Chapter Twenty Eight

Start from the beginning
                                    


"Wala ka naman malalaman sa akin na ginagawa ko bukod sa nagbu-business at nagpapatayo ng bahay," aniya.


"Aba malay ko ba kung may nakarelasyon ka doon! Malay ko ba kung may ka-fuck buddies ka—hmmp!"


He covered my mouth using his palm.


"Ano ba, Casper? Saan mo naman natutunan iyan?"


"What? Don't tell me hindi mo alam ito? Ikaw pa ba, King?" natatawa kong sabi.


"Of course I know that, but I will never engage with that kind of set up. Where did you learn that? Natututo ka na sa mga ganyan ah?" pagalit niyang sabi.


"Why are you so mad? Normal lang na malaman ko mga ganyan 'no? Hello, tao ako! I am surrounded by many people engaged in that kind of set up. At saka isa pa open minded akong tao! Napaka-OA mo."


He rolled his eyes now he's going back to hugging me.


"Ano?" niyugyog ko siya.


"Anong ano?"


"Nagkaroon ka ba ng ganoong klaseng relasyon no'ng wala tayo?"


"I said I am not! I am loyal to you! Kahit tanungin mo pa kay Kai at sa mga kaibigan ko!" agap niya.


"Trabaho nga lang ginagawa ko eh," pagmamaktol niya.


"Weh? Kahit sa mga bistro doon sa Pangasinan, wala?"


"Hindi na ako umiinom doon. Sa bahay na lang."


"Hindi ako naniniwala." Naningkit ang mga mata ko.


"Totoo. Wala naman si Thirdy doon sa Pangasinan. Kapag nagkikita kami nagtatrabaho lang 'yon doon. Si Cody wala rin. Si Kai may pamilya na kaya hindi p'wede. Si Sarah nasa ibang bansa. Si Zion abala rin sa kompanya niya. Ganoon din si Yuno sa trabaho niya. Wala akong kasama at hindi ako umiinom nang walang kasama, alam mo 'yan."


Hindi na ako nagsalita pa pagkatapos ng kanyang sinabi. I appreciate this kind of morning... with him.


I felt his hug became tighter.


"What are you thinking?" he whispered.


"Do you consider yourself as a successful person now?" out-of-nowhere I asked.


"How do you describe success?" he asked me.


"Ako nagtatanong!" reklamo ko.


"Para sa akin iba ang depinisyon ko ng success kaya kung ako ang tatanungin mo, hindi pa. Marami pa akong pangarap at gustong abutin, kaya hindi pa," aniya.

When You Smile (Engineering Student #3)Where stories live. Discover now