Chapter 21 - Long time no fight

165 6 0
                                    


Claire's POV


"Ano ng balita?" Tanong ko kay Heart.

Nasa isang restoran kami ngayon, sa private room. We need to meet secretly dahil nasa paligid lang ang mga tauhan niya at pag nalaman nilang may ugnayan sakin si Heart. Pati siya madadamay.

"Hindi ako sigurado pero parang hindi pa alam ni Boss na kakampi mo ko. But that can change in an instant. He's powerful at lahat nalalaman niya." Tugon ni Heart at uminom sa wine niya.

Bumuntong-hininga ako. Tama si Heart, lahat nalalaman niya. Nahahanp niya nga ang taong ayaw magpahanap eh.

"Meron ba kayong bagong plano?" tanong ko.

"As far as I know...The plan is to kill you." tugon niya.

"They already give me the first warning." Buntong-hiningang sabi ko.

Naalala ko nanaman ang motor na muntik na akong masagasaan kung hindi ako iniligtas ni Zac...

"You're really in danger Claire, especially now that he's back here in the Philippines. Kailangan mong mag-ingat sa paligid mo dahil nandyan lang sila." Seryosong sabi ni Heart.

Nag-iingat naman ako. Pero alam ko kahit anong ingat ko, hindi yun uubra sa kanila...sa kanya.

"Oh and also Claire.." Napatingin ako sa kanya. "Make sure na mawala na ang nararamdaman mo sa ex mo...dahil gagamitin nila si Mr. Rodriquez laban sayo."

Napa-iwas ako ng tingin.

"He's your weakness. Kaya kailangan mo ng kalimutan ang nararamdaman mo."

"I'm trying." tugon ko.

"Try harder...and about Miah." Napa-angat ako ng tingin nung banggitin niya si Miah. "I know that he's an agent but still, protect him. He might also use him to get to you."

Lahat ba talaga ng mga taong mahahalaga sakin ay mapapahamak!? Isa lang ang kailangan kong gawin para hindi sila madamay...yun ang umalis dito. Pero hindi pwede. May mission pa ko dito...

"Kailan mo ba balak na kausapin siya?" Tanong ni Heart.

Hindi ako nakasagot sa kanya. I have plans...Pero bago ko yun magawa, kailangan ko siyang makausap.

"Soon." Tugon ng hindi nakatingin sa kanya. Napatingin ako sa wine glass na hawak ko at inikot ang wine sa loob. "Very soon."



Pasakay na sana ako sa motor ko kaso may nakita akong nagkukumpulan sa sulok ng restoran.

Napataas ang kilay ko at ngumisi nung makilala ko ang leader nila. Naglakad ako palapit sa kanila. Lahat sila ang nagtatawanan habang binubully nila ang isang lalaking nerd.

"Ilabas mo lahat ng pera mo!" Sigaw niya sa lalaki.

"W-w-wala n-na kong p-pera." Nauutal, kinakabahan na tugon ng lalaki.

"Gulpihin niyo yan hangga't magbigay siya ng pera." utos ng boss nila.

"W-w-wag po! M-maawa po kayo!" Sigaw ng lalaki.

Napangisi ako at nagbaba ng tingin sa lupa. Mas lalong lumaki ang ngisi ko nung makakita ang ng saktong bato para ibato yun sa ulo niya.

Hinagis ko na ang bato papunta sa ulo niya at...sapol!

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now