☢️ CHAPTER 35☢️

8.8K 257 24
                                    

“I-uh.  .  . Krypton, I .  .  .” hindi ko maituloy ang anumang sasabihin ko dahil nakita kong naglalagablab na sa galit ang mga mata niya. I’ve never seen him this angry with me. His jaw is tightened and his face is stony as he glares at me.

“F*cking answer me, Twilight!” humakbang siya palapit sa akin at hindi ko napigilang mapahakbang paatras dahil sa takot. “Why is there a marriage certificate with your name in it together with that f*cking asshole?! F*ck it!”

Marahas niyang sinabunutan ang sariling buhok niya at saglit akong napapikit sa malutong na mura galing sa mismong bibig niya. Naiiyak na ako sa takot at mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

“K-Krypton, I.  .  . I’m sorry, hindi ko agad nasabi sa inyo da—”

“Were you even planning to tell me?” putol niya sa sasabihin ko. “O sadyang nahuli kita ngayon so you’re finding an excuse?! At magkatawag pa talaga kayo kanina!” Unbelief is evident in his face. “I can tell it was that asshole!”

Marahas niyang itinapon ang papel na hawak niya matapos itong lukutin. “F*ck it! I can’t believe this shit!”

Agad siyang tumalikod at bago pa ako magsalita, malakas niyang isinara ang pintuan at dinig ko ang paalis na yabag niya.

Napaupo ako sa sahig nang umalis siya at malayang umagos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi man lang niya ako hinayaang magpaliwanag. Hindi ko lang talaga kasi alam kung paano sasabihin sa kanya at sobra akong nagulat sa paraan ng pagkalaman niya. I wasn’t ready yet pero wala na akong magawa dahil nangyari na ang nangyari.

Nangyari na ang kinakatakutan ko. There was immense fury in his eyes a while back and I regret it so damn much for not telling him.

Ilang minuto akong umiyak bago napagpasyahang tumayo at ihanda ang sarili para hanapin siya at subukang magpaliwanag ulit.

I wiped my tears away and washed my face before going out of the room. Pagkababa ko, nakita ko agad si Manang Flor na hindi mapakaling nakatayo sa paanan ng hagdan.

“Twilight!” bulalas niya nang makita niya ako. “Okay ka lang ba, hija?”

Tahimik akong tumango kahit ang totoo, malayong-malayo ako sa pagiging okay.

“Nag-aalala ako kasi biglang umalis si Sir kanina at halatang galit na galit. May nangyari ba sa inyong dalawa?” tanong ni Manang Flor pero hindi ako makasagot.

“Saan daw po siya pupunta?” balik tanong ko sa kanya at hindi ko mapigilang makaranas ng pagkadismaya. I was hoping we could talk but it seems like he doesn’t want to.

“Wala siyang sinabi eh.” sagot ni Manang Flor. "Bigla na lang siyang umalis ng walang pasabi."

My heart sank lower and I began to feel uneasy.

Nang hindi ulit ako nagsalita, pinisil ni Manang Flor ang kamay ko. “Twilight, kumain ka muna. Huwag kang mag-alala, baka mamaya, babalik din siya agad.”

I hope she’s right so reluctantly, I followed her to the kitchen. Sinamahan niya akong kumain at hindi na siya nagtanong pa kung anong nangyari sa amin ni Krypton kahit na alam kong gustung-gusto niyang malaman.

Pinilit kong kumain kahit na tulala ako at kinakabahan. Nakailang subo lang ako at tinigil ko na dahil wala na talaga akong ganang kumain.

Panay ang tingin ko sa relong nasa pulsuhan ko at sa phone ko. Nagbabasakaling mag-text siya at ipaalam kung saan siya pumunta kahit na alam kong imposibleng mangyari yun. Nagsisimula na akong mag-alala dahil 9 PM na ng gabi pero hindi pa rin siya bumabalik.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now