Kabanata 25

Depuis le début
                                    

Ang maging malaya.

Bata pa lamang sila ay kadikit na ng pangalan ni Arcos ang pangalang Theodore. Sila lagi ang napagkukumpara kahit noong unang taon pa lamang nila sa Greywood. Bagamat malayo ang agwat ng talino at kapasidad sa pakikipaglaban at paggamit ng mahika si Arcos sa isa, palagi pa ring nadidikit ang pangalan niya rito at palagi siyang pumapangalawa. Bagay na paulit-ulit inihihingi ng paumanhin ni Theodore sa kaniya ngunit hindi pa rin talaga siya masanay. Kung kaya’t tuwing kaarawan niya, palagi niyang hinihiling na makilala bilang siya lamang sa larangan na hindi naiuugnay kay Theodore. Ngunit sadyang hindi siya pinapaboran ng tadhana at eto nga, kahit yukot na ang diploma, mababasa pa rin ang posisyong nakalagay sa ibaba ng kaniyang ngalan.

Arcos Soleman Ravladis Genova
Deputy of the Leader
The Descendant of Louna's Clan:
Theodore Gustamando

“Ignis, sabihin mo nga sa ‘kin, yung totoo hindi ba ako karapat-dapat sa posisyong walang kinalaman sa kaniya?” tanong nito habang lumalaklak ng pang-apat na bote ng alak. “Gusto ko lang makilala bilang ako— bilang ako lang. Kaya ko namang tumayo sa sarili kong mga paa, bakit kailangan pang laging kadikit niya?”

“Hanan! Tala! Mayari! Naging mabuting tao naman ako. Pinaghirapan ko naman lahat ng naabot ko! Hindi ba ako karapat-dapat sa mga bagay na walang kaugnayan sa pangalan ni Theodore Gustamando!? Bakit kailangan ko laging pumangalawa sa kaniya!?”

“Arcos tama na, lasing ka na,” awat ni Ignis habang dahan-dahang binabawi ang bote ng alak sa kamay ng kaibigan na kaagad din namang nakatulog dulot ng kalasingan.


LIMANG TAON din ang lumipas at sa loob ng mahabang panahon ay napakaraming nagbago. Naroong ikinasal si Arcos sa kaibigang si Ignis isang taon matapos ang pagtatapos sa pamatasan. Nabiyayaan sila ng dalawang anak na siyang nagbibigay ng kulay sa madilim niyang mundo. Gayunpaman, iisang bagay ang hindi nagbago. Hindi pa rin masaya si Arcos sa trabahong ginagalawan. Hindi pa rin niya matanggap na ang kapalit ng masikap na pag-aaral sa pamatasan ay habang-buhay na pagsisilbi kay Theodore. Habang buhay na pagsama sa bawat lakad nito at habang buhay na pagsunod at pagtayo sa likuran nito. Hindi niya matanggap na habang buhay siyang magiging anino ng isang tao.

Isang madilim na gabi sa loob ng magandang bahay na naipatayo nila ng asawa sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa Cosmos, mahimbing na natutulog ang asawa ni Arcos kasiping ang dalawang munting paslit. Nasa darungawan si Arcos habang sumisimsim ng kape nang halos mabitawan niya ang tasa dahil sa biglaang pagsulpot ng itim na imahen sa kaniyang tabi.

“Sino ka!? Anong ginagawa mo rito!?” pasigaw man ay pilit na hininaan ni Arcos ang boses upang hindi magising ang mag-iinang nasa loob ng kabahayan.

Bahagyang ngumiti ang imahen na nagbigay ng kilabot sa sistema ni Arcos. “Ako ang iyong lingkod na mag-aahon sa iyo mula sa pagkakalugmok,” usal nito sa malalim na tinig.

“Hindi ko kailangan ang iyong serbisyo! Hindi mo ako kailangang iahon mula sa pagkakalugmok sapagkat hindi naman ako naghihirap,” mariing pagkakasabi niya.

“Ikaw ba’y nakatitiyak? Matagal na kitang pinagmamasdan, Arcos. Sayang ang mga regalong nakuha mo mula kay Bathala kung hindi nagagamit. Hindi ba’t gusto mong magtrabaho sa weponaryo— sa laboratoryo? Hindi ba’t gusto mong gumawa ng pangalang sa ‘yo lang at wala ng iba? Kalayaan. Kaya kong ibigay sa ‘yo ang mga bagay na ninanais mo, Arcos Ravladis. Kaya ko.”

Napalunok ng laway ng ilang ulit ang kausap. Naglalaro sa isipan niya ang mga salitang binitiwan ng itim na imahen. Matagal na niyang inaasam ang bagay na iyon. Matagal na niyang ninanais ang kalayaan.

RESETOù les histoires vivent. Découvrez maintenant