miah!


————————————


Nasa airport ako ngayon kasama si Miah. Its been 3 days at ngayon ang uwi nila Kuya. Nandito kami ngayon para sunduin sila.

And about Miah, he ignores me pero pag kinakausap ko siya hindi naman, pero maikli lang ang sinasagot niya. I'm not used to this! He always teased and made fun of me. Ngayon parang iba na.

"Baby!" I excitedly shout and run towards Marvin.

He giggled at nagpabuhat sakin. Karga-karga  siya ni Ate Frey.

"Ate Frey! I missed you!" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"I missed you too Claire." Tugon niya at inakbayan ako.

May pinag-uusapan naman sila Kuya at Miah. I glanced at them at nag-tama ang tingin namin ni Miah. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at tinignan si Kuya. Napanguso nalang ako dahilan para halikan ako ni Marvin.

"Awww. Thank you baby." I said and showered him with kisses, that makes him laugh.

"Tara na." Napalingon kami kay Kuya.

Nauunang maglakad si Miah at Kuya, tulak tulak ang cart na may bagahe. Nasa likod naman kami ni Ate Frey, karga ko si Marvin habang pinaglalaruan niya ang buhok ko.

Nasa loob na kami ng sasakyan. Si Miah ag nagdri-drive at nakaupo naman si Kuya sa shotgun seat. Kami nila Ate Frey at Marvin ang nasa likod. 

Kuya and Miah are not talking, they're just quiet and listening to me and Ate Frey's conversation. But sometimes Ate Frey and I are whispering to each other dahil secret yun at dapat hindi malaman nila Kuya at Miah.

"Be, may irereto ako sayo." sabi ni ate Frey.

"Reto? Sino Ate?" tanong ko ng hindi ko siya nililingon dahil busy ako kay Marvin na umiinom ng gatas sa bote at nakahiga siya sa braso ko.

"He's a nice kid. I think he goes to the high school you went in."

Nagtataka ko siyang nilingon. Sino kaya?

"Anong pangalan?" tanong ko.

"K--"

"Nandito na tayo." Napalingon kami kay Miah nung nagsalita siya. Nagtama ang tingin namin sa rearview bago siya bumaba.

Sila Kuya at Miah na ang kumuha ng mga gamit nila. Bitbit ko naman si Marvin dahil tulog na. Pagdating namin sa unit ni Kuya pumasok ako sa kwarto ni Marvin at dahan-dahan siyang binaba sa crib niya.

"Salamat Miah." rinig kong sabi ni Ate Frey.

Lumabas na ko sa kwarto ni Marvin at pumunta na sa living room kung nasan sila.

"No problem." rinig kong sagot ni Miah. Napalingon silang tatlo sakin. Nakaupo silang lahat sa dining table, umiinom ng soft drinks. Hinila ko ang silyang katabi ni Ate Frey.

"Oh ba't ganyan mukha mo?" tanong ni Kuya.

"Eh ano kasi Kuya..." kinakabahang sabi ko.

"Ano nanaman ginawa mo Clarissa?" kunot noong tanong ni Kuya.

"Wag kang mabibigla ha." Sabi ko.

"Ano ngayon!?" pinandilatan niya ko ng mata at obvious ng nawawalan ng pasensya.

Napahawak ako sa tiyan ko at nag-baba ng tingin dito. Pag-angat ko ng ulo ko nasalubong ko ang gulat na expresyon ni Ate Frey.

She gasped and covered her mouth with her hand. Napalingon naman ako kay Miah at Kuya na parehong naguguluhan sa nangyayari.

"Claire...Bu...Bu...BUNTIS KA!?" sigaw ni Ate Frey, halatang gulat na gulat. Nasamid naman si Miah at Kuya.

"BUNTIS KA!?" sigaw naman sakin ni Kuya. hala baka magising si Marvin sa ingay ng mag-asawang to. Di na naawa sa anak.

"Wag mong sabihin yung lalaking nakatagpo mo nung Linggo ang ama ng dinadala mo!?" Singit naman ni Miah.

Napakunot naman ang noo kong pinagmasdan sila na parang baliw. Ano bang pinagsasabi nila? Ha? Naguguluhan na ko sa pinag-uusapan namin.

"May nakatagpo!?" hindi makapaniwalang sabi ni Kuya saka nilingon si Miah then ako. "Sino!?" tanong niya sakin.

"Ano bang pinagsasabi nyo?" kunot noong tanong ko sa kanila. "Sasabihin ko lang na lilipat na ko at napahawak sa tiyan ko dahil gutom ako tapos buntis na ang topic!? Ang O-OA nyo ha. Saka si Isaac lang yung kinatagpo ko nung Linggo." Mahabang sabi ko. "Yung kababata ko at kaibigan, kung hindi mo siya maalala." tuloy ko.

"He's your friend!?" hindi makapaniwalang sabi ni Miah. Tumango naman ako. "Then why did he ask you on a date?"

"Ganun lang yun, joke lang yun sa aming dalawa." paliwanag ko.

"So your not preggy?" paninigurado ni Ate Frey.

"Hindi." tugon ko at napailing.

Wag ko na nga'ng hahawakan ang tiyan ko pag gutom ako. Baka akalain nanaman nilang buntis ako. Hay naku.





-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


To be continued.....

Not edited yet.

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now