26. Saviour

2.8K 139 9
                                    


It's devastating... Like my inside in ripped into pieces! I even tried to hold my tears but I could not. Tumakbo lang din ako nang makita ang hagdanan papasok sa loob ng bahay.

"Surprise, Faith!!"

My eyes widened when I saw my twin sister Hope in front of me. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, pero tumalon ang puso ko sa tuwa nang makita siya.

"I missed you!" Matinding yakap niya.

Mas yumakap ako nang mahigpit sa kanya at umiyak na. My tears won't stop falling as my heart bleed in silent. Ang bigat ng pakiramdam ko, pero nang mayakap ko siya ay nagkaroon ako ng kakampi ngayon.

"What's that tears for? You don't usually cry just because you've missed me?" she laughs and stares at me.

Mariin niyang tinitigan ang mga mata ko at ngumiti lang din ako sa kanya. I tried to hide my pain, I have to. Ayaw ko munang sabihin sa kanya. Kaya agad na pinunasan ko ang luha ko ngayon.

"I have missed you so much," yakap ko ulit sa kanya.

"Tamang-tama ang dating mo, Faith. Naluto ko na ang request mo kahapon," siglang tugon ni Auntie Bebe sa akin.

Mabilis kong pinatuyo ang luha ko gamit ng palad, at natawa lang din si Hope sa akin.

"Come here! I came here for this and I want to try everything and every food here," excited na tugon niya at nauna na sa mesa.

Naihanda na nga ni Auntie Bebe ang lahat at naupo na agad si Hope. Mabilis din siyang kumuha ng kanin at ulam at kumain na sa harap ko. Tinitigan ko lang din siya ng husto. She's my complete opposite. She's not shy while I am a bit shy. She's very open, while I'm a bit timid. She can speak in public like a big boss, while I hide behind her shadow. I might be the eldest but she is my saviour and protector. Makikipaglaban siya ng patayan sa akin at handang makipagsabunutan sa mga kaaway ko.

"Sinabi ko na kay Ma'am Amber na nandito ka. Hindi man sila makabalik bukas pero maaga silang lahat sa Linggo," tugon ni Yaya.

"Oh, dear! Puto at Biko!" excited na tugon ni Hope habang nakatingin siya rito.

"Ay bagong luto 'yan, Hope. Requested ng kambal mo. Hala sige kain lang kayo..." si Auntie Bebe.

"Kumain ka rin Auntie at Yaya! Sumabay ka na rito, Come here, please," tawag ni Hope sa kanya sa kusina.

Tumikhim na ako at si Auntie Bebe na ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Napako ang mga mata niya sa akin at parang natulala ito. Pero madali rin siyang umiwas sa titig at ngumiti na kay Hope. She never asked me about Lachie. Siya lang naman ang nakakaalam kung saan ako nagpunta kani-kanina lang.

"Kumusta na sina Mommy at Daddy?" mahinang tanong ko at sabay subo.

"Yeah, they're all okay, Faith. They all miss you, and guess what?" kinang ng mga mata niya.

"Mom and Dad are excited to let you know that you can do your Fashion designer course! Pumayag na din sila!"

Napangiti akong wala sa sarili habang tinataas niya ang isang kamay ko na hawak ang kutsara. Namutla na ako at kinabahan na. Sumikip pa ang dibdib ko kaya nahinto ako nang subo at ininom lang din ang tubig.

"Are you gassy? Or bloated again?" si Hope sa akin.

"Ahm, I eat too fast."

"Oh, slowly! Hindi ko naman uubusin 'to lahat ano!" lakas na tawa ni Hope. Natawa na rin sina Yaya at Auntie Bebe.

Masaya ang kwentuhan nila at nakikinig lang din ako. Lahat ng kwento ay galing kay Hope at talagang ganito nga naman siya kahit sa bahay pa. At nang matapos ako ay nagpaalam muna ako na mauna sa kwarto para magpalit lang din at maligo. Alam ko kasi na matatagalan pa ang kwentuhan nila.

Everything After ✅Where stories live. Discover now