Chapter:5

16 3 0
                                    

Nagising akong malamig sa paligid. Naamoy ko ang cologne ni bakla, bumangon ako para makainat.

"Karie, are you awake na sis?" Tumango ako kasi hindi ko feel umimik ngayon. "Crush mo ba 'yung Jonas guy?" Tanong niya, umiling ako para masagot iyon. "Pero he likes you eh."

"Imposible." Ayon lang ang nasabi ko at lumupage na ulit.

"May sinabi nga siya eh," Gavin sat beside me then chuckled. "Seloso pala ang tipo ng best friend ko?"

Sinipa ko siya kaya mas lumakas ang tawa niya.

"Pero totohanan, wala ba siyang gusto sa'yo?" Umiling ako. "Totoo nga na Love is Blind." He said. "Pareho kayo noong kaibigan mong manhid." Was he reffering to Ivy? "Pare-pareho kayong mga babae. Manhid at pakipot."

"Ihh!" Sinapak ko siya kasi gusto ko pang matulog. Nakakainis ang bunganga ng bakalang ito, dinaig pa si Ivy at Jessica na pinag-sama.

"Oo na mamaya na kita kakausapin." Lumabas siya at iniwan ako. I slept through the entire afternoon.

"Ka, andito si Jess. Irereview ka daw." Review? Eh wala na akong pag-asang grumaduate. "Pasok na hija."

"Thank you po, Tita Amber." Tumabi sa'kin si Jess. "Baklaaaa! May paraan na para makagraduate ka!" Inaalog pa niya ako. "Nakausap na namin ni Tita ang Principal at naiintindihan ka raw niya, he gave you a chance to graduate as a therapist!" Oh gosh! "Basta ikaw daw ang sasagot at walang halong kasalanan."

"Yes. No cheating." I can't stop smiling into the study session, I love this!

"Hanggang doon muna, kain muna tayo." Umalis siya at bumalik na puro ata pagkain ang dala. "Chips!" Itong kaibigan kong healthy talaga oh. "Usap nga tayo, saan ka dinala ni Kuya kanina?"

"Sa inyo." She gasped then shook me. "Aray ko, Jessica!"

"Sorry." She squealed. "What did you do? Make out?"

"Eww! No!" I brushed the scene off my mind. "He just gave me food ok? Walang nangyari."

"Slow mo kasi." Narinig kong ngumunguya siya. "Pero ano? Wala na ba talaga para kay Kuya? Final na?" Final na nga ba? Gusto ko ba? I want to know...

"Ewan." Ayon lang ang nasagot ko. "I feel things, Jess. Alam kong merong mangyayari kaya no, hindi pa final unless the universe tells me it is." Hindi kita ilalaban, Johnson. Hindi rin ako susuko, tadhana ang guguhit ng ating bukas.

"You and Kuya are so much alike." I can feel her rolling her eyes. "Parehong naniniwala sa destiny."

"Ikaw hindi?"

"I believe in gravity if that helps." I laughed at her answer. "But destiny isn't scientifically proven."

"You don't need to prove destiny ok?" Naalala ko tuloy si Papa sa mga kwento niya about his destiny, it was Mama. "It's always there hangin' around and waiting for something to happen. Murphy's Law nga diba?" Anything that can happen, will happen.

"Mga Law Law na 'yan, diyan sasakit ang ulo ko. Pareho kayo ni Kuya." Palibhasa nahanap na niya ang destiny niya.

"I'm not ready for commitment if that's what you think." I said. "I like him but I believe there is a 99% chance that he would just brush me off."

"Tapos may 1%?" Tumango ako.

"In his actions I can identify he has this worrying vibe with me. I'm blind but I'm not as dense as Ivy. I can feel something there ok?"

"Paano kung gusto niya na ma-commit sa kaniya?"

"Edi go!" She laughed at me. Marupok ako pero kapag ayaw, ayaw talaga. "Mamaya ka na dumaldal." Tinuloy namin ang review at sa sunod na araw na daw ako kukuha ng final exam.

Love is BlindOù les histoires vivent. Découvrez maintenant