Kabanata 41

1.2K 24 1
                                    

Haley Reeks

Wala na si Primo sa tabi niya pagkagising niya kinaumagahan.  Bumuntuhinga siya ng maalala na paniguradong nasa airport na ito papuntang Davo   ngayon dahil alas syete na ng umaga at alas sais ang flight nito.

Aabutin niya sana ang phone sa bedside table nang makitang may nakadikit na note roon.  Hinablot niya iyon kaya bahagyang napunit ang gilid.

Goodmorning  baby. Hindi na kita ginising since alam kong napagod kita kagabi and by now maybe I'm  in the airport or in Davao already.  Take care youself for me baby. I love you.

-Baby mo

Mahina siyang natawa nang mabasa ang baby mo sa dulo ng note,  umiiling na nilagay niya iyon sa bulsa at bumangon.

Naligo na siya sa bathroom ni Primo at nanghiram ng damit para magpapalit nalang siya ng office attire sa condo niya.

Hindi na siya nagalmusal sa condo nito at naglagay nalang ng pagkain para kay Rino bago lumabas ng condo.

Mabilis siyang nakarating sa condo niya dahil siguro hindi niya din namalayan.  Pagkabukas niya ng pinto ng condo kaagad siyang napangiti nang makita ang anak na nakaupo sa dining table at nakabusangot.

Aguy..  Mukhang bagong gising ang  bata at wala na naman sa mood.

" Aga aga nakabusangot ang baby na yan hmm? " Nakangiti niyang sabi. Kita niyang napatigil si Nixxon sa paglalaro ng kutsara at mabilis na nilingon ang pwesto niya.

" My!  My! " Sigaw nito at inangat ang kamay para magpabuhat.  Nilapag niya sa lamesa ang phone at wallet niya bago binuhat ang anak na madungis.

" Miss me?" Malambing niyang tanong at pinunasan ang dumi sa pisngi ni Nixxon.

" Opo! "

" I miss you too baby. " She giggle at tumingin sa maamong mata nito.

Parang kagabi lang ang maamong mata ni Primo at tinitingnan niya ngayon ay sa anak naman nila.

" Where is Dy? "Napangiwi siya sa tanong ng anak at napabuntuhinga.  Mukhang mali ata na sinabi niya kay Nixxon ang tungkol sa ama dahil palagi na ito naghahanap.

" Daddy is still busy baby." Parang pinilipit ang puso niya sa sakit nang makitang dumaan ang lungkot sa mata nito.

"Don't worry.. Pupunta naman dito si Daddy pag hindi na busy. " Marahang niyang sabi habang pinagmamasdan ang itsura ng anak.

Nakangusong tumango ito. She sighes at pinakain ang anak. Siya na din ang nagpaligo at nagayos bago siya tumulak sa shop ng makapagbihis siya.

"Good morning ma'am. " The guard greeted her.

" Good morning din kuya. "Bati niya pabalik at pumasok.  Panay din ang bati sa kanya ng mga staff hanang naglalakad siya patungo sa opisina ng shop niya.

"Ma'am  may nagpadeliver po uli sayo."

Nag angat siya ng tingin mula sa laptop at tumingin sa isang staff siya kay Bea na may hawak na bouquet at isang supot ng pagkain.

Napangisi siya dahil alam niyang galing iyon kay Primo.

" Pakilagay nalang." Aniya at tinuro ang lamesang walang laman. Inantay niya munang makalabas si Bea ng opisina bago siya nagkukumahog na hinablot ang mga iyon.

I hope this flower can fill  my presence  this day, i love you

Napangiti siya at nagmessage kay Primo para magpasalamat sa flowers at pagkain.  Katulad ng nakagawian,  in-arrange niya iyon sa vase at tinanggal ang mga dry flowers na nasa base niya sa ibang parte ng opisina bago tinanggal sa paperbag ang pagkain at pinatong lang sa desk niya.

His Fake Wife (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें