Chapter:28

8 2 0
                                    

Nag-desisyon kami nina Mama na bibisitahin namin si Papa. It's their anniversary today. Sumama si Nate, Gavin at Jonas. Parang mga ewan. Umupo si Mama sa tabi ng puntod ni Papa.

Si Gavin nakahiga sa hita ni Kuya, si Koral nakaupo sa hita ni Nate. Napansin din ata ni Jonas kaya tumingin siya sa'kin pero pinanlakihan ko lang siya ng mata. Seloso amputek. Gusto rin na ganoon.

"Endrio...andito na kami." She stroked his name. "Masasaya na ang mga anak mo. Masaya ka ba?"

Biglang humangin kaya napalinga ako sa paligid. Was that Papa? Aww...he's here with us. He's happy and here.

"Papa kapag nag-loko si Nate, multuhin mo ah?" Koral said then Nate got pissed. "Oh bakit? Sabihin mo kasi na hindi mo ako lolokohin. Graduate na nga't lahat lagi pang tinotoyo."

"Eh kasi akala mo lagi ipag-papalit kita. Hello papakasalan pa kita." Hinigpitan ni Nate ang yakap kay Koral. "Dito ka nga lang."

Kumain kami ng mga niluto ni Kuya at Mama tapos gumala sina Gavin at Kuya, sina Koral naman ay nag-picture kasama si Nate sa malayo. Mama was cleaning the car kaya naiwan kami ni Jonas sa puntod ni Papa.

"Papa...I can see again." Nilaro ko ang damo. "I'm sorry...I was dumb. Wala ako sa tamang kaisipan noong oras na iyon. I had a really hard time coping. I'm sorry. I didn't want to do it pero hindi ko nakayanan. Papa...patawarin mo ako." May yumakap sa'kin kaya tinignan ko. Johnson. "Papa, si Jonas nga pala."

"Hello po Tito Coach. It's been a while."

Nginitian ko siya. "He's my boyfriend, Papa."

Natigilan si Jonas at tumingin sa'kin. "I'm what?"

"My boyfriend." Ngumiti siya tapos niyakap ako ng mahigpit. "Don't do that again...kahit mahal kita ay hindi na kita papag-bigyan."

"Not again. I'm sorry." Napatingin kami sa tumatahol. "Hey Daisy, missed me?"

"Give me my child." Kinandong ko si Daisy habang nakasandal ang ulo ko kay Jonas. "I miss you, Papa."

"He misses you too." Jonas whisppered.

Buong araw lang kaming walang ginagawa. Daisy was playing with Nate and Koral, si Gavin kanina pang may chika tapos sina Mama, Kuya at Jonas naman ay mga nag-uusap tungkol sa business.

Nang maubusan ng chika si Gav ay nakinig kami sa kwento ni Mama about business. Kaso...bigla akong nakita ni Mama, ayon ako ang kinuwento.

"Tapos si Karie, noong bagong anak 'yan lagi siyang umiiyak. Kaya noong hindi siya umiiyak natatakot kami. Napakalakas talaga ng bunganga niyang bata na iyan." Tinawanan nila ako bigla. "Kapag may crush 'yan ayaw niyang hindi alam ng crush niya lagi siyang may sinusulat sa gabi na 'sana gusto mo din ako.' Mga bagay na ganiyan." Tinitigan ako ni Jonas ng masama, aba! Hindi niya nga ako gusto nung mga oras na 'yon. "Naging crush niya si Jonas diba? Laging tinatabi ang binigay sa kaniyang unan noong 13th birthday."

Jonas gave me an ice cream designed pillow. Mahilig ako sa ice cream at malambot na bagay na pwede kong mayakap kapag matutulog na ako.

"Tapos diba Ma, si Ka lagi mong pinapagalitan pero spoiled kay Papa?" Ayan sumali na si Kuya. "Tapos mag-sisigawan kayo ni Papa tapos lagi siyang tiklop sa'yo." Tumingin siya sa lapida ni Papa. "Understanding ka talaga kay Mama."

Nakisali na din sina Nate tapos tinatawanan pa nila ako. I got pissed kaya umalis na lang ako. Argh! Bakit ba ako ang tinatawanan nila? I mean yeah it's true pero kanina pa kasi eh.

Parang hindi pamilya, bakit hindi nila ikuwento ang nakakahiyang ginawa ni Koral o ni Kuya noon? Si Kuya nga nag-viral dahil sa video niya na naging fortune teller na akala mo'y magaling.

Si Koral nga eh nag-cutting noon. Galit na galit sina Mama pero noong pumasok siya sa kwarto ay nag-plano pa ng isa pa. Parang mga sira!

"Karie." Tumingin ako sa likod, sinundan pala ako nito. "Hey baby why did you leave?"

"Nakakapikon na kasi! Akala mo naman hindi nila naranasan ang mga bagay na ganoon." Yumakap siya sa'kin mula sa likod at nakinig. "Masasapak ko talaga sina Kuya! Nakakairita!"

He was just listening to me while I ranted. Tinignan ko siya and he was staring at me...like nothing can change what we feel towards each other.

"Ganiyan talaga ang pamilya, baby. Don't worry. Hindi kita aasarin ng ganiyan, I love you." Humalik siya sa pisngi ko tapos ngumiti.

"Let's go back."

"Mauna na kayo, I'll clean Tito's grave."

Kahit ang weird na siya ang mag-lilinis ng kinalat namin ay pumayag naman sina Mama. Naguguluhan pa ako sa mga ito.

Nakauwi na ako sa unit ko. Si Jonas ay nag-tatrabaho pa ulit. Kasama ko si Jessica and she's showing me her ring. Ang ganda...it looked ancient, mahilig kaming dalawa sa mga bagay na antique. They say it costs a soul pero ayos lang sa amin.

"I can't believe 800 million ang cost ng engagement ring niyo. Paano na kung ikakasal na kayo?" Tumingin ako sa kaniya at naguguluhan siya.

"800 million?" Natawa siya ng malakas. "Ano ako tinitipid ni Kalvin? 1 billion pesos 'yan bakla."

"P-Pero sabi ni Jonas 800 million iyan?"

"Baka naguluhan si Kuya kung kaninong ring ang sinabi niya." She said then her eyes grew wide. "Kung kay K-Kalvin or sa f-friend nila."

Tumango na lang ako. Kanino ba kasi ang engagement ring na nakitaan ko ng resibo sa mga papeles ni Jonas? Ang daya, ang ganda siguro. Roman's Ancient Jewelry pa naman iyon.

"Luto tayo." I suggested.

"You do it." Jessica didn't knew how to cook pero maalam siya sa mga simple foods like baking or mag-saing. Diba pwedeng mag-asawa. "Excited na ako sa kasal ko. Sabay tayo ah?"

"Malayo pa kami ng Kuya mo." I said. Me and Jessica dreamed of our wedding on the same day pero malayo pa siguro kami ni Jonas.

"Mamayang gabi, aabangan ko ang mangyayari. You'll change your mind." She said.

Nag-luto ako ng chicken tapos pinakain na si bakla, wala daw si Kalvin dahil sa trabaho. Maraming inaasikaso.

"Akala ko sekretarya ka ni Jonas?"

"Oo nga." Uminom siya ng tubig. "Pero tinatamad akong pumasok. Saka na lang."

"Ewan ko sa'yo. Kawawa talaga si Jace or Jane sa'yo." She wanted to name her kids like that.

She went to her unit kaya natahimik ako. Finally. Inner peace, so I just cleaned the dishes then watched on YouTube.

Nanood ako ng mga wedding ceremonies or proposal. Nakakaiyak, I can imagine Jonas popping the question. He didn't need to ask, I would say yes to him kahit anong mangyari. Because I love him and that's how love fucks your life up. I didn't need him to ask me, I just wanted him to stick with me until forever.

Nakatanggap naman ako ng text galing kay Jonas.

From:Lods Johnson

I'm in my unit, have you ate dinner?

To:Lods Johnson

Yes. Eat ka na din ok?

From:Lods Johnson

Done na. Wait I'll take a shower, after I finish my paper works then I'll come over there.

Bakit pa? He's tired!

To:Lods Johnson

Huwag na, rest ka na lang. You're tired.

From:Lods Johnson

Err...nahh, I'm coming over.

To:Lods Johnson

Fine. Whatever, sana hindi ka malunod.

From:Lods Johnson

Salamat. Ikaw din

Natawa na lang ako sa usapan namin. I don't do sweet sometimes. Nasanay na ata si Jonas dahil sa mga reply niya sa'kin. Weird idiot.

Love is BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon