14. Tempted

2.2K 97 1
                                    


Naging mahigpit si Tita Amber kaya hindi na ako nakakalabas mag-isa. Pero okay lang dahil sa bawat pasyal naman namin kasama naman namin si Lachie. Bukas na sa lahat ng pinsan ko ang tungkol sa amin. At tikum lang din ang bibig ni Seth. Halatang hindi siya buto kay Lachie para sa akin. Kaya minsan ang holding hands namin ay nauuwi sa hiwalayan ng kamay kapag kasama si Seth sa grupo.

Seth and Tadeo acted as our watcher and so is Maya. Pero kapag wala silang tatlo ay parang nakawala kaming tatlo sa hawla. Bria, Ava and me can freely roamed around the Island without them. But because of Tita Amber orders they're eyeing us strictly.

[Good Morning, Love] Mensahi ni Lachie sa akin.

Napangiti na ako. Ang ganda ng umaga ko dahil ang mensahi niya agad ang unang bumati sa akin.

[Good Morning, too, Love.] Flying kiss emoticon pa.

[May final practice kami ngayon bago pumuntang Maynila. I'll see you tonight.] Flying kiss emoticon niya.

[Okay, love. See you tonight.] Kiss emoticon ko.

[I love you.] Hirit ko pa.

[I love you more, Love.] Mensahi niya.

Hindi 'ata matatapos ang pa-i love you naming dalawa, hanggang tumabi na si Bria sa akin. Nakangiti pa siya.

"Hay naku!" Sabay yakap niya sa unan.

"In love ka talaga ano!" Tawa niya.

Tumayo na ako para maligo na.

"Wala si Mommy at Daddy mamaya. Aalis sila. Business trip. Two days!" lawak na ngiti niya.

"Talaga!"

Uminit lang din ang pisngi ko at na excite pa tuloy ako ngayon. Mabilis akong pumasok sa banyo at nagtipa ng mensahi kay Lachie bago naligo.

Nang makaalis sina Tito Jamie at Tita Amber ay natahimik kami. Nakatingin sa amin si Maya. I behave myself. Ayaw kung isipin ni Maya na isa ako na magbibigay sakit sa ulo niya. Tama na si Bria at Ava na aalahanin niya.

"Walang lalabas ng bahay ng walang pahintulot sa akin ah?" Taas kilay niya.

"Ate, 'di ba pwede na lalabas kami mamayang gabi?" si Bria.

"Tumahimik ka nga Bria! Mawawalan ka ng allowance gusto mo ba?"

Natahimik na agad siya at tumalikod na. Natawa lang din si Ava na nakasunod sa kanya.

"Walang lalabas ngayong gabi! Makakatikim kayong tatlo sa akin!"

I nodded and followed Ava and Bria. Sa studio na ang tungo nila kaya inayos ko na ang sarili ko. Ang totoo, pinagbawalan kami ni Tadeo na pumasok dito, dahil esturbo lang daw kami sa performances nila. Napangiwi pa ako dahil naka-lock nga naman ang studio. Halatang ayaw kaming papasukin tatlo sa loob.

I message Lachie straight away. Akala ko kasi magkikita kami ngayon gabi, but everything got twisted because of the rules and regulations of Tita Amber. Mababaliw 'ata ako rito! Dinaig pa niya ang Mommy ko!

Ang ending magdamag kaming nanood ng TV at movies. Naglaro ng online games , at nakikipag kwentuhan din ako kay Hope. Nangungumusta ako sa kanila ni Daddy at Mommy. She seems so better without me. I can see that my twins is really soaring way higher than me. Mukhang pursigido si Hope sa career niya. E, samantalang ako lovelife ang inuuna.

It was nearly midnight when I wake up from a nap. Nakatulog kami at nakatulog din sila. Lumabas ako at maingat na pumuntang studio. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa. Tulog na si Maya at pati na sina Ava at Bria. Bumaliktad kasi ang sikmura ko at hindi ko maipaliwanag ito kaya nagising ako.

Napansin ko ang mensahi sa cellphone at hindi ko na mabilang ito. Mensahi lahat ni Lachie sa akin. Nakatulog nga naman ako.

Tahimik na ang loob. Tapos na siguro ang practice nila. Sasandal na sana ako sa pinto ng studio para pakinggan ang inggay sa loob nang biglang may yumakap sa tagiliran ko.

"Shh... It's me, Love," si Lachie.

Nasapak ko pa tuloy ang mukha niya. Hindi ko naman kasi sinadya. Nabigla kasi ako sa ginawa niya.

"The heck! You scared me!"

"Shh," sabay takip niya sa bibig ko.

Madilim na ang hallway, madilim na rito. Yumakap na ako sa kanya. Na miss ko rin naman siya.

"I miss you, Love," bulong at yakap niya.

"Tapos na ba ang practice ninyo?"

"Oo, katatapos lang. Uuwi na rin ako. Umakyat na sina Tadeo at Riley sa itaas. Nakita kasi kita kaya bumalik ako rito," ngiti niya.

We stare for a moment. Pilit ko lang din na pinakingan ang pintig na puso ko. Nahibang na naman ako ngayon. Lutang na naman ang isip ko habang nakatitig sa kanya.

"Nagising ka? How are you feeling?"

"Sumama kasi ang pakiramdam ko. Pero okay na ngayon, dahil nakita na kita," pilyang ngiti ko.

Napakagat labi na siya at mariin na hinalikan ang labi ko. Napapikit mata na ako at humalik lang din pabalik sa kanya.

"I have to go..." he hoarsely said.

"Can I come with you?"

Kumunot lang din ang noo niya at tiningnan ang oras sa relo.

"Do you want to go with me? Let's go out for a date." Sabay hila niya sa kamay ko.

I smiled and bit my lower lip. Promise huli na 'to. Isip ko.

Tahimik kaming nakarating sa tree house niya. Here we are again in this state of madness. Nakahiga kaming nakaharap sa langit. May maliit na parte kasi sa tree house na kung saan makikita ko ang kinang ng mga bituan sa langit kapag nakahiga ka.

Were holding each others hand and embracing this moment. Pikit mata pa ako at dinama lang din ang bawat haplos niya sa kamay ko. I can even hear his heavy breathing. Ganoon din naman ako. Malakas ang pintig ng puso ko at pilit na kinakalma ang sarili ko.

"Faith..."

"Hmm?"

"I really want to propose to you right now... Pero wala akong maipagmamalaki sa mga magulang mo."

Minulat ko na ang mga mata ko at mariin na tinitigan siya. Nakatitig siya sa akin nang husto at kitang kita ko ang senseridad sa mga mata niya. I know he is honest and sincere about his feelings for me. Alam kong maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya dito, pero kampante naman ako na ako lang ang mahal niya.

"Ang presensya mo lang ang mahalaga, Lach... You can propose to me right now and I will hold into it," ngumiti na ako sa kanya.

He rolled over on top of me and I feel his weight. Uminit lang din ang mukha ko sa ginawa niya. Nilakbay agad nang kamay niya and hita ko papasok sa tiyan ko at napapikit mata na ako. Hanggang sa maramdaman ko na ang malamig na bagay sa kamay ko.

"I love you, Faith. Please wait for me, Faith... And then let's get married." Sabay halik niya sa labi ko.

Bahagya siyang nahinto sa halik at tinitigan ko na ang kamay ko ngayon. Napangiti ako. Madilim nga naman dito pero maliwanag naman ang buwan at kitang kita ko ito sa kamay ko ngayon. Ang simpling maliit na singsing na suot ko.

"Magsisikap ako, Faith. And in three years you will wear a real diamond ring in your hand... Pero sa ngayon hawakan mo muna ang singsing na 'yan. I love you, Faith. I love you."

Tumango na ako. "Kahit na ano pa 'to basta galing sa'yo... I love you too, Lach," sa mas lalim na halik ko.

And here we are again. Making love out of everything. Nakalimutan ko na naman ang lahat. Nakalimutan ko na naman ang sarili ko at nagpaubaya na ako sa kanya. I don't care about tomorrow... Ang mahalaga sa akin ay ang ngayon at si Lachie.

.

C.M. LOUDEN

Everything After ✅Where stories live. Discover now