Kabanata 9

965 16 1
                                    

Switch

"Let's  switch." Aniya nang sinagot ni Primus ang tawag niya.

Binilisan niya ang pagpapatakbo sa sasakyan, "Huh?  Why? " Nalilitong tanong ni Primus sa kabilang linya.

"I need to think about something."  Seryosong sagot niya at humigpit ang pagkahawak sa steering wheel.

" When will you comeback? " Primus asked,  bumuntuhinga siya at hininto ang sasakyan sa gilid.

Sumandal siya at tinuon ang atensyon sa kausap, " Three days,  and.. " kinagat niya ang ibabang labi dahil hindi niya masabi sabi ang gustong sabihin.

" And? "

He cleared his throat,"  And,  don't  you dare to do stupid things with her. " 

"Why? " Curious na tanong ni Primus,  umirap siya sa hangin.

" Just don't  okay?  Thanks. " Binaba niya ang tawag at bumuntuhinga bago pinaandar muli ang sasakyan sa lugar na alam niyang makakapagisip siya.

PANAY ang silip ni Noushen sa pinto ng condo nila dahil alas diyes na wala pa ang binata.

Ang hapunan na niluto niya ay malamig na,  malakas siyang nagpakawala ng buntuhinga bago pumasok sa kwarto niya.

Thankfully hindi na kumikirot ang pagkababae niya kaya malaya na siyang nakakagalaw.

Humiga siya sa kama at tumitig sa kisame,  kung kanina napupuyos siya sa inis at pagkapahiya pero heto siya inaabangan ang binata na parang tanga.

" Asan na ba siya? " Bulong niya sa sarili.

Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya kakaantay sa binata, nagising nalang siya sa ingay na nagmumula sa kusina.

Pungas pungas na tumayo siya ng kama at nagmamadaling sinuot ang tsinelas.  Pinupusod niya ang buhok na lumabas siya ng kwarto.

Umawang ang labi niya at namilog ang mata niya nang bumungad sa kanya si Primo sa kusina na nagluluto.

Hindi niya alam kung anong ire-react niya ng mga oras na iyon,  nagkalat ang balat ng itlog at balat ng mga frozen food sa counter table.

"Aw!  Fuck!  Shit! " Nilipat niya ang tingin kay Primo na tumatalon tuwing natatamaan ng mantika.

Nakasimangot ang labi at nakakunot ang noo nito sa inis,  ang buhok din nito ay sabog sabog na tila kinayod ng manok.

"Bakit hindi mo ko ginising?" Hindi na niya napigilan at nagsalita na. Napaigtad si Primo at nag angat ng tingin sa kanya.

Lumapit siya rito, pinagmasdan niya ng maigi ang mukha nito dahil may dumi ito sa mukha.

"May dumi ka sa mukha. " Bulong niya at tumingkayad para linisin ang dumi sa pisngi nito.

"Aray!"

"Sorry. " Bulong nito nang bigla nalang siya nito tinulak habang inaalis niya ang dumi sa pisngi nito.

She look at his eyes, hinanap ng mata niya kung nasaan ang mole nito pero wala..

Namamalikmata lang siguro ako.

Umiiling na nagiwas siya ng tingin at niligpit ang mga kalat nito sa kusina, " Ginising mo na lang dapat ako para malutuan kita ng almusal. " Aniya at pinunasan ang counter.

Hindi niya  maitindihan bakit ganto ito kakalat magluto ngayon in fact siya pa nga ang pinakamalinis mag luto sa kanilang dalawa.

Ang mas lalong pinagtaka niya,  bakit sunog lahat ng itlog at frozen foods?

His Fake Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now