Chapter Thirty One

1.8K 73 9
                                    

Chapter 31


KING


"Kai, magready na raw tayo punta raw tayo sa bahay nila Ninong!" sigaw ko kay Kai. Kanina pa siya sa kuwarto niya at hindi na nalabas pa. Hindi ko alam ang ginagawa ng isang iyon. Agad-agad akong nagbihis nang sinabi nila Mama na pupunta kami sa bahay nila Ninong Chris.


Sampung taong gulang pa lang ako nang makitaan na ako sa hilig sa pagguhit. Isang araw dinala ako ni Papa sa isang site kung saan dinala ang mga in-order na mga materyales sa pagpapatayo ng isang bahay.


Nasa loob ako ng sasakyan habang pinagmamasdan ang mga karpintero kung paano sila magtrabaho. Sa baba nakita kong may kausap si Papa na isang lalaki. Pareho silang nakasuot ng matigas na sumbrero. Ano bang tawag doon? Bakit iyong sumbrero ko ibang-iba sa sumbrero nila? Magpapabili ako kay Papa niyan!


Habang kausap ni Papa ang lalaking iyon, may inilatag siyang mahabang papel na palagi kong nakikita sa office ni Papa. Kamukhang-kamukha siya ng pinagguguhitan ni Papa! Magpapabili ulit ako niyan!


Ilang minuto silang nag-usap. Usually, madali lang akong ma-bored kapag ganitong walang kausap pero ngayon masyado akong nawiwili sa kung ano man ang ginagawa ng mga tao rito. Bakit ba ayaw akong palabasin?! Hindi ko kasama si Kai kasi nasa kuwarto niya ulit, nag-aaral yata. Nakita ko na papalapit sila dito. Umayos ako ng upo at kumain ng biscuit.


Binuksan ni Papa ang pinto ng kotse saka may kinuhang papel at agad na pinirmahan iyon ng kanyang kausap.


"Ayan na ba ang inaanak ko?" ngiti ng lalaki sa akin. Doon ko napagtanto na si Ninong Chris pala ang kausap ni Papa.


"Oo si King 'yan," si Papa. "Mag-mano ka sa Ninong mo," utos ni Papa. 


Lalabas ba ako ng kotse para magmano? Bawal daw akong lumabas sabi ni Papa eh, delikado raw. Ang ginawa ko, lumipat ako sa driver's seat saka tinitigan ang lalaki. Inabot niya ang kanyang kamay at saka ako nagmano.


Habang paalis na kami ni Papa, hindi pa rin iniiwan ng mata ko ang pinapatayong bahay. Saka lang ako bumaling kay Papa nang hindi ko na iyon makita dahil sa distansiya.


"Dad, I want to become like him," I said.


Daddy chuckled and then he looked at me.


"He's a Civil Engineer, I am a Civil Engineer too, parehas lang kami bakit siya ang gagayahin mo?" may himig pagtatampo si Papa.


"He's so cool!" magiliw kong sabi.


"How 'bout Daddy?"


"Hindi ka naman ata engineer Papa eh, hindi naman kita nakikitang nagpapatayo ng bahay Papa katulad ni Ninong," simangot ko.


"I am. Kaso sa ngayon nagbu-business na lang si Papa," aniya.


When You Smile (Engineering Student #3)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin