03. Cartridge

293 14 0
                                    

[THIRD PERSON'S POINT OF VIEW]

"Good morning, Madame."

"Madame, good morning po."

"Bless morning, Miss Sequeña."

Sunod-sunod na bumati ang mga miyembro ng 'Sequeña Organization' nang makita ang kanilang leader. Tinignan lang sila nito at diretsong naglakad patungo sa elevator kasunod ang sekretarya.

Nasa building sila na kung tawagin ay 'Escondite o Escon'. Ito ay sampung palapag na gusali kung saan namamalagi ang mga miyembro ng Sequeña. Dito ginaganap ang pagpupulong tungkol sa mga bagong mission na kanilang gagawin.

"Today's schedule?" tanong ni Kia sa kanyang sekretarya na si Nica. Mas matanda ito ng dalawang taon sa kanya.

"May meeting po kayo mamayang 2 PM with Mr. Arcelo, the owner of MA Machines. 4 PM naman po with Mrs. Garcia of Garcia's Corporations. At last po ay dinner meeting with the new investors, 7 PM," pagbasa nito sa schedule na nakalagay sa hawak na iPad.

Tumunog ang elevator at naunang lumabas si Kia. Naglakad sila patungo sa silid ni Asul. Nang makapasok ang dalawa sa loob ay sabay-sabay na naglingunan ang tatlong lalaki. Kasama ni Asul ang dalawa pa na sina Bray at Aris.

"Good morning, Madame at Anica," magiliw na bati ni Aris.

"Morning," maiksing bati ni Bray.

"Good morning sa inyong dalawa," sabi ni Asul na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa.

"What happened?" pag-uusisa ni Kia, hindi na nag-abala pang bumati pabalik.

"Wala man lang good morning?" himutok ni Aris. Nilingon siya ni Kia at kaagad niyang pinakita ang dalawang daliri na naka-peace sign.

"May bagong kumakalaban sa 'tin," sagot ni Asul sa tanong ni Kia.

"Who?" Naging interesado kaagad si Kia nang marinig iyon.

"Cartridge," sagot naman ni Bray kaya nalipat ang tingin niya dito.

"I haven't heard anything about them," ani Kia at biglang napaisip. Walang nangangahas na lumaban sa kanila dahil sila ang pinakamakapangyarihang organisasyon.

"Bago ang org nila at balita ko, madumi kumilos ang mga 'yon," pagsali ni Aris sa usapan.

"Hindi sila mananalo sa 'tin kahit gaano pa sila kadumi maglaro," kumpiyansang wika ni Asul at nagkibit ng balikat.

"Do you already have the infos about them?" tanong ni Kia.

"Syempre naman." Kinuha ni Asul ang kulay pink na clearbook sa kanyang lamesa at iniabot iyon sa kanya.

Naupo si Kia sa katabi ni Aris at sinimulang basahin ang mga nilalaman na impormasyon. "Carlo Thomas Ridge," pagbanggit niya sa pangalan ng leader nito.

"Madame, isa siya sa makaka-meeting niyo mamaya!" Nakuha ni Nica atensyon nilang lahat dahil sa sinabi niya.

"Nagsisimula na pala sila." Sumipol si Asul.

"What's your plan?" kuryosong tanong ni Bray.

Nanatiling tahimik si Kia habang nakatingin sa litrato ng lalaki. Browm ang kulay ng buhok nito, maputi ang kutis, mapula ang labi at ang pares ng mga mata ay mala-pusa. Sa halos sampung litrato ay seryoso lang itong nakatingin sa camera.

"How's the La Carte mission?" tanong ni Kia pagkatapos basahin lahat ng impormasyon tungkol sa lalaki. Ipinatong niya ang clearbook sa katapat na lamesa.

"Success!" masayang balita ni Aris at pumalakpak.

"Good," tanging komento ni Kia.

"Nahuli na namin pero hindi pa rin umaamin." Naiiling na wika ni Asul.

She Who Must Not Be NamedWhere stories live. Discover now