Kabanata 40

1.3K 24 0
                                    

Mall show

"Are you okay? " Nagaalalang tanong ni Primo at sumulyap sa kanya at kaagad na binalik sa daan ang tingin.

Nanlalamig ang kamay at paa niya sa kaba.  Her hearts burst in the thought that there's  something  gonna happen to her son.

She only nod at  kinurot ang mga palad para doon ilabas ang kaba.  Nakatingin lang siya sa harapan habang sari saring emosyon ang lumalamon sa kanya.

She heard him sighs harshly at inabot ang kamay niya.  Pinagsiklop nito ang mga kamay niya at alam niyang ramdam nito ang panlalamig ng kamay niya.

" Everything will be all right hmm?  Don't  be nervous.." Malambing nitong sabi at pinisil ang kamay niya.

Medyo gumaan ang pakiramdam niya pero hindi pa din mawawala ang takot at kaba.

Pakiramdam niya isang taon sila sa loob ng sasakyan patungo sa condo niya pero ang totoo hindi naman sila inabot ng trenta minutos.

" Thank you,  you should go home now. " Sabi niya ng ihinto ni Primo ang sasakyan sa harap ng building niya.   Hindi niya nakita ang reaction nito dahil busy siya sa pagkalas ng  seatbelt.

" I come with you. " Seryosong sabi nito.   Napatigil siya sa pagtanggal ng seatbelt at nilingon ang seryosong mukha ni Primo.

" No. Umuwi ka na. " Seryoso niyang tugon at pilit na tinago ang kaba sa mukha.

His face filled with confused.

Tinitigan siya nito sa mata at akmang aangal ng tiningnan niya ito ng masama.   malakas nalang siyang napabuntuhinga.

"Fine. " Labag sa loob na sabi nito,  " But please..  Tell me what's  happening okay? " Kumalabog ang dibdib niya sa sinabi nito at marahang tumango kahit halos mawalan na siya ng malay sa kaba.

"  I love you. " Malambing na bulong nito,  ngumiti siya.  A genuine  one then lean forward to give him a peck.

" I love you too.  I call you later. Drive safely." Sunod sunod na sabi niya kasabay ng pagtanggal niya sa seatbelt at paglabas ng sasakyan.

Hindi na niya inantay ang sagot ni Primo at kumaway rito bago tumakbo sa loob ng condo na parang may humahabol sa kanya.

Luminga linga siya sa paligid sa takot na baka sundan siya ni Primo.  Nakahinga nalang siya ng maluwag ng makasakay sa loob ng elevator at walang natatanaw na Primo.

Hinand niya kaagad ang key card nang makitang malapit na siya sa floor nila.  She tapped her feet on the floor while biting for her lips and her eyes is on the floor number.

Mabilis pa sa kay flash na lumabas siya ng elevator nang bumukas iyon  at luminga muna sa paligid bago nanginginig ang kamay na ini-swipe ang key card.

Sumulyap muna siya sa paligid bago pumasok.  Hindi niya alam pero pakiramdam niya susunod si Primo.   She knows him,  mabilis itong maghinala sa mga bagay bagay kaya hindi malabong sundan siya nito.

Hinubad niya ang tsinelas ni Primo.

" Nixxon?  Nixxon!  Where are you? " Sigaw niya at basta nalang hinagis ang bag sa sofa at nilibot ang paningin.  Lalapit na sana siya sa kwarto nila para buksan iyon nang bumukas ang pinto at niluwa non ang katulong na kaagad lumapit sa kanya.

Naglikot ang mata niya nang hindi makita si Nixxon sa kamay nito.

" Asan si Nixxon? "Bungad niya,  alam niyang rinig ang kaba at takot sa boses niya ng mga oras na iyon.

Nataranta ang katulong at tinuro ang kwarto,  " K-anina pa ho kasi siya umiiiyak at nagwawala kasi di ka po niya nakita. " Kabadong sabi ng katulong.

His Fake Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now