Chapter:25

9 2 0
                                    

Ilang araw din akong sinusundo ni Jonas. Vince found out and he looked gloomy. I don't want to assume but I feel like he feels more than friendship for me.

"Vince?" He glanced at me. "I think we need to talk."

Umiling siya. "I don't think we need to."

"Vince please. Are you trying to avoid me or something? Please tell me the truth." He took in a heavy breath then nodded. "In my office."

Pumasok kami sa opisina ko and I offered him some slices of cake na binaon ko from my Celebration of having my unit.

"You being nice isn't helping, Karie." He said then took a bite on the cake. "Gusto mo ba talagang malaman?"

"I can't look at you without doubting myself if you feel something for me. I mean don't get me wrong but I'm afraid that you do and I love someone else-."

"Then I guess talking about it is useless since alam mo naman pala." He cut me off then smiled bitterly.

"Vince..."

Uminom siya ng tubig at tumingin sa'kin. "Gusto kita, Karie. Simula noong nakilala kita. You were something. You were really different and it's just driving me insane. Hindi ko naman alam na gusto na pala kita kaso bigla kang bumabalik sa isip ko. Noong nalaman kong wala na pala kayo ni Jonas ay sumaya ako kahit nasasaktan ka. Ngayon...mahal na mahal mo pa siya." He smiled at me. "Pero ayos lang. Masaya ka at mahal niyo ang isa't-isa, ayaw kong maging dahilan kung bakit ka malungkot kapag pinilit kita sa bagay na ayaw mo."

"Vince, I'm so sorry."

"Hindi mo kailangang humingi ng tawad, Karie." He said. "Love tastes great kapag hindi pilit."

Tumango ako. He was right, Jonas never forced me on anything. Hindi ko rin siya pinilit na maging akin.

"Are you gonna be alright?"

"Oo naman." He chuckled. "Malay mo biglang andiyan lang pala ang para sa akin diba?"

Judy suddenly came in my office holding a bunch of gifts. Tinulungan siya ni Vince, he took the tulips and I pictured something unusually romantic.

Vince and Judy? Puwede din.

"Ms. Rivers ang daming nag-padala ng gifts. Nalaman ng mga boys na wala na kayo ni Sir Jonas." Judy sounds annoyed. "Ang lalandi! Hindi ka man lang binigyan ng time mag-cope?"

I knew that. People around me gave me attention but I didn't need it. Besides nililigawan naman ako ni Jonas eh.

Sa kaniya lang ako mag-papaligaw. Sisiguraduhin ko na rin na hindi na niya ako maloloko pa.

"Kanino galing ang tulips?" Inagaw ko kay Vince ang assorted na tulips. Ang ganda! They're so colorful and beautiful. "Ang ganda."

"That's from me." Napatingin kaming tatlo sa umimik. Johnson's here. "Good morning." Lumapit siya at humalik sa kamay ko.

Tumingin ako kay Vince na nakangiti sa amin at hawak ang mga regalo. Judy was smiling from ear to ear. Napatingin na din si Jonas sa kanila. He looked at the gifts Judy was holding.

"Ang daming regalo." He said. "Vince nauunahan ka na, ligawan mo na rin."

Parang nawala sa sarili si Judy at si Vince. He glared at Jonas who was already laughing. Natawa na rin ako noong nilapag ni Judy ang mga regalo sa sofa at inirapan si Vince.

Vince looked insulted and argued with her. He was rambling about respect and saying that he didn't have feelings for Judy. Yeah now wala pa pero malapit na. Just wait a little and lalabas na ang tunay na kulay ng nararamdaman ni Vince.

Love is BlindDonde viven las historias. Descúbrelo ahora