Ano nga ba ang kahulugan ng Pasko?

1 0 0
                                    

Apat na letra na hinihintay ng lahat

Paskong sasapit
Panahon na nagbibigayan at namamasko ka sa mga ninong at ninang mo.
O kayo ba yung nagtatago para walang mamasko sa inyo?
Eto nga lang ba ang kahulugan ng pasko?

Paskong sasapit
Panahon na umaasa kang mababati ka ng crush mo na, "Merry Christmas."
Panahong inaaya mo ang mga kaibigan mo na gumala.
Panahon na umaasa kang makakatanggap ka ng regalo galing sa mga mahal mo sa buhay dahil Christmas naman diba?
Panahon na umaasa kang makakatanggap ka ng "13th Month Pay" dahil Christmas nga naman.

Bigayan, batian, Christmas Bonus, gala doon gala dito.
Eto nga ba ang tunay na kahulugan ng pasko?

Paskong napupunta na saatin ang atensyon.
Paskong nalulungkot tayo kapag wala tayong natatanggap na regalo.
Paskong umaasa tayo na mapapansin tayo ng crush natin kaya puro "SANA-ALL" na lang tayo.
Eto lang ba ang tunay na kahulugan ng pasko?

Paskong nalilimutan natin ang TUNAY na dahilan kung bakit may PASKO.

Apat na letra, alam mo na ba ang tunay na kahulugan ng pasko?

Pasko, hindi mo pa din ba alam?

Paskong sasapit
Pasko, kapanganakan ng nag iisang anak ng diyos na nagligtas saating lahat.
"Jesus" John 3:16 "For god so loved the world that he gave his one and only son that whoever believes in him shall not perish but have eternal life."

Ngayon alam mo na?
Ang araw ng kanyang kapanganakan, yun pa lang alam na natin ang tunay na kahulugan ng pasko.
Ang araw na pinatunayan niya kung gaano niya tayo kamahal na kahit makasalanan tayo hindi niya hahayaan na hindi niya tayo makakasama sa langit.

Paskong hinihintay ka ng ating panginoon na tanggapin mo siya bilang iyong panginoon
Paskong kay ganda kapag alam mong inalay mo na ang buhay mo sakanya.
Paskong alam mong kahit anong problema, hindi kanya papabayaan.

Paskong sasapit
Imulat mo ang iyong mga mata upang makita mo na si Jesus ang dahilan kung bakit may pasko.
Yan ang tunay na kahulugan ng pasko.

JESUS

I am found by himWhere stories live. Discover now