36. Cried

3.1K 148 14
                                    



"Above all, love each other deeply, because love covers over a multitude of sins. Love bears all the things, believes all the things, hopes all the things, and endures all the things. Don't close your heart. Learn to forget and forgive. Always remember that forgiveness is the final form of love. So, therefore, what GOD has joined together let no one separate. . ."

I smile secretly while listening to the matrimony sacrament of marriage. Ang totoo marami ang katanungang nabuo sa isip ko tungkol sa pagpapatawad sa isang tao. Paano mo ba mapapatawad ang isang tao kung hindi pa handa ang puso mo? Paano mo ba malalaman na handa mo na siyang patawarin at hindi ka na masasaktan ulit ng husto?

Napailing na ako habang iniisip ito ngayon. Kagaya nga ng sinabi ni Mommy sa akin noon may dalawang klase raw ang pag-ibig sa mundo; Una ang mapayapa at walang dalang gulo, at ang pangalawa ay kagaya ng hagupit ng isang bago.

Noong una hindi ko maintindihan ito. Pero ngayon ay alam ko na ang kahulugan ng mga salitang binitawan niya.

Parang bagyo nga naman ang pinagdaanan ko noon kay Lachie, at magpahanggang ngayon ay hindi pa ito humuhupa. Oo, kinalimutan ko na, pero hindi pa ako handang patawarin siya.

How can I forgive him? Hindi ko alam kung paano ba. . .

And then Paul came to mind. . . Siya ang taong tumayo at sumuporta sa akin ng husto sa mga panahon na ang hina-hina ko at bagsak ang pagkatao ko. Siya lang ang taong nagtiwala sa akin. Sana nga pala hindi na ako nagkagusto sa iba. Sana nga pala siya na lang din ang unang minahal ko. Pero hindi, dahil noon hindi ko hawak ang puso ko at ngayon ay hahawakan ko na ito.

Nang matapos ang kasal ay nauna na akong umalis sa venue. I miss my little boy Ethan. Parang nauntog ang isip at puso ko dahil sa kulang na atensyon ko sa kanya. Nauna na sila ni Yaya kanina dahil napagud 'ata siya ng kakalaro talaga.

"Oh, aalis ka na? Hindi ka na sasali sa after party ngayong gabi?" si Bria sa akin.

"Hindi na. Napagod na ako, at hinihintay na ako ni Ethan ngayon. I promised myself to spend more time with my little men," sa lawak na ngiti ko sa kanya. Gumaan ang pakiramdam ko sa mga binitawang salita kay Bria. Parang nabunutan na ako ng konting tinik sa puso ko.

"Sige. Then, we will catch tomorrow okay? May after party pa kami mamayang gabi at alam mo na!" excited na tugon niya.

"Okay, have fun!"

Imbes na magpahatid ako sa driver ay naisipan ko na lang na maglakad sa dalampasigan patungo sa bahay nina Tita Amber. Hindi naman kalayuan ito at iilang minuto lang naman. Hinubad ko na ang stiletto na suot at nakapaang nakaapak sa butil ng buhangin ng dagat. Ang sarap pa sa pakiramdam ito.

Tahimik ang boung Isla at malapit na ang pagtakim silim ng araw. Naalala ko tuloy ang teenager na si Faith noon. . . Ilang beses ko rin na nilakad ang dalampasigang ito ng pabalik-balik dahil sa katangahan ko kay Lachie.

Noon, parang segundo lang ang layo ng bahay nila sa bahay ni Tita Amber, pero ngayon parang malayo ito. At ngayon na naisip ko siya ay napalingon na ako sa bahay sa bawat gilid na nandito.

A lot has changed and there are few more new resort vacation houses that are being built closer by. Hindi ko na napansin ito, dahil malaki na ang pinagbago. Hanggang sa napansin ko ang malaking puno at nahinto ako sa tapat mismo. Tinitigan ko itong mabuti at inisip ko kung ito ba ang puno nila noon na kung saan ay nakalagay ang tree house niya.

I swallowed hard when I saw the old marks and trademarks it has. Wala na ang dating tree house na nandito at may malaking bahay na sa gilid nito. The place is now covered and the tree is now surrounded by fence around. Pero nang mabasa ko ang nakaukit na letra sa ibabaw ng puno ay bumilis lang ang pintig ng puso ko.

Everything After ✅Where stories live. Discover now