50. Broken

3.8K 131 11
                                    


"Lately, I've realised that happiness is not about holding the person you love, but giving the person you love their happiness is the real meaning of happiness, Faith..."
-Paul-
❤️❤️❤️



"I'm sorry, Paul. Hindi mo kasalanan. Wala kang pagkukulang. I'm sorry. . ."

After I ruined his proposal we left everyone and here we are at the other rooftop deck. Tanaw namin sila sa kabila. Parang walang nangyari at tumutugtog pa rin ang banda nina Tadeo. Umalis na din sina Mommy at Daddy. Pero naiwan naman si Ethan at si Hope ang pansamantalang nagbabantay sa kanya.

"I know that this would happened. Pero pinagpatuloy ko pa rin. I can only try because there's no harm in trying," ngiti niya.

Napayuko na ako at napatango na rin. Paul is like this. He's the easy going type, cool at heart, caring and very understanding. Behind his smile is his pain. Tinatago lang niya ito at inaako sa sarili. He was never selfish. . . Sa tatlong taon namin na magkasintahan ay binigay niya ang lahat ng pagmamahal niya sa akin at kay Ethan.

I never noticed his heart. I was blinded with bitterness and hate. Pagkatapos ng pinagdaanan ko kay Lachie ay iisa lang ang tingin ko sa lahat ng mga lalaki. Pero binago niya ang pananaw ko at binuksan ulit ang puso ko. Lumalaki na kasi si Ethan at naghahanap na siya ng kalinga ng isang ama. And Paul amicably gave it to Ethan. He became his father figure and by that, it touched my heart.

"I know I'm not going win when it comes to him. . . Alam ko noon na sa kanya pa rin ang puso mo, Faith. Nabalot lang ito ng galit at poot. But deep inside I know you still love him."

Mariin ko lang pinahiran ang luha ko. Kalmado na ako ngayon at nahinto na ang iyak ko kanina. Pero heto na naman nagsimula na naman ang patak nito.

Now I am worried about him. Nag-aalala ako sa sakit na binigay ko sa kanya ngayon. I don't know what else left to say. Mas mabuting manahimik na lang ako.

"Look at you. Ang iyakin mo talaga," sa mahinang tawa niya.

Hinaplos na niya ang likod ko at mariin na hinawakan ang kamay ko ngayon.

"Don't worry about me, Faith. Alam kong nag-aalala ka. I want you to be happy. I want you and Ethan to be happy, Faith."

Nagtitigan na kaming dalawa at panay lang din ang patak ng luha sa mga mata ko. Wala na ang hagulgol ko, dahil tahimik lang ang pagpatak ng bawat luha ko.

"Hey, I'll be fine," sabay pahid niya sa luha ko.

"Follow your heart. . . Matagal mo ng pinipigilan 'yan e. Alam kong pinipigilan mo 'yan dahil sa akin. . . Don't be, Faith. Yes, I love you, I love you and Ethan. Kayo ang naging inspirasyon ko. I want to build a family with you and Ethan, but I can't do it. Dahil hindi naman ako ang magpapakompleto sa buhay mo."

"Lately, I've realized that happiness is not about holding the person you love, but giving the person you love their happiness is the real meaning of happiness, Faith."

"I want you to be happy. I want your happiness, Faith. Because your happiness is mine. . ."

Parang napunit lang ang puso ko sa sinabi niya. My happiness is his happiness too. Ngumiti na siya at tumango na. I wiped my tears and smile at him.

"Paul, thank you. . . Ba't ba ang bait-bait mo?" Ismid ko, at pinatuyo na ang mga luha ko. Bahagya na siyang natawa at napailing na din.

"Don't worry, from now on hindi na ako magiging mabait sa mga babaeng katulad mo. Paparusahan ko na ang mga puso nila," pabiro niyang tawa.

Everything After ✅Where stories live. Discover now