Chapter:6

14 3 0
                                    

I was on my way home from the hospital, man that shift took me and made my life misserable. Nakita ko si Gavin na papalapit sa bahay namin. As I looked at him walking towards the gate my heart beat got louder. Every step he took...he made me feel like I'd pass out.

"Kalfred hindi ka pa ba sanay?" Tinawanan niya ako at lumapit pa lalo. "We've been together for 3 years and hindi mo pa rin mapigilang kiligin? Seriously Kal?"

"It's your fault." Tumawa siya at pumasok sa bahay. "Malay ko bang magiging jowa kita at mahuhulog sa mga salita mo."

"Don't fool around, Miggy Kalfred Rivers. Isusumbong kita kay Karie." Tapos nag-selos ako! It's always Karie to him. "Gusto mo bang ipag-luto kita?"

"No."

"Tired?" He asked.

"Yeah."

"Sige matulog ka na muna, I'll make some food for you when you wake up."

"Don't bother." Pag-pigil ko.

"Si Kalfred ko ay tumatanggi na sa luto ko?" Gash! Pigilan niyoko baka mahalikan ko itong lalake na'to!

"I'm just tired ok?" Natakot ata siya dahil medyo lumakas ang boses ko. "Sorry for shouting baby." Lumapit ako sa kaniya at niyakap. "I'm just tired."

"Hindi ako naniniwala." He said.

"Gav don't be like this."

"Kal, bakit ka kasi galit? I didn't do anything." He pouted, kapag ito nahalikan ko!

"I'm jealous ok?" Tumingin siya sa'kin na natatawa. "Don't laugh at me!"

"Eh bakit ka ba nag-seselos, aber?"

"Dahil kay Karie. Laging siya ang binabanggit mo, kaunti na lang at mang hihinala ako na straight ka at gusto mo talaga siya." Tumawa siya ng malakas kaya naitulak ko siya. "Don't laugh at me!"

Hinihingal siyang tumingin sa'kin. "Sorry baby! It's just- HAHAHAHAHA! Seryoso ka ba doon kay Karie? Imposible!"

"Eh ikaw seryoso ka ba kay Karie?" Tanong ko.

"Mahal ko si Karie, hindi bilang kaibigan." Nawala ang ngiti sa mukha niya. "Kundi bilang pet." Seryoso siya noong sinabi ayon.

"Loko." Tumawa na lang kami. Naupo kami at nag-usap. "She's at her appointment to Tito Lito."

"Ahh ngayon pala 'yon?" May lalakeng pumasok sa pinto carrying a girl. Ohh Jonas is carrying Karie, nangangamoy relationship.

"Oh! Jonas pasok." Ngumiti siya at pumasok sa kwarto ni Karie.

"Babantayan ko lang siya, kain ka lang diyan baby ko." Ngumiti si Gav at sumunod kay Jonas.

Maya-maya ay lumabas si Jonas na halatang naiinis na may halong contentment sa mukha.

"Aalis ka na?" Tanong ko.

"Yeah, baka ayaw ni Karie na maamoy ako kapag nagising siya." Oh no brother in law ko. "Bye Kuya Kal."

"Sige, Johnson. Ingat." Kailangan ka pa ng kapatid ko.

Ilang oras ang lumipas at nakauwi na rin sina Mama at Koral, dumating naman si Jessica.

"Gavin andito ka pala, 'nak?" Napalingon kaming dalawa kay Mama, noon kasi hindi siya sang-ayon sa amin. Papa believed otherwise.

"P-po?"

"Andito ka pala. Dapat sinabi mo para nakapag-luto ako ng masarap." Ngumit si Mama.

"Tita Amber wait nakakalerki! Tanggap mo na talaga si akez?"

"Walang saysay kung hahadlang ako sa pag-mamahalan niyo, kasiyahan ka ng panganay ko and if it means you are then I'd be happy for both of you. Basta aalagaan niyo ang isa't-isa." Mama smiled then hugged Gav.

Kinikilig siyang tumingin sa'kin, he blushed and is now color red. Cute.

"Mama ako din!" Sumali si Koral. "Let me formally introduce myself to you Kuya Gavin." She cleared her throat. "I'm Konney Railey Rivers, sister of your future husband." Namula ulit si Gav sa sinabi ni Koral.

"Tigilan niyo na nga, kinikilig na si baby ko baka hindi siya makahinga ng maayos." Niyakap ko siya at sinubsob sa dibdib ko.

"Akin na si Kuya Gav!" Hihilahin sana ni Koral si Gav kaso tumunog ang phone niya. "Si hinayupak, saglit lang sasagutin ko lang si Nate."

"Nanliligaw ba?" Sinamaan niya ako ng tingin pero namula, baka may tinatago itong bata na ito sa akin ah?

"Alis na po ako, Tita Ambs." Paalam ni Gavin kay Mama.

"Aalis ka agad?"

"Yes po Tita."

"Dito ka muna." I suggested. "Ipapag-luto kita."

"Ikaw? Mag-luluto? Baka masunog ah." He teased me.

"Pasalamat ka mahal kita." Ngumiti ako tapos tinawanan lang ako nina Mama.

Pumunta ako sa kusina at nag-luto ng hapunan. Si Mama ay kinausap si Gav. Koral was talking to Nate on the phone and Karie was studying with Jessica.

"Dinner." I informed them.

"Tulog na si Karie, tayo na lang ang kumain." Jessica said, aba nga naman ang babaeng ito. Kung hindi kaugali ni Ivy minsan ay mas malala pa.

"Ang aga namang matulog ni Ate?" Koral suddenly popped up like a mushroom.

"Susmaryosep! Kabute!" Napahawak si Jessica sa dibdib niya dahil kay Koral. "Ininis ko kasi eh, sabi ko mahal na mahal siya ni Kuya Jonas."

"I wouldn't use 'ininis' in this situation." Gavin said, napatango naman kaming lahat.

"Kain na tayo, aalis na si Gav mamaya." Sabi ko para matigil ang kaguluhan na ito.

After dinner we had some brownies that Koral made with Nate. Si Jessica ay umalis na at si Koral ay nasa kwarto niya na. Si Mama ay nag-liligpit ng kinainan kahit sabi kong ako na lang.

"So, kelan mo ako balak pakasalan?" Biglang tanong ni Gav. "I've been crushing on you ever since Karie tripped on a pebble." Yeah, dahil sa katangahan ng kapatid ko ay nakilala ko si Gavin.

"Kung gusto mo bukas na agad sa harap ng maraming tao eh." Namula siya habang umiwas ng tingin sa'kin. "I don't want to rush into things, Gusto ko makasama ka pa and not be tied to each other. Marriage is a commitment na kapag may isang maling move, it's all over."

"And people ask why I fell for you." I gave him a little kiss which obviously made him blush.

Love is BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon