☢️ CHAPTER 48☢️

9K 288 22
                                    

Agad na bumuhos ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang sasakyan ni Krypton na paalis. Hindi siya sigurado kung kailan siya makakabalik kaya mas lumalim ang kalungkutan na nararamdaman ko.

Hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari sa araw na ito kaya wala ako sa mood na pumasok sa duty. Lumala ang pakiramdam ko dahil sa patuloy na chismis na naririnig ko sa hospital.

"Siya ba 'yun?"

"Ah, yung radtech na iyon?"

"Matagal na ba siyang nagtratrabaho dito?"

"Ay akala ko pa naman matiyaga siya sa trabaho at umaasa sa impluwensya ng boyfriend. . ."

Iilan ito sa mga naririnig ko na kumakalat na chismis. Nagtitimpi na lang ako at pinipigilan ang sarili. Kung ganito na kalala, paano pa kaya kung lumabas ang balita na in-offer ang Chief position sa akin?

Hanggang ngayon, pinag-iisipan ko pa rin ang offer at hindi ako makapagdesisyon ng maayos.

Napahinto ako sa paglalakad nang makalapit ako sa nurses' station. Nagwa-ward ako ng x-ray results ngayon pero mukhang abala ang mga nurses. Abala sa chikahan.

"Kilala mo ba 'yun? Yung matagal ng radtech dito?" dinig kong sabi ng isang babae.

"Yung isa sa mga paborito ni Doc Mark?" pabalik na tanong ng isang lalaki.

"Oo yun nga. Pero may boyfriend siyang napakayaman kaya napatumba nito si Doc Mark."

"Talaga?"

"Oo, totoo, kaya 'wag na tayong magtaka kung sa susunod ay baka siya na ang Chief." Isang halakhak ang pinakawalan nito at napakuyom ako ng kamao.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglakad hanggang sa makarating ako sa harapan nila. Isang pekeng ngiti ang nasa labi ko at kita ko kung paano lumaki sa gulat ang mga mata ng mga nurses na andoon.

Hindi sila makatingin sa akin ng diretso at kusang lumayo ang isa at nagbuklat ng chart ng pasyente.

Inilapag ko ang logbook sa mesa na kaharap nila pati ang mga results na hawak ko.

"Pa-receive po ng x-ray results." Hindi ko pa rin tinanggal ang ngiti sa labi ko at hinintay na lumapit ang isa para tanggapin ang mga results at mag-pirma sa logbook.

Ilang segundo pa ang lumipas bago nahihiyang lumapit ang babaeng nurse na nagpasimuno ng chismis at kinuha ang mga results bago pumirma. "Uh, thank you." Mahinang sabi niya at nginitian ko siya kahit na hindi niya ako matignan sa mukha.

Malakas kong isinara ang logbook nang matapos siyang magpirma kaya isang nakakagulat na ingay ang nilikha nito. Napaigtad silang lahat.

"Oops, sorry!"

Tumalikod na ako at akmang aalis na pero napahinto ako. "Ay, wait lang, may nakalimutan ako."

Humarap ako sa kanila at nagtataka silang tumingin sa akin.

"Kung magiging Chief man ako," panimula ko at matiim ko silang tinitigan. "sisiguraduhin kong iyon ay dahil sa sariling kakayahan ko. I'll only accept the position if I know I have the qualification to be one."

Napangisi ako nang tahimik silang yumuko at nahihiya silang mag-angat ng tingin. I think I've said enough.

Tumalikod na ulit ako at humakbang palayo pero may naalala ako. "Oh, and one more thing," humarap ulit ako sa kanila. "tama na po ang pagkalat ng chismis kung hindi naman natin alam ang totoong nangyari. Let's be matured enough."

Ngumiti ako. This time, a genuine one, hoping they'll get my point.

Ito ang unang hospital na tumanggap sa akin bilang isang radtech at dito ako unang sumabak sa totoong hamon ng buhay. This has been a part of my life where I dedicated myself to serve patients through the work that I do.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now