30. Bitter

2.8K 131 6
                                    


"Oh my goodness! Faith!!" Tili ni Bria habang sumalubong sa amin at yumakap agad sa akin nang husto.

"Look at you? My goodness! Ang laki ng pinagbago mo!" sa kabuuang titig niya sa akin.

She still look the same. Tumangad ng konti at mas pumiti ang balat niya. Naging katamtaman ang dating singkit na mga mata. Mahaba na rin ang buhok niya at lumiit na siya. Medyo mataba kasi siya noon.

"How are you, Bria? You look. . . Stunning?" I politely said with a smile. Napawai agad ang ngiti niya at ngumuso pa.

"Oh, that's not you. . . Nagbago na ang ugali mo," bahagyang tawa niya.

I rolled my eyes and sighed. "Ugh, ano ba! Ako 'to gaga!" Irap ko sa kanya at nauna na akong humakbang patungo sa Van na nasa harapan.

"Mommy!" ang sigaw ni Ethan at nilingon ko na.

"Where's, yaya?" Yakap at tingin ko sa likod ng bata. Nagsitakbuhan palapit ang dalawang yaya na parang hiningal pa. Nauna kasi akong lumabas dahil nagpunta pa si Ethan sa toilet area at sinamahan ng dalawang yaya.

"The hell, yaya! Paano kung mawala si Ethan! Dalawa kayo ano ba!" inis na tugon ko.

"E, Ma'am tumakbo kasi. . ."

"Kahit na! E, 'di tumakbo ka rin!" galit na tugon ko.

"Mommy who is she?" tanong ni Ethan na nakatingin kay Bria ngayon.

Bria's mouth partially dropped and she kneel to meet Ethan's gaze.

"Oh my god, Faith. Akala ko. . . Akala namin. . . Siya ba?"

Tipid lang na ngiti ang ginawa ko at nakuha na niya ito. I have never told anyone here what really happened before. Alam kong alam nila ang dahilan kung bakit umalis kami agad noon ni Hope. They all knew then that I was pregnant. I've cut all any means of communications with them. Si Mommy at Tita Amber lang 'ata ang nag-uusap sa mga panahong iyon.

"She's your Tita Bria, Ethan. Say hello."

Ngumiti lang din si Ethan sa kanya, at agad lang na hinaplos ni Bria ang mukha niya at niyakap it nang husto.

"Ang gwapo mo bata ka! Nagmana ka sa-"

"Bria!" I cut her off.

"Oh, nagmana ka sa lolo mo!" sa pekeng ngiti niya sa akin. Napatingalang nakatitig na si Bria sa akin na nagtatanong.

"But, Tita Bria. I do look like my late Dad? That's what Tita Anna Lyse told me yesterday," ngiti ni Ethan sa kanya.

"A-Ano? L-ate father?" Parang may multo ang titig ni Bria sa akin at tumango na ako.

"Oh, yes! You do look like your late, dad. . . So bloody handsome!" Sabay tayo ni Bria at pinaikot na ang mga mata sa akin. Napailing na ako.

"Yaya pakibantayan ng mabuti si Ethan please."

Naging mahinahon na ang boses ko. Kanina kasi halos lumabas na ang kaluluwa ko nang makita na tumatakbo si Ethan sa akin at wala ang dalawang yaya sa likod niya. Tumango na silang dalawa.

"Sorry po, Ma'am."

"Okay na. Pumasok na kayo sa van," utos ko sa kanila.

Pumasok na sila at pinasok na din ng dalawang body guards ang mga gamit namin. Isang malaking van at dalawang convoy na bodyguards ang bitbit ni Bria. Bibiyahe pa kasi kami patungo sa Palawan, sa ancestral home Island ng mga Turner-Mondragon. Doon din kasi magaganap ang kasal ni Maya. Beach garden wedding kasi and thema nila.

"Faith?" seryosong titig ni Bria, at napatitig na din ako sa kanya.

"I know. . ."

"Bakit? Bakit hindi mo sinabi sa amin na buhay pala ang bata. . . We thought you've lost him," sa buntong hininga niya.

Naalala ko lang ang mga panahong pinagdaanan ko. I feel like I have no one to turn to. I tried to kill myself a handful of times because I suffer a shameless depression. Ilang beses din akong sinugod sa hospital nina Mommy at Daddy. Until I've told them, not to tell to all my cousins here what I've been through. I have told Mom and Dad that I will do my best, and promise not to hurt myself again, but on one condition. Just tell them I lost the baby. . .

Napalunok ako habang nakatitig ng husto kay Bria ngayon at pilit na ngumiti sa kanya.

"Sa tingin mo anak siya ni- Oh, damn it!" I looked away from her.

"It's obvious, Faith. Carbon copy sa ama. Kahit pa sabihin mo na hindi niya anak ang bata. Kamukhang-kamukha niya."

"He's my son, Bria! Iyon lang 'yon at si Paul ang daddy niya. Let's go!" At nauna na akong humakbang sa kanya.

Pumasok na ako at nilingon sa likod sina yaya at Ethan. Malamig ang aircon at nakangiti sa akin ang anak ko. Halatang excited ito. Pumasok na din si Bria at tumabi na sa akin, at umandar na ang sasakyan.

Tahimik ang biyahe at nilingon kong muli si Ethan. Nakatulog na ang bata. Panay lang din ang lingon ni Bria sa likod at titig sa akin. She grabbed her phone and type in something. Like a message group chat. I grabbed my phone and read Paul's messages to me. Hindi pa nga ako nakapag-reply sa kanya, kaya ginawa ko na.

"Do you want to join our group chat?"

I shook my head. "No, thank you."

Natahimik na siya at nagtipa ng mensahi sa mga kapatid at pinsan namin. She even showed it to me. She's telling everyone that I'm here in the Philippines. They've all greeted and asked for me to join. Kaya napangiti na ako at napailing na.

I'm here for one thing and that is still business. Hindi na ako babalik sa dating nakagawian ko. I've change for the better and for myself. Bunos na lang sa akin si Ethan. Isa rin siya sa mga dahilan ng pagbabago ko sa sarili. Although every time I saw him it reminds me of the past. The past that taught me on how to become a bitter person.

.

C.M. LOUDEN/VBomshell

Everything After ✅Where stories live. Discover now