☢️ CHAPTER 50☢️

10.2K 305 15
                                    

“Twilight, baby.” Agad niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit. I can’t believe he’s really here.

“Krypton.  .  . uhm,” hindi niya ako pinakawalan at mas hinigpitan pa ang pagkayakap sa akin. “Ba’t hindi mo sinabi na ngayon ka darating? Akala ko—”

Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

“Masakit pa ba ulo mo? Grabe pa ba ang sipon mo? Did you take your meds? Shall I take you to the hospital?” sunud-sunod niyang tanong imbes na sagutin ang tanong ko at nag-uumapaw sa pag-aalala ang mga mata niya.

“Okay lang ako, Krypton, hindi mo ako kailangang ipunta sa hospital. Sinisipon pa rin pero nawala na ang sakit ng ulo ko.”

Hinaplos niya ang buhok ko. “Are you sure? Or I can just call a doctor to come over and—”

Mahina akong napatawa. “Ang OA mo. Kaya ko naman na.”

“OA?” tumaas ang isang kilay  niya.

“Over Acting. Honestly, hindi naman na ganon kasama ng pakiramdam ko ngayon ‘di tulad nung kahapon.”

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. “I’m sorry wala ako dito kahapon.”

“Ano ka ba,” hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito. “Sinamahan naman ako ni Alee.”

Speaking of Alee, tumingin ako sa gawi niya pero wala na siya doon. Marahil bumalik na siya sa kusina.

Bumaling ako kay Krypton. “Kakarating mo lang ba?”

“Yeah, dumiretso ako dito at pinapasok ako ni Aleesha.”

May humaplos sa puso ko. He came here as soon as he landed. That's how he  cares so much for me.

Biglang sumulpot si Alee sa may pintuan ng kwarto. “Twilight, luto na ang lugaw kaya alis na ako.” Kinindatan niya ako at may ngiti sa labi niya. “’Di mo na ako kailangan dito.”

Bumaling siya kay Krypton at tinanguan ito. “Ikaw nang bahala sa kanya ah.”

Tumango si Krypton bilang tugon.

“Uh, thank you, Alee.” Buong-pusong pasasalamat ko sa kanya bago siya tumalikod at umalis.

“Are you hungry?” tanong ni Krypton.

Tumango ako at hinila niya ako papunta sa kusina. Pinaupo niya ako at inihanda ang lugaw na niluto ni Alee. Minsan lang magluto si Alee pero aminado akong masarap ang lugaw na luto niya.

“Hindi mo ba ako sasamahan?” tanong ko kay Krypton nang umupo lang siya at pinapanood akong kumain.

“No, thanks. I’ll eat later. Right now, I just want to watch you.”

Namula ako. Aissh. “Baka matunaw ako niyan, Krypton.”

Napangisi siya at nilagyang muli ng lugaw ang mangkok nang maubos ko ang laman nito.

May bigla akong naalala. “Paano pala ang Lolo mo, Krypton? Bakit—”

“Don’t worry, baby. He’s becoming better kaya uuwi sila dito sa Pinas ngayon. Nauna lang ako.”

Oh shems, napaaga ba ang uwi niya nang dahil sa akin?

“Oh, sinong kasama niya?” tanong ko na lang.

“My Dad.”

“Ah.”

“Speaking of Dad,” sinalubong ko ang tingin ni Krytpon. “He’s excited to meet you.”

Nasamid ako at agad na tumayo si Krypton para abutan ako ng isang baso ng tubig na agad kong tinanggap at tinungga ang laman nito.

Kinabahan ako sa sinabi niya. Meeting Krypton’s father? Already? Can I do it?

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now