Chapter:17

11 2 0
                                    

Nasa Condo pa rin ako ni Jonas at tulog na siya pero hindi ko alam ang nararamdaman ko. He said it was just a kiss so was I also just a kiss?

Karie, huminga ka. Walang ibig-sabihin ang bagay na iyon. Don't jump into conclusions. May nag-ring sa telepono kaya sinagot ko.

Kinapa ko ang telepono sa gilid ng lamp stand at inangat para sagutin. "Hello?"

[Karie! It's Jess! What's up? Bakit gising ka pa? Akala ko si Kuya ang sasagot kasi nag-pupuyat naman siya sa mga papeles.]

Huminga ako ng malalim. "Nothing interesting is happening, I can't sleep. Nakatulog na si Jonas kasi napagod agad siya." I can tell her right? I need to tell her or this would eat me alive!

[May problema? Ang lalim mong huminga.] She said.

"Jonas told me that his secretary kissed him and he said it was nothing." Nawala saglit si Jessica kaya umimik pa ako. "I want to trust him...I saw his attitude for years, kilala ko ang ugali niya dahil sa tagal ko na siyang kilala. And for 3 months of being in a relationship with him mas nakilala ko si Jonas. But something inside feels like it's so wrong. Is it really wrong to doubt him? Am I being a horrible girlfriend?"

[Wait...insecure ka?] She chuckled then stopped. Weird. [I can use that to my advantage, pero back to my asshole brother. So ibig mong sabihin, he let her kiss him without thinking of you? He will eventually cheat and break up with you for the other woman? Is that what you're saying huh?]

"I just said he kissed another woman. Hindi ko alam kung pinigilan ba niya or hindi."

[If you know the answer, call me. Tulog na bakla, maaga ka pa bukas dahil kakausapin ka ni Ate Aileen remember? Sa bahay niyo and susunduin kita bukas diyan. Nasa Condo ka diba?]

"Yes."

"Good. Sleep well bakla!"

Tumulog na lang ako at hiniling sa mga tala na sana...sana mali ang naiisip ko. Sana nag-sasabi si Jonas ng totoo.

Morning arrived and nag-luto si Jonas ng pagkain. He was talking about work when he suddenly mentioned Emilia.

"Mag-lalunch kami ni Emilia mamaya." He informed. "I just wanted you to know."

"Ok."

Nanahimik na lang ako. Anong karapatan kong mag-selos? Ayaw kong manguna pero ayaw ko rin maging martyr. Sa mga sinasabi ni Jonas alam kong may mali. Alam kong may hindi tama and I don't want to explode with this.

Nasa bahay ako ngayon dahil nasa Japan si Jonas for his company thing. Kasama niya si Jessica and she said that Emilia wasn't there kaya nakampante ako.

"Ate!" Niyakap ako ni Nate at Koral. "Musta? Maayos ba kayo ni Kuya Jonas?"

"Oo naman." They don't need to know. Wala namang ginagawa si Jonas na mali eh, sana. "Kayo ba? Akala ko lalabas kayo? Anniversary niyo diba?"

"Ate hindi ako kampanteng iwan ka lang dito. May pagkain pa naman and we can watch some movies habang pinapag-usapan niyo ni Ate Aileen ang mga kailangang ayusin sa pagiging therapist mo sa office nila." Nalipat ang schedule namin ni Ate Aileen kasi naging busy siya.

"Is she here?"

"No. Mamaya-maya pa pero I think she's almost here." Pinakiramdaman ko lang ang mga gamit sa paligid.

Nakarinig kami ng katok sa pinto at binuksan iyon ni Koral. Nate didn't say anything when Koral left, I think he's focused on watching something.

"Upo ka po." Koral said. "Nate, tara muna sa labas."

"Bakit?" Parang ayaw pang umalis ni Nate. "Cheesecake nasa gitna na ako ng movie tapos malalaman na nila ang tunay na intensiyon ni-."

"Nate kakausapin ni Ate Aileen si Ate Karie. Lalabas tayo o babalikwasin kita?"

"Alam mo? Masarap ang hangin sa labas, tara na Koral." Natawa si Ate Aileen kay Nate.

"Hello Karie."

"Hi po Ate."

"So I just came by to tell you na tanggap ka na sa Office pero may ipapaalam muna ako sa'yo."

"Sure. Anything."

"Ok good. So ang shifts mo ay buong TWTHF, ok? Wala kang shift sa monday kasi madalas ang mga bagong therapists ay pinaparelax namin ng tatlong araw so Saturday, Sunday and Monday are free for you to do anything you want as long as it's legal." She giggled. "Then ang working hours ay usually 6AM to 9PM pero hiningi ni Jonas na 6AM to 7PM na lang ang sa'yo. Then ang form ng pagiging therapist mo under my building is home service. Pwede rin naman na pupunta ka sa building tapos tutulungan ka ng mga employees ko na makapunta sa office mo. It's your choice."

"Ahh 'yung home service po ba ay pupuntahan ko sa bahay nila?"

"Madalas ganiyan pero iniba namin ang sa'yo. Aayusin ko ang appointments ng clients mo tapos I'll tell them to go to your house as soon as the transaction is done."

"Awesome! Kelan po ako pwedeng mag-simula?"

"Next week is good pero you need to sign a contract first. Every 5 years, you'll renew it. Sound good?"

"Opo salamat talaga Ate Aileen!"

"No problem." She hugged me.

A week passed and pinili kong mag-trabaho sa building ni Ate Aileen kasi nakakabored na sa bahay. Hinatid ako ni Kuya Kal sa Whispering Dreams, 'yung building ni Ate Aileen.

Hindi ko alam ang pasikot-sikot rito pero alam ko ang mga bagay na nasa paligid ko. Nahawakan ko ang telepono noong tumunog ito kaya sinagot ko.

"Whispering Dreams, Kariessa Rivers' office. How may I help you?"

[Tahruy! By the way, this is Jessica Arnolds. Do you know her? Jessica Arnolds?]

"No ma'am, and I would like to remind you that my time is valuable. Speak now or just hang up." Sinabayan ko lang ang pang-iinis ni Jess.

[Joke lang naman kasi.] Tumawa kami sa kagagahan niya. [Kuya wants to talk to you. Home sick na, hindi ka daw nakikita kaya walang gana. Oh kausapin mo na! Para kang mamamatay diyan eh.]

I smiled as I heard Johnson's voice, arguing with Jessica.

"Hello? Jonas?"

[Hey baby! What are you doing now?]

"Nothing much. Bakit hindi ka nag-tatrabaho? Hindi sanay ang katawan mong walang hawak na papel."

[Eh ang tagal na namin dito sa Japan eh. Teka...paano mo nasagot? Nasan ka ba?]

"Pinapakiramdaman ko ang paligid, sakto namang tumawag si Jess noong humawak ako sa telepono."

[Gusto ko nang umuwi. Kelan ba tayo aalis dito, Jess?]

"Jonas huwag ka nga! Kaunti na lang. Kapit lang ok? Para sa coffee shop mo. Diba gusto mong matapos ang serbisyo mo sa kumpanya niyo para masimulan mo ng maayos ang coffee shop ok? Work hard for that shop, Johnson."

[Okay. Thanks for that, ginanahan na tuloy ako.]

Narinig ko na naman ang away ni Jessica at Jonas. Parang walang tigil ang mga ito.

"Bye muna. Mag-tatrabaho na ako."

[Okay baby. Bye love you!]

Napangiti ako sa sinabi niya. "Love you too."

I'm contented, kahit wala siya sa tabi ko basta alam kong ako ang mamahalin niya. Nawala sa isip ko kanina si Emilia. Maybe I was just paranoid.

Love is BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon