35. Shut

3K 132 7
                                    



"Mommy when are we going to see, daddy? Poor daddy, Mommy. He's waiting for us, he's waiting for us to visit him on his grave, Mommy," sabay yugyog ni Ethan sa akin ngayon.

Kumunot na ang noo ko at tinitigan ang oras sa gilid ng kama. It's not even six o'clock in the morning and I slept at his bedroom. When I looked at the window blinds it is still shut and its dark. Yumakap na sa akin nang husto si Ethan sa gilid ko at niyakap ko lang din siya nang mas mahigpit pa.

"Sleep more, baby. It's still dark. . ." I said with my eyes shut.

Pagkatapos ng eksena kahapon ay panay na ang titig ko sa kanilang dalawa ni Lachie. They're playing dinosaurs in the sand and Ethan was having a good time with him. Gusto ko sanang ilayo si Ethan at ipasok na sa loob, pero hindi ko ginawa ito dahil kahit papaano ay inisip ko ang damdamin ng anak ko.

I told myself that I can tolerate what's happening today, but I won't let it happen again. Kung kahapon ay hinayaan ko siyang makipaglaro at makipagtawanan kay Lachie ay iibahin ko na ito simula ngayon. I won't let him see Ethan, nor I won't let Ethan to be seen by him.

"Mommy, mommy," sa lambing na saad niya.

"Hmm, yes, baby," pikit matang tugon ko.

"I love you, Mommy. I was dreaming of Dad, and in my dreams, his image was a blur."

Napamulat agad ako at kinabahan na. Inisip ko kasi baka ang mukha ni Lachie ang nakikita niya sa panaginip niya. Mabuti na lang at hindi malinaw ito, kaya tumango na ako at pinikit ulit ang mga mata.

"Hmm, and then. . ." I silently whispered.

"And then he said that he was waiting for me, Mommy. We actually played in my dreams like dinosaurs."

Napamulat agad ako at kinabahan na naman ako sa sinabi ng anak ko. I just realised that him and Lach played dinosaurs yesterday. Hindi kaya iyon din ang napanaginipan ng anak ko? Hay naku! Isip ko.

"But what makes me happy, Mommy was he got the same smile as Tito Lach. Do you think they're alike, Mom? I think dad misses us. That's why we need to visit his grave soon."

Nakatingala na siya. Ramdam ko ang pag galaw nang ulo niya para matitigan ako sa mata. Napakurap lang din akong nakatitig sa kanya. I smile at him. . .The innocent eyes of my son reminds me of his father. Nagsimula na naman ang poot at galit sa puso ko. Kaya mas niyakap ko na siya ngayon.

"Baby, they are not alike. . . Kalaro mo kasi siya kahapon kaya siya rin siguro ang napapanaginipan mo," sabay halik ko sa noo niya.

"Ano ba kasing mga pinag-usapan ninyo? Wala ba siyang bad things na tinuro sa'yo? Don't believe in him okay. I let you play with him yesterday because I was there, and everyone was there. He's a total stranger and you didn't know him that much-"

"No, he is not, Mommy! Tito Lachie is Tito Tadeo's friend, and he is a friend of everyone and not just a total stranger," he pouted.

Napangiwi na ako. Mukhang mas magaling pa yata ang anak ko kaysa sa akin ngayon.

"You can play with Yaya Neyah and Yaya Fe okay. Huwag ka ng makipaglaro sa kanya. Masyadong abala sila ni Tito Tadeo mo. May mga trabaho kasi sila at nasasayang ang oras nila sa laro laro," ismid ko at naging seryoso na tuloy ang mga mata ng anak ko.

"Is it the same way with you, Mommy? Is your time will go to waste too? Is that why you did not want to play with me?"

Parang sampal sa mukha ko ang tanong ng anak ko ngayon at nadurog lang puso ko ng marinig ito. Tama nga naman si Hope. Lumalaki na si Ethan at nagtatanong na siya sa lahat. I was too busy managing the two companies back home and I have forgotten my responsibility as his mother.

Damn it! Ba't ba ang talino ng batang ito?

"No, baby. . . I am different because I am your Mommy. Don't worry I will make more time here with you okay? Tita Maya's wedding will be of soon and we can have a lot of time together. . . Wala akong trabaho rito, well meron pero isa lang at lahat ng oras ko ay ibibigay ko sa'yo pagkatapos. Okay ba? Is that okay with you?"

Lumawak agad ang ngiti niya.

"Really? Promise?"

Itinaas pa niya ang hinliliit na daliri para sa pinky swear naming dalawa.

"Promise," sa hawak kamay ko sa kanya.

MEDYO kakaiba ngayon abala na ang lahat. Sa susunod na araw na ang kasal ni Maya. I have finalised the wedding dress and so as the bridesmaid dresses too. Mayroon din naman siyang wedding organizer at magaling ito, dahil kilala ito rito sa lungsod.

I only remembered her once. I think she's the daughter of Irene Delaviste, the famous fashion designer and wedding coordinator in the country.

The girls went in groups and I'm on my own. Panay ang ginawang pictorials at kasali na ako. Pero madali lang sa akin dahil extra lang naman ako rito. Nasa kabilang Isla kasi kami ngayon, dahil dito nga naman ang final lay out at pictorials.

Marami ng nagbago rito. Ang dating plain at walang kulay na Isla ay napakaganda na. Na develop na kasi at ginawang tourist spot privately na. I've found out from Bria that it is a joint project made by Tadeo and Lachie. Kaya madalas nagkakasama ang dalawa. Maliban kasi sa Engineer at developer sila, ay si Lachie Henderson ang CEO ng BCYF Corporation.

Ang sarap tirisin ng pangalan niya sa tuwing naalala ko ito. I never thought that he made this far too. Well, good for him! Ako rin naman ah!

Tinangal ko na ang suot kong sombrero at mas pinaglaruan na ang maliit na alon ng dagat. Ang lamig pa ng tubig at masarap sa mga paa ko ito. Naisip ko tuloy si Ethan. Gustong-gusto ng anak ko ang maglaro sa alon ng dagat. Nahinto ako nang may tumikhim sa likod ko. Kaya nilingon ko na.

Kumunot na ang noo ko nang makita ang seryosong pagmumukha niya. Kaya umiwas agad ako sa kanya. Tumabi siya sa akin at napako lang din ang paningin sa mga paa ko ngayon. Kaya napayuko na rin ako at tinitigan lang din ang mga paa niya.

Nakataas ang pantalon na suot niya at hanggang tuhod ito. Ngumuso na ako at pinaikot ko na ang mga mata ko. I tried to stop my heart from beating so much and reminded myself of what happened between us in the past.

"K-Kumusta ka na?" mababang boses niya.

"I'm fine," tipid na tugon ko at nagsimula ng bumara ang lalamunan ko ngayon.

I felt like my heart is ripping again like how it used to be. Nabuhay lang ang puot sa damdamin ko ng magtanong siya. Hindi ko 'ata kainlanman malilimutan ang sakit na nangyari sa akin, at parang kahapon lang din ito.

Tumikhim siya at mariin na pinaglaruan ng mga paa niya ang mga maliit na alon. Nakatitig lang din akong tahimik sa paa niya.

"Can we talk in private, Faith?"

Napalunok na ako at napatingala na sa kanya. Halos dumagundong na ang puso ko sa sobrang lakas ng kaba. I hate to admit it, but I am not yet over with him. . . Siguro galit at puot na ang natira ngayon ng puso ko kanya.

"What for?" I acted cool and smirked in silence.

"Faith. . . I know what I did in the past was unforgivable and-"

"Really?" I cut him off and lifted my brow. "Wala na akong naalala eh? Nakalimutan ko na 'ata ang lahat," sabay iwas ko nang titig sa kanya. Napatiim bagang na siya at napapikit mata na.

Umatras na ako. Hindi ko pa yata kayang makipag-usap sa kanya. Para ano pa? Wala na kaming pag uusapan pa dahil matagal ng tapos ang lahat sa aming dalawa.

"Excuse me, Lach. Marami pa akong gagawin."

Napatitig na ako sa kanya at bakas sa mga mata niya ang pagmamakaawa sa akin. His eyes are reddish and it's asking for me to listen but its too late. . . Sarado na ang puso ko at hindi na katulad ng dati ito. Napakurap na ako at umiwas na sa titig niya. Tinalikuran ko na rin siya. Napabuntong hininga ako sa sarili at pilit na pinigilan ang namumuong luha ko sa mga mata.

Damn it, Faith! Please huwag dito, huwag muna. Isip ko.

.

C.M. LOUDEN

Everything After ✅Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora