Chapter 1 - Reunion

299 11 1
                                    

Authors's Note: Hindi ko po alam kung nalagay ko yung picture ng necklace na binigay ni Zac kay Claire sa book 1 but here is it. Ito yung binigay ni Zac na suot parin ni Claire hanggang ngayon.

-------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-------------------


Claire's POV


Agad nangunot ang noo ko at binuksan ang isang mata ko nung biglang may liwanag na tumapama sa mukha ko. Masama kong tinignan si Kuya nung binuksan niya ang kurtina ng kwarto ko.

"Rise and Shine." masigla niyang sabi at binuksan ulit ang isa pang kurtina.

"Why do you always say 'Rise and Shine' Kuya? Can't you think of anything else you can say except for that one?" I said and covered my whole body with my blanket.

"Oh yeah? How about...Shake a Leg!" excited niyang sabi. Inalis ko ang kumot sa mukha ko at seryoso siyang tinignan.

"No? Mmmh, what about, Up and at'em!" Tinaas niya pa ang dalawang kamay niya sa ere. Napabuntong-hininga lang ako tsaka sinandal ang siko ko sa kama at blanko parin nakatingin sa kanya.

"No?" he asked. I shook my head. "What about...Buenos dias? Wakey Wakey!" He said at nag thumbs up pa. Hindi ko parin siya tinugon at nakatingin lang ng blanko sa kanya. Bumuntong-hininga siya saka nakapamewang.

"Just get out of the bed." he said and walked towards the door. I laughed at him, shaking my head. Hay naku.

Pumasok ako sa C.R para maghanda. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at bumama sa necklace na suot ko. Hinawakan ko yun at hinaplos-haplos habang pinagmamasdan ko iyon sa reflection sa salamin.

It's been 8 years...And I still can't forget you. Kamusta na kaya siya? Masaya na kaya siya sa piling ng...iba?

Napabuntong-hininga ako tsaka inalis siya sa isipan ko. After taking a shower lumabas na ko para magpalit.

I'm wearing black jeans and white crop tank top paired with boots, na may heels konti. Binaba ko ang black long wavy hair ko na hanggang tiyan. Paglabas ko nakaupo na si Kuya sa maliit na dining table dito sa condo niya. Hindi pa ko nakakakuha ng condo ko kaya dito muna ko for the mean time.

"San ka pupunta at ganyan suot mo?" kunot noong tanong ni Kuya.

"Mag-kikita kami nila Zoe." tugon ko at hinila ang upuan na nasa harapan ko tsaka umupo.

"Asan pala si Ate Frey at si Marvin?" tanong ko kay Kuya. Ate Frey and Marvin are Kuya's wife and son. Kuya and Ate Frey are married for 3 years now, Marvin is 1 year old.

"Binisita nila ang magulang ni Frey." tugon ni Kuya at uminom ng kape.

"Ba' di ka sumama?"

"May inasikaso kasi ako, pero susunod ako dun mamaya. Okay ka lang bang mag-isa dito?" Nag-aalalang tanong ni Kuya.

"Tsk. Ako pa. I've been living in Australia alone for 8 years, Kuya. I think I can take care of myself."

"Kailan mo bibisitahin sila Mom and Dad?" tanong ni Kuya. Natigilan ako sa tanong niya at nag-angat ng tingin sa kanya.

"I don't know." I answered at nagkibit-balikat. "You know how Dad was exasperated 8 years ago when he kicked me out at the house." I continued.

"Claire kahit na, he's still our Dad---"

"Please let's not talk about this now Kuya." I cut him off. "Thanks for the breakfast. I need to go." paalam ko tsaka tumayo at naglakad na palabas. I heard him exhaled bago ako tuluyan makalabas sa unit.

Pagbaba ko sa parking lot sumakay ako sa motor ko at sinuot ang helmet ko.

Pagdating ko sa mall kung saan daw kami magkikita nila Zoe, Mina at Sophia. I took off my helmet at bumaba na sa motor ko. Pagpasok ko tinext ko agad si Zoe kung saan sila banda sa mall. Sabi naman niya nasa food court daw sila. Pagdating ko sa food court agad kong hinanap sila Zoe. Pero hindi ko sila mahanap.

"Boo!"

"Ay palaka!" sigaw ko nung may gumulat sa likod ko. Napalingon ako kung sino yun at agad nangunot ang noo ko dahil sila Zoe pala. Tumatawa silang tatlo habang tinuturo ako.

"Nakakatawa yun!?" irita kong sabi sa kanila. Pinunasan nila ang mga namumuong luha sa gilid ng mga mata nila.

"We miss you too sis!" Sabi ni Mina at niyakap niya ko. Sunod naman si Zoe tsaka si Sophia. Naging group hug na.


---------------


"Kailan ka pa umuwi dito?" tanong ni Sophia.

"Kahapon lang." tugon.

Nasa isang restaurant na kami ngayon. Kakatapos lang namin nag-shopping. Well hindi naman talaga ako mahilig mag-shopping at hindi sana ako bibili pero pinilit nila ko.

"Guys club tayo! Sa Saturday may alam akong maganda at maraming pogi dun." excited na sabi ni Sophia.

"Tsk. Kakapunta lang natin last week sa club, tapos club nanaman!?" tugon naman ni Zoe at inagaw ang isang fried chicken ko.

"Hey that's mine!" Asik ko sa kanya.

"Eto naman hanggang ngayon ang takaw mo parin. Isa lang naman eh tsaka maliit lang tong legs oh!" pinakita niya pa sakin ang chicken leg na may kagat na. I just smirked at her at kumain nalang.

"Sige na punta na tayo. Gusto ko ng makahanap ng jowa eh!" pagpupumilit ni Sophia.

Sophia and Ivan broke up 3 years ago. Matagal-tagal din sila ha, mga 6 years ata? But Ivan cheated on Sophia with his secretary. Like wow! I thought Ivan was a decent man pero matagal niya na palang niloloko si Sophia.

"Hay naku sige na nga!" sabi ni Zoe na parang napipilitan pa eh gustong-gusto niya naman din humanap ng jo-jowain niya dahil nag-break na sila ni...Dom.

When Zac and I...broke up. Nag-break narin sila Zoe at Dom because of a misunderstanding. Hindi ko alam kung ano yun, ayaw naman pag-usapan ni Zoe kaya hindi ko na siya pinilit.

About Keith and Mina naman. They also broke up. Nawawalan na daw kasi sila ng oras para sa isa't isa dahil busy sila.

Hanggang ngayon hindi pa nila nakikita ang ex nila...kahit din naman ako. And I don't know how to face him kung magkru-krus ang mga landas namin. Now that I'm back in the Philippines. There's a possibility that I will see him everywhere I go, but I hope not. I'm not ready to face him yet.

"Okay, sa Saturday ha! I don't accept no as an answer. Kaya lahat tayo pupunta dun sa Saturday at 8 pm." sabi ni Sophia and we all agreed to it.





-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


To be continued.....

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now