20. Laira's Birthday

128 7 1
                                    

"Lairus, bakit hindi ka lumalabas? Mukha kang may pinagtataguan," puna ni Iver nang makita ako. Tunog nawiwirduhan siya.

Kanina pa ako rito sa loob ng bahay. Nakadikit ang noo ko sa pader at nakahawak ang dalawang kamay sa pisngi. Tuwing naaalala ko 'yung pagtawa ni Miss Sequeña, mas lalong nag-iinit ang pisngi ko.

"Pumunta ka na ro'n. Susunod na akio!" pagtaboy ko kay Iver at sinenyasan siyang umalis.

"Anong sabi mo?" At talagang lumapit pa siya. "Hindi ko maintindihan," makulit niyang dagdag.

Nakasimangot akong humarap sa kanya at tinulak ang mukha niya. "Ang sabi ko, pumunta ka na ro'n. Susunod na ako," pag-uulit ko.

Kumunot ang noo niya at biglang humagalpak ng pagtawa. "May makeup ka ba sa pisngi, tol?" Tumatawa niyang itinuro ang pisngi ko. "Ano nga bang tawag diyan?" Napaisip siya saglit. "Blush... Blush on!"

Natauhan ako at ibinalik ulit ang mga kamay sa magkabilang pisngi. "Hindi, ah! Bakit ako magme-makeup?" Gano'n ba talaga ka-pula ang pisngi ko para mapagkamalan niyang blush on?

"Ano pala? Huwag mo sabihing kinikilig ka sa 'kin kaya namumula ang pisngi mo." Maloko siyang ngumiti.

"Ulol!" singhal ko at naunang lumabas ng bahay.

Naabutan kong nagpi-picture sina Aris, Asul, Nadi at Nica sa tabi ng tarpaulin. Si Bray at Miss Sequeña ay nanonood lang sa kanila.

"Bakit ang tagal mo sa loob, Lairus? Anong ginawa mo?" pag-usisa ni Jakey.

Sasagutin ko sana siya nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Sinenyasan ko siyang sasagutin ang tawag. Yumuko ako pagkadaan sa harapan nila Miss Sequeña at Bray. Sa tabi ng gate ako tumayo bago sagutin ang tawag ni Lairelle.

"Kuya, nakasakay na kami sa tricycle pauwi. Kumusta ang pag-aayos niyo? Tapos na ba?" bungad niya. Rinig ko ang ingay sa paligid nila. Ang tunog ng mga sasakyan ang nangingibabaw.

"Ayos na lahat. Nilagyan niyo na ba ng piring si Laira?" tanong ko at sinipa papunta sa tabi ang maliliit na bato.

"Oo, kanina bago kami sumakay. Bye na, kuya. Maghanda na kayo riyan. Malapit na kami." At pinatay na niya ang tawag.

Bumalik na ulit ako sa loob at tsinek ang lahat. Maayos na sa malaking lamesa ang mga pagkain. Sa kabila naman nakalagay ang dalawang buong lechon at sa isa pang lamesa ang mga styro na may lamang pagkain para sa mga bata. Gumagana na rin ang chocolate fountain na dinala ni Bray.

Ang mga paagaw at palayok ay nakasabit na. Nasa malaking kahon malapit sa unahan ang mga giveaway. May photobooth din na ginawa si Iver malapit do'n.

"Pabalik na raw sila," pag-anunsyo ko dahilan para makuha ang atensyon nilang lahat.

"Yes! Kakain na tayo!" Sumayaw sa tuwa si Iver.

Napailing na lang ako at umalis upang tawagin ang mga bata naming kapitbahay. Tinulungan ako nila Jhemuel. Pinaupo namin sila sa mga maliliit na upuan sa bandang unahan. Ang ibang matatanda ay sa may mga lamesa.

"Ganito ang sasabihin niyo, ha? Pagkatanggal ng piring ni Baby Laira, sabay-sabay tayong sisigaw ng 'HAPPY BIRTHDAY, LEIGHN JAIRA!'. Tapos kakanta tayo ng birthday song habang pumapalakpak. 'Wag niyo rin kakalimutang ngumiti," pagtuturo ni Jakey sa gagawin ng mga bata. "Maliwanag ba?"

Masunurin silang tumango. "Opo!" malakas na sagot nila.

Pumunta kami sa labas ng gate para abangan ang pagdating nila lola. Binasa ko ulit ang text ni Lairelle. Nakasakay na raw sila sa tricycle at malapit na.

She Who Must Not Be NamedWhere stories live. Discover now