"Natutuwa akong malaman na hindi ko na kailangang bumalik sa dati para tanggapin mo. At natutuwa akong malaman na hindi ka na nakakulong sa nakaraan ko. Ang katauhan ni Alexander Saldivar ay mananatili sa akin ngunit hayaan mong muli akong magpakilala," bulong niya. "Ako si Crox, ang tagapagpatupad ng mga kahilingan ng mga namayapa bilang kabayaran sa aking huling hiling. Mahal kita magmula pa sa La Vienna hanggang Himaraya at hanggang dito sa Estrella. Handa akong mamatay sa pangalawang pagkakataon para sa 'yo."


It was the happiest moment of my life. Ito ang unang pagkakataong nakaramdam ako ng saya sa loob ng ilang taong puno ng trabaho at lungkot. Hindi ko inakalang sa pinakamadilim na sandali ng buhay ko, doon ko makikita ang liwanag upang magpatuloy.


Marami pa kaming pinag-usapan ni Crox. Katulad ng trabaho niya ngayon at kung paano niya iyon nakuha. He said that the job is the payment for his last wish. Hindi ko na inungkat pa ang tungkol sa huling hiling na iyon dahil nahahalata kong hindi rin siya kumportableng sabihin. Naiintindihan ko siya at hindi lang din naman kasi siya ang may tinatagong lihim sa aming dalawa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihing nasa katawan ko ang pinaniniwalaan kong pumatay sa kaniya.



"NATULOG KA BA!?" pambungad na bulalas ni Sabrina. May tuwalya pa siya sa ulo nang pagbuksan niya ako ng pinto. Alas tres pa lang ng umaga at thirty minutes na lang ay magsisimula na ang Life Fest. 

"Pasok, bilis!" Kaagad niya akong hinila papasok at sinaraduhan kaagad ang pinto. Hindi ko mapigilang mamangha pagkapasok ko sa loob ng silid ni Sabrina. Ang elegante at halos lahat ng furnitures ay may touch of rose gold. 

"Ganito, dito ka na maligo tapos habang naliligo ka mag-aayos ako. Para pagtapos mo maligo, ikaw na lang ang aayusan ko," aniya at iginiya na ako sa banyo. Nasa limang minuto lang ang itinagal ko sa banyo at tapos na agad ako. Sinuot ko muna ang robe na nakita ko sapagkat hindi ko alam kung nasaan ang damit na susuotin ko. Nang makalabas ako ng banyo ay naghihintay na sa akin si Sabrina sa harap ng isang malaking salamin na may mga ilaw sa gilid. Nakasuot siya ng blue midi dress at ankle boots. Nakaayos na rin ang buhok niya na nakalugay at kapansin-pansin ang mga blue highlights.

"Your . . . hair, how did you dye it so fast?"

She chuckled. "It's magic Airen girl," aniya at dahan-dahang tumayo mula sa stool. May benda pa rin ang binti niya pero kumpara kahapon ay mas okay na siya dahil kaya na niyang tumayo mag-isa.

"Upo ka dali!"

Kaagad akong tumalima at umupo sa stool. Tinaas-taas niya ang ilang hibla na buhok ko na parang bang iniisip kung anong hairstyle ang babagay sa akin. Maya-maya pa ay kinuha niya ang blower at sinimulang tuyuin ang buhok ko.

"Sabrina, can I ask?"

"Go on."

"Do you all have same abilities? Producing that white smoke?"

Natawa siya nang bahagya. Lahat na lang nakakatawa sa kaniya ha, ewan ko ba kung mapipikon ako o ano.

"Okay, few things . . . that is not a smoke. It is light coming from the moon. Means meron lang kami no'n kapag may buwan. Second, it's not an ability. It's magic. But we do have abilities. Like mine, I can heal everyone, I'm a healer," pagpapaliwanag niya habang patuloy na bino-blower ang buhok ko.

"You're joking, right?"

"I am not," tugon niya. Wala akong nakikita na bahid ng pang-uuto sa mukha niya sa pamamagitan ng salamin but I am still confused.

"If you're a healer why don't you heal yourself?" Nakabenda pa rin kasi ang binti niya hanggang ngayon.

She remained silent for a couple of seconds until she finally spoke. "That's the price of being in Team Mayari."

RESETWhere stories live. Discover now