Kabanata 11

998 20 0
                                    

Dish

NOUSHEN becomes busy these past few days that made Primo irritated, kung bakit?  Hindi niya din alam.

Pinaghanda lang siya nito ng pagkain at inayos ang mga dadalhin niya  at humarap na naman  sa laptop nito.

Nakasimangot na nakatitig si Primo kay Noushen habang nagaagahan siya,  hindi man lang siya nito tinatapunan ng tingin.

Busy na busy ito kakatipa at kakatitig sa laptop nitong halos patayin niya ng tingin

Hindi naman siya ganito dati,  matutuwa pa nga siya kung wala ito sa harapan niya. 

Simula ng may nangyari sa kanila napapadalas na ang pag init ng ulo niya tuwing hindi siya binibigyan ng atensyon ni Noushen katulad nalang ngayon.

It's been a week since that memorable night, it's  one of the best thing happened in Primo's life.

Padabog na nilapag niya ang kubyertos habang minamata si Noushen na tila walang nadinig,  Tumiim ang bagang niya at tumalim ang mata sa inis.

Malakas siyang bumuntuhinga para ipadinig dito pero dinedma lang siya ng dalaga na mas lalong kinainit ng ulo niya.

Nakangusong sumandal siya sa upuan at pinagmasdan ang dalagang walang pakialam sa kanya.

Alas syete na ng umaga at malapit na siyang ma-late sa trabaho,  hindi pa siya nakakaligo at nakakapag ayos dahil sa dalaga.

Mahina niyang tinap ang daliri sa lamesa habang ang isipan ay naglalakbay kung anong gagawin niya para mawala ang tuon nito sa laptop.

Sa kalagitnaan ng pagiisip naramdamdan niyang nag vibrate ang phone niya sa bulsa,  inabot niya iyon habang hindi pa din inaalis ang tingin kay Noushen.

" Sino to? " Bored na sagot niya sa phone. Nalayo niya ang cellphone sa  tenga ng sumigaw ang nasa kabilang linya.

Nakangiwing tiningnan niya kung sino ang caller, " Why did you call?  Rigas. "  Nakamata pa din siya kay Noushen na umiinom ng coffee.

"Anong why did you call?  Gago!  Asan ka na kanina ka pa namin inaantay. "   absentmindedly,  he pointed his looks at the wall clock.

Umawang ang labi niya nang makitang alas otso na ng umaga,  mahigit isang oras na pala siyang nakabantay sa bawat galaw ni Noushen.

" Shit,  All right.. I'm  coming. " Nakangiwing binaba niya ang phone dahil  sabay sabay sumigaw ang band mates niya sa kabilang linya.

Nilipat niya ang tingin kay Noushen na hindi man lang siya nilingon kay may kausap siya sa phone,  nakasimangot niyang tinitigan ang laptop nito.

Ano bang meron sa laptop nito at mas importante pa sa kanya.  Padarag na tumayo siya sa upuan at malalaki ang hakbang na lumabas ng kusina.

Sinadya niyang mabibigat ang hakbang para malaman nitong galit siya.

KUMUNOT ang noo ni Noushen ng madinig ang mabigat na hakbang ni Primo,  nilingon niya ito at nakita niyang palabas ito ng kusina na nakasimangot.

Anong problema nun?

Binaling niya ang tingin sa hapag, umawang ang labi niya sa itsura ng mga pagkain.  Para nitong minurder ang mga pagkain.

Napailing nalang siya dahil inaatake na naman ng ka-weirduhan ang asawa niya.

Tumayo siya at nagunat bago isa isang nilinis ang mga pagkain sa lamesa, nag vacuum at naghugas muna siya ng plato bago bumalik sa harap ng laptop.

His Fake Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon