☢️ CHAPTER 27☢️

11K 293 19
                                    

Nagising ako sa naramdamang may nakapatong sa may tiyan ko.  Ilang sandali pa akong napatitig sa kisame at kumurap-kurap.

Nakapagpahinga naman ako ng maayos kahit na natulog akong mabilis ang pintig ng puso dahil sa huling mga salitang binitiwan ni Krypton kagabi.

I could still hear it clearly in my head. The way he said it so sincerely.

“I love you.”

Hindi ko mapigilan na mapangiti habang naalala ko ang katagang iyon.

Napatingin ako sa tabi ko at nagulat nang tumambad sa akin ang natutulog na mukha ni Krypton.

Paanong.  .  .  ?

Mahimbing siyang natutulog habang nakapulupot ang braso niya sa tiyan ko. He looks so peaceful while sleeping and I couldn’t help but smile as I stare at his handsome face.

Dark circles are evident around his eyes, proof that he's been working late these past days. Naawa tuloy ako sa kalagayan niya. Hands-on siya dapat sa trabaho ngayon lalo na at bago pa lang siya sa kumpanya nila dito pero eto, sinasamahan pa rin ako.

Nasabi niya minsan sa akin na nakakapanibago para sa kanya na magtrabaho dito sa branch nila sa Pinas. Nasa States ang kinalakihan niyang i-manage na kumpanya pero iniwan niya para lang makapunta dito at hanapin ako.

Dahan-dahan kong inalis ang pagkayakap niya sa akin at walang ingay na umalis sa kama. He should get some more rest.

Nagtungo na ako sa bathroom para maligo. We have a date today so I should prepare already.

Pagkaligo, nagbihis na ako at hinanap ang hair dryer. Nakita ko ito sa taas ng malaking cabinet.

Aissh. Bakit doon pa nilagay?

Sinubukan ko itong abutin pero masayadong mataas ang cabinet. Napatingin ako sa paligid pero wala akong makitang pwdeng tapakan. Napatiyad ako pero hindi ko pa rin abot hanggang sa isang kamay ang walang kahirap-hirap na inabot ito.

Pagtingin ko, si Krypton na gising na pala.

“Bakit hindi mo ako ginising?” tanong niya sa akin atsaka inayos ang hair dryer bago ito isinaksak sa outlet. “You could have strained your injury.”

Pinaharap niya ako sa malaking salamin at sinimulang i-dry ang basang buhok ko.

“Ayokong istorbohin ang tulog mo. Halatang pagod ka kakatrabaho kagabi kaya ayokong istorbohin ka.” paliwanag ko sa kanya habang pinagmamasdan ang mukha niya sa salamin.

He looks so serious while drying my hair. He stops drying my hair for a moment then he meets my gaze trough the mirror.

“Twilight, I told you, you are far more important to me. Huwag mong isipin na nakakaabala ka because I love doing things just for you. Kahit na mga ganitong maliliit na bagay, gusto kong gawin para sayo.”

Pagkasabi niya nun ay hinalikan niya ang buhok ko at pinagpatuloy nag pag-blower.

Natahimik na ako at sikretong napangiti. I never knew he’s got this soft side of him. Noong una kasing nakilala ko siya, he was so serious and tough with his words.

Nang matuyo na ang buhok ko, inayos niya ang hair blower at binalik ito sa taas ng cabinet.

“Bakit mo doon inilagay? Hindi ko nga abot eh.” Napanguso ako.

“So that you’ll be needing me everytime you have to dry your hair.” Nakangisi niyang saad. “From now on, I’ll be doing it for you.”

“How childish, Mr. Ferrante.” Hindi ko napigilang komento na nagpataas ng kilay niya. “Oh sige na, maligo ka na din. hihintayin na kita sa baba para mag-agahan na tayo.”

Passionate Obssession [R-18 SPG] Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt