Chapter 44 - Home

104 9 8
                                    



Claire's POV 



Lahat tayo sa mundong ito ay gustong magmahal...at mahalin ng mga mahal natin sa buhay. Mas lalo na ang taong gusto natin makasama habang buhay.We always blamed and curse destiny for breaking us apart with the person we love the most, our better half. Dahil pinagtatagpo tayo ng mga taong hindi naman pala nakalaan saatin. Masakit na meron mga taong darating sa buhay mo ngunit hindi naman sila nagtatagal na manatili sa tabi mo. Pero anong magagawa natin? Wala, our path has always been decided from the start. Kung kayat ang gawin nalang natin ay tanggapin ang ating kapalaran.

Napabunting-hininga ako't niyakap ang sarili ko. It's been 3 years since that night. Matagal-tagal akong hindi naka-move on sa nangyari ngunit ngayon...masasabi ko ng ayos na ko.

Sumandal ako sa inuupuan kong bench dito sa veranda at tinignan ang hawak kong papel.

'Clarissa'

I received this letter 3 years ago. Binigay sakin ni Kuya nung nasa hospital ako...galing kay Miah. Ngunit ngayon ko lang bubuksan, dahil ngayon lang ako naging okay sa lahat ng nangyari. Napabuntong-hininga nanaman ako. Bubuksan ko na sana kaso tumunog ang phone ko at lumabas duon ang pangalan ng lalaking mahal ko. Kinuha ko iyon sa bench at binasa ang text niya.


From: Zac

Hi, love. How are you? It's been 3 years since I last saw you ha? I missed you so much baby. Always remember that I'm always here for you. Always.


Napangiti ako sa kanyang message. Zac has been texting me for the last 3 years now pero hindi ako nagre-reply. He's one of the people who make me feel better. His messages are enough for me to get through the day.

I closed my phone at inalala nanaman ang huling pagkikita namin ni Zac...



THROWBACK


Claire's POV

2 months after the incident

Nasa Tagaytay ako ngayon, kasama si Zac. I wanted to come here to spend the day with him...and also to say goodbye for the meantime. Ayoko man pero ayoko siyang masaktan masyadong kung hindi ako magpapaalam sa kanya.

Napabuntong-hininga ako habang titig na titig sa sunset. I was startled when someone hugged me from behind. Agad kong naamoy ang pabango niya kung kayat naging komportable ako. Sumandal ako sa kanya at hiniga ang ulo ko sa kanang balikat niya. Mas lalo niya ko niyakap at sinandal ang ulo sa pingi ko sa kaliwa.

Napabuntong-hininga nanaman ako, dinadama ang sandaling ito. Baka matagal-tagal din bago ko ulit maramdaman to. Na maramdaman kung gaano ka komportable at kasaya sa piling niya.

"What are you thinking baby?" Malambing niyang tanong at hinalikan ako sa pisngi ko na ikinangiti ko.

"I'll tell you later..." Malungkot kong sabi sa kanya. "I want to enjoy this moment with you." Tuloy ko.

"Pwede naman natin to ulit-ulitin araw-araw ha." Aniya.

"Hmmm." iyon nalang ang tugon ko.

Tumayo ako ng tuwid nung lumayo siya sakin. Hinawakan niya ko sa braso at pinaharap ako sa kanya. I stared into his beautiful eyes. Ganun din ang ginawa niya sakin. I smiled at him and reached his jaw lines and caressed it.

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now