Chapter:11

11 3 0
                                    

Nagising akong medyo masakit pa ang ulo pero kaya naman. Bumangon ako at naamoy ang masarap na pagkain. Eggs and bacon na may fried chicken at kanin.

"Hey drunk girl!" Narinig ko ang boses ni Jonas. "Kain na, uuwi ka mamaya." Tumango na lang ako at inayos ang upo. "Subuan kita para hindi mahirap ok?"

"Fine. Bilisan mo na at masakit pa ang ulo ko." Tumabi si Jonas sa'kin at sinubuan ako. "Aray ko naman! Bibig ang subuan mo at hindi lalamunan!" Kasi sinusubsob niya 'yung kutsara sa lalamunan ko!

"Hindi naman ah! Ikaw gumagawa ka ng istorya para maawa ako at yakapin ka." Sinasabi nito?

"Kung gusto ko ng yakap edi sana pinuntahan ko na si Kuya o kaya si Jessica! Pwede din si Gavin! Marami akong pwedeng mayakap na hayop ka!" Tumawa lang siya. "Tinatawa-tawa mo?"

"Want Jess to hug you? She's with Kalv at tayo lang ang andito sa bahay." Oh shit.

"Iuwi mo na ako!" Mahirap na, hindi ko lubos alam ang tumatakbo sa isip ni Jonas.

"Saglit lang naman kasi. Ayusin mo muna ang sarili mo bago kita iharap sa altar este sa pamilya mo. I can't take you home like you've drunk the whole bar." Anong altar altar?

"Oo na saglit lang kasi." He helped me to his bathroom at binigay sa'kin ang sabon at shampoo. "Lumayas ka na. Maliligo na ako, I can handle it."

"Sure ka? We have maids if you want."

"Kaya ko." Lumayas ka na maliligo na ako sa katotohanan na hanggang kaibigan lang ako.

Tanggap ko naman na noon pa pero may parte sa katawan ko na hindi talaga mawawala na umasa pa rin kay Jonas na mahalin rin ako. Maybe in more time? Maybe I'll heal completely and will move on. Besides I don't see myself with him in the future.

Natapos akong maligo at binihis ang damit ni Jessica. I walked out pero nahirapan ako kasi hindi familiar ang lugar. I fell on one of the steps of the stairs.

"Aray ko!" Sigaw ko dahil sobrang sakit.

"Karie?" Biglang may nagulat sa akin ata. "Oh shit! Ayos ka lang? Masakit ba?"

"Hindi. Masarap, sa sobrang sarap ay gusto kong mahulog ulit sa hagdan. Ulitin ko, tara samahan mo ako." Pamimilosopo ko.

"Sige akyat tayo itutulak kita." Ala! "De joke lang."

"Ang sakit ng binti ko!" Parang naipit ng buong katawan ko itong lintik na binti na ito. "Jonasss!" Nangingiyak-ngiyak na ako sa sakit.

"Sprained ankle." He informed. "Masakit talaga iyan, hindi ka ba sinabihan ni Coach kung gaano iyan kasakit?"

"Hindi naman ako na inform na kailangan kong itanong sa lapida ni Papa." Kung nakikita niya lang ang pag-tataray ko ay mas mabuti pa dahil puro siya tawa.

"Tara na nga. Aalagaan na ulit kita." Naguguluhan na ako sa ginagawa ni Jonas. Hindi naman ito ganito dati. Nilagyan niya ng takip ang binti ko para daw hindi maapakan, paano kung maupuan niya? Tanga. "I've waited too long for this." Hinintay niya akong masaktan? Hindi na lang ako umimik. "Tulog ka?" Hindi pero gusto ko. "Good. I can confess everything I want."

Nagiging ewan na si Jonas. Nakapikit na ako kaya siya nag-iingay.

"2 years ago...when I graduated, I watched you in that debate team. Nung una, hindi mo kaya. People were quick to judge and some gave pitty on you. Pero noong nalaman mo na ang topic ay Gobyerno and the Justice System ay lumaban ka. Your voice was heard, Karie. I really admire your heart for always putting your family first. I know it crushes you pero noong binaril si Tito sa harap mo mismo...you didn't know it crushed me more to hear your cries and sorrows. That policeman was really a drunk bastard pero it was worse when the government didn't arrest him kasi pulis siya. Magiging masaya si Tito now that he knows you're fine. I will make your sorrows fade, if only I was given the chance. Become a therapist ok? Heal those unhealed wounds but those scars can stay. It will be your sign of strength. I love you Kariessa. Not as a friend but also as a woman. Mahal kita at gusto ko sanang maging akin ka. Not now if you can't give it to me yet pero one day...hindi ako papayag na sa iba ka mapupunta because I deserve a woman who can be bubbly, beautiful, smart and brave without a sweat. Kasi ganoon ka, you're effortlessly amazing as a woman. Mamahalin kita through the darkest times in your life." Hinaplos niya ang pisngi ko. "I don't want to make promises...I'll show you how I can fulfill this confession. One day...that light will shine for both of us."

OH MY GOSH!

Papa kung sinungaling ito, multuhin mo ok? Malilintikan siya sa'kin!

I pretended to move around. I mumbled a few words pero sapat ang lakas para maintindihan niya.

"Love you..."

Love is BlindWhere stories live. Discover now