Chapter 2 - Ex meet Wife

257 11 2
                                    

Not edited yet

Claire's POV


Nagising ako sa ingay ng phone ko. Kinuha ko yun sa side table saka tamad na sinagot ang tawag.

"Hello?" Tamad kong sabi.

["Rise and Shine."] Masigla niyang sabi.

"Argh! Seriously Miah, even you?" Inis kong sabi saka umupo sa pagkakahiga. Inalis ko ang kumot sa katawan ko saka bumaba sa kama at naglakad ako papunta sa kurtina para buksan yun.

["Haha. Get ready may pupuntahan tayo."]

"Saan? It's so early."

["Well princess if you know how to tell the time, it's 9:30 am already. Get ready I'll be there in 20 minutes."]

END CALL

"Argh!" Inis kong sigaw tsaka binato ang phone ko sa kama. Buti nalang hindi nahulog.

Nagsuot ako ng black jeans and tank top again. Lahat ng damit ko ganito. Jeans and tank top. But I also have some dresses, shorts and everything. Mas comportable lang ako sa jeans and tank top. Minsan pinapatungab ko yun ng denim jacket.

*Ding Dong*

Akala ko ba 20 minutes? Eh wala pa nga'ng 15 minutes eh.

Bumaba ako sa high chair tsaka naglakad papunta sa pinto para buksan yun.

"Rise and Shine." Inulit na naman ni Miah!

Inirapan ko siya saka naglakad pabalik sa high chair. I leave the door open for him to come in. Pumasok siya saka sinara ang pinto at umupo sa tabi ko.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya tsaka kinagat ang bread na may peanut butter.

"Mission." Tugon niya tsaka kinuha ang bread sa kamay ko at kinain yun.

"Gumawa ka ng sayo!" Irita kong sabi. Aagawin ko na sana ang bread sa kanya kaso nilayo niya saka sinubo lahat! Punyeta!

"Ang daya mo!" Nakanguso kong sabi. Tinawanan niya lang ako dahilan para maubo siya. Kaya inagaw na naman niya ang baso ko at inubos ang tubig dun.

"Anong mission pala?" Pag-iiba ko tsaka bumaba sa high chair at nilagay ang plato sa sink.

"Sikretong malupit." He said. I faced him and narrowed my eyes at him. He just smirked at me at bumaba narin sa high chair.

"Let's go." Sabi niya habang sinusuot ang sapatos niya.

Mamaya ko nalang huhugasan ang plato at baso pag balik ko.

"Anong ginagawa natin sa mall?" Tanong ko, papasok na kami sa loob.

"Mission nga." Sabi niya tsaka ngumisi. I don't like that smirk of him.

"Seryoso? Ito yung mission!?" Tanong ko sa kanya.

"Yup." He said. His arms crossed across his chest.

Nasa tapat kami ngayon ng store na puno ng lingerie. He wanted me to buy a lingerie for a girl, kaya niya ko sinama dito! He said he doesn't know how to buy and pick at may respeto daw siya sa mga babae kaya ayaw niyang pumasok. Like WTF.

Hindi naman hubad ang mga tao sa loob eh! Ang arte nito. Hindi na siya nasanay na makakita ng mga lingerie eh babaero to. He already f*cked a lot of his flings.

"Para kanino ba?" Tanong ko sa kanya. Mga sampong tanong ko na to ata.

"Basta nga! Sige na, dun lang ako. Pasok ka na." Sabi niya at tinulak pa ko papasok. Sinamahan ko siya ng tingin pero nginitian lang ako ng gago.

Bumuntong-hininga nalang ako saka pumasok sa loob. Dalawa lang naman kailangan kong bilhin. Dapat daw yung sexy saka revealing. Like the heck. Para kanino bato? To his newest fling? Eh ba't ako bumibili, like duh!

Kumuha ako ng isang floral red na lingerie at see through pa pero may takip naman sa importanteng part with a flowers. I just need to buy one more then I'm done.

Naglalakad lang ako, tumitingin ng black lingerie na "sexy".

Then I saw this pair of black lingerie. I think I will get that one. I was about to get it but someone also touched it and picked it up, kaya dalawa na kaming nakahawak sa lingerie.

"Sorry Miss but I got this first." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Sorry but...Claire?" Dun lang ako nag-angat ng tingin.

Putangina! Sa dinami dami ng taong makikita ko ba't siya pa!?

"R-Rhian?" Bulong ko.

"Wow. Nice to see you again." She said, smiling.

Well it's not nice meeting you bitch. Seeing her again, I remember what she did to me in the washroom. Telling me to stay away from him etc.

"Likewise." I said and fake a smile.

Nagbaba siya ng tingin sa hawak naman ligerie. I won't allow her to take this from me. Pati ba naman to mag-aagawan kami!?

"Ammm...Can I have—-"

"Can I have this?" I cut her off. Uunahan ko na siya. "It's my friend's honeymoon kasi, so if it's okay, magpaubaya ka nalang." I said.

Okay I lied but it's not a big problem. It's a white lie.

"Oh really? Congrats." Sabi niya tsaka binitiwan ang ligerie. Agad ko naman yun sinabit sa braso ko para i-secure sa kanya. Baka kasi agawin niya pa.

"I will send your congrats to her." I said faking a smile again. "Well I have to go now." Paalam ko. Hindi ko na siya hinintay magsalita at tinalikuran ko na siya.

"Did you find it?" Natigilan ako nung may pamilyar na boses akong narinig sa likuran ko. Tumaas lahat ng balahibo ko at biglang bumilis tibok ng puso ko.

"Zac, Hon. Yeah I got it." Rinig ko naman sabi ni Rhian.

Nung natauhan na ko naglakad na ko ng mabilis papunta sa bayaran. May isa pang tao bago sakin. Sana naman hindi pa sila magnabayad!

"I'll pay for it."

Napapikit ako at napamura sa isipan ko nung marinig ko nanaman ang boses niya sa likuran ko! Ba't nasa likod ko sila!? Sana hindi niya ko makilala! Please!

"Next." Napamulat ako, hindi ko namalayang ako na pala ang next.

"Miss paki bilisan please. Nagmamadali kasi ako." Bulong ko sa babae.

"Sige po Ma'am." Sabi niya. "That would be 160 pesos Ma'am." Sabi niya.

I gave her 200 pesos tsaka kinuha ko na ang paper bag. "Keep the change." Sabi ko tsaka umalis na dun.

Nakahinga lang ako ng maluwag nung nakalabas na ko sa store na yun. Nakita ko si Miah nakasandal sa railing, nakatingin sa baba.

"Oh tapos ka na?" Sabi niya nung napansin niya kong paplapit.

"Yes. Can we leave now?" Sabi ko at binigay sa kanya ang paper bag.

"Of course. Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya at hinawakan ang balikat ko.

"Yeah. I'm just hungry." Sabi ko sa kany. He chuckled.

"Pinakaba mo ko. Gutom lang pala yang mga alaga mo sa tiyan." Napangisi ako sa sinabi niya.

"Tara na." Sabi ko tsaka nanguna ng maglakad.





-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


To be continued.....

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now