Kabanata 32

948 28 1
                                    

Meet again.

PARANG nabunutan ng tinik si Noushen nang makumpleto ang supplies na kakailangan sa friday.  Natapos nila ito ng  Thursday ng hapon na labis niyang kinatuwa.

She also contacted Ms. Jenny to inform her about the supplies.  Pagod na sumandal siya sa  upuan nila sa living room.

She work from home now dahil walang mapagiiwan kay Nixxon,  mabilis siyang napalingon sa gawi ni Nixxon nang maalala ang anak.

Nakahinga siya ng maluwag ng makitang busy itong nakahiga sa carpet at naglalaro.

"Nixxon.. "Pagkuha niya sa atensyon ng anak at hindi man lang siya nilingon na kinailing niya.

Manang mana talaga sa tatay niya..  Wait, what?  Nevermind.

Sinara niya ang laptop at lumapit sa anak na titig na titig sa color blue nitong laruan.

Tumabi siya sa anak na hindi man lang kumurap at lumingon nang tumabi siya rito,  "Hmm..  Anong pinagkakaabalahan ng anak ko at hindi man lang tumitingin sa mommy? " Ngumuso siya nang hindi ito umimik bagamat pinisil pisil lang nito ang laruan.

Pinisil niya ang mataba nitong pisngi sa pangigigil,  "Hmm..  Hindi mo ba love si mommy? " Pagdra-drama niya pero hindi pa din ito lumingon.

Anak ka nga ng tatay mo...

Bumuntuhinga siya sa naisip nang mapadako ang mata niya sa refrigerator, napangisi siya at sumulyap sa anak na busy-ing busy.

Marahan siyang tumayo at malawak ang ngising binuksan ang refrigerator,  kinuha niya sa freezer ang paborito nitong ice cream na alam niyang hinding hindi nito matatangihan.

" Ice cream!! " She exclaimed at pasimpleng sumulyap sa anak niyang natigilan sa paglalaro at namimilog ang mata nagangat ng tingin sa kanya.

Nagkunwari siyang walang nakikita at kumuha ng baso at kutsara, nagsandok siya ng ice cream. Kita niya sa gilid ng mata niya ang pag awang ng cute nitong labi at pagsubok na tumayo.

Pigil ang tawa niya nang makitang muntik pa ito madapa kakalapit sa kanya,  hindi siya natakot na baka madapa ito at masugatan dahil naka-carpet ang buong floor ng condo nila.

"My! " Akmang isusubo niya palang ang kutsara nang madinig niya ang galit pero matinis na boses ng anak.

Kunyari wala siyang nadinig at tuluyang sinubo ang kutsara na may ice cream. Nakita niyang nagsalubong ang kilay ng anak niya at pumirmi ang labi.

Mas lalo niyang nakikita ang pagkakahawig ng mukha nito sa ama,  kahit ilang beses niya i-deny iyon. Alam niya sa sariling magkamukhang magkamukha  ang dalawa.

Maraming mga kakilala niya ang nakakapansin na kamukha nga nito si Primo,  miski ang mga taong nadadaanan lang nila kapag kasama niya si Nixxon sa Mall ay napapansin ang pagka-kahawig ng dalawa.

She knew one day,  once he saw his son.. He probably knew that it's  him.

"My! My! " Nabalik siya sa realidad nang marinig ang umiiyak na boses ng anak,  yumukod siya at napaawang ang labi nang makita ang nagmamabilis na luha ng anak sa pisngi nito.

"Omaygash,  sorry baby.. " Binuhat niya ang anak at inabot rito ang baso na may ice cream na kaagad nitong kinatahimik nito.

Buhat buhat si Nixxon,  binalik niya ang ice cream sa refrigerator. Tumingin siya sa orasan  at nakitang alas syete na ng gabi.

Pinaupo niya muna si Nixxon sa baby chair at nilagay ang seatbelt nito para hindu malaglag.

Nilabas niya mula sa refrigerator ang adobo na niluto niya kaninang  tanghali na hindi naman nila naubos since dalawa lang sila ni Nixxon.

His Fake Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now