☢️ CHAPTER 40☢️

10.4K 292 10
                                    


Tahimik akong nakamasid sa labas ng kotse at pinagtuunan ng pansin ang dinadaanan namin. Tahimik din na nakaupo si Krypton sa tabi ko habang nagmamaneho at tanging tugtog na galing sa radyo ang bumalot sa loob ng sasakyan.

Alas nuwebe na ng umaga kaya medyo traffic at mabagal ang usad ng mga sasakyan pero wala sa attensyon ko ito. Gulung-gulo ang isipan ko simula kahapon nang sabihin ni Krypton ang nalaman niyang koneksyon ni Kent sa marriage certificate.

Hindi ko lubos maisip kung bakit sa lahat ng mga solemnizing officer sa mundo, ang foster father pa talaga ni Kent ang nailagay sa pesteng marriage certificate na iyon.

Is this a mere coincidence or something fishy is going on?

Pero bakit? Akala ko out of the picture na si Kent simula noong huli ko siyang kinausap sa hospital habang nakahilata siya sa loob ng ICU at nagpapagaling.

Akala ko okay na ang lahat at wala na akong ikabahala pa sa kanya dahil naasikaso na lahat ng abogado namin at tinanggap lahat ni Kent ang mga parata sa kanya.

Isang buntong-hininga galing kay Krypton ang nagpatigil sa pagmumuni-muni ko kaya napatingin ako sa kanya.

Nakatingin na siya sa akin at nangungusap ang mga mata. “Do you really have to come with me to see that asshole?”

Nang sinabi niyang pupuntahan niya si Kent sa bilibid, napagdesisyunan kong sumama. Noong una, hindi siya pumayag. He firmly stated that I should never be in the same room with Kent.

Naiintindihan ko ang pag-aalala niya pero gusto kong andun ako mismo at marinig ang anumang sasabihin ni Kent ng harap-harapan dahil nakasalalay dito ang marriage certificate ko. Pinaintindi ko kay Krypton na wala siyang dapat ipag-alala. Ilang oras ko din siyang kinumbinsi bago siya pumayag pero ilang beses niyang tinanong kung sigurado ako sa desisyon ko.

“Krypton, napag-usapan na natin ito. I want to be there and ask him myself. Atsaka, hindi ako natatakot harapin siya dahil kasama kita.” Nginitian ko siya at hinawakan ang isang kamay niyang nasa manibela.

Pinagsiklop niya ang kamay namin at hinalikan ang likod ng kamay ko bago ibinalik ang attensyon sa harap niya. The warmth from his hand calmed me down as we get near the large building where Kent is being kept.

Ilang minuto pa ay inihinto ni Krypton ang sasakyan at bumaba na kami. We went through the protocols at the entrance and filled up the necessary forms before we got ushered to an enclosed room. May malaking salamin sa gitna para mahiwalay ang upuan namin sa uupuan ni Kent.

Umupo na kami ni Krypton at hinawakan niya ulit ang kamay ko. Ilang segundo pa ay bumukas ang pintuan sa kabila at pumasok si Kent na nakasuot ng uniporme ng isang preso.

Halatang pumayat siya at humaba na din ang buhok niya. His hospitalization has done much damage to his physique.

Kita rin ang iilang bakas ng naghilom na sugat sa mukha niya dulot ng bugbog na natanggap niya mula kay Krypton noon.

Ibang-iba na siya sa Kent na una kong nakilala. Akala ko noong una mabait siyang tao pero heto ngayon at nakakulong siya dahil sa mga nagawa niya. Who would have thought that he turned out like this?

Naalala ko pa rin ang galit at poot na pinakita niya ilang segundo bago kami naaksidente sa sinakyan namin noon.

I must have shivered a little at that thought that Krypton lightly squeezed my hand to assure me. Huminga ako ng malalim at kumalma.

Napatingin  ako sa mukha ni Kent na halatang nagulat sa hindi niya inasahang pagdalaw namin. Nag-aalinlangan siyang umupo sa harapan namin at hindi kami matignan ng diretso.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now