17. Smile

182 11 1
                                    

"Nasaan na si Kia? Bakit kaya hindi siya naka-sunod sa 'tin?" tanong ni Aris kay Bray. Kakatapos lang ng misyon na kanilang ginawa. Hawak na ng iba pa nilang tauhan ang lider at mga miyembro ng sindikato.

Tinanggal muna ni Bray ang gloves na kulay itim sa kamay bago magsalita. "I think something happened along her way."

"Ano naman kaya 'yon?" kuryosong sabi ni Aris.

Nagkibit ng balikat na lamang si Bray dahil hindi niya rin alam kung bakit. Sumakay sila sa sasakyan ni Asul pabalik sa Escon. Dumiretso sila sa opisina ni Kia. Naabutan nila itong nakaupo sa sofa at nakataas ang magkakrus na paa sa coffee table.

"Kanina ka pa namin hinahanap, Madame. Nandito ka lang pala." Tumawa ng mahina si Aris at umupo sa katapat na upuan ni Kia.

Umupo rin si Asul at Bray sa magkabilang gilid ni Aris. Si Nadi naman ay tumabi kay Kia. Yumakap siya sa braso ni Kia at isinandal ang ulo sa balikat nito.

"What happened? Bakit hindi ka sumunod sa 'min?" inaantok na tanong ni Nadi. Tinakpan niya ang bibig nang humikab.

Bumuntong ng hininga si Kia bago magsalita. "We've encountered some assholes."

"Napasabak ka rin pala, Madame." Tumawa ulit si Aris.

"Alas dos na. Uwi na tayo kambal," pagyaya ni Asul sa kapatid kasabay nang pagtayo niya.

Umayos sa pag-upo si Nadi. "Good idea. Gosh, I feel so tired. Ang titigas ng mga mukha nila. My knuckles needs to get a treatment and massage." Nakanguso niyang minasahe ang kanyang kamao.

"First mission accomplished. Let's go home now." Tumayo na rin si Bray.

"Teka, gawin muna natin 'yung group hand ritual. Hindi natin nagawa kanina kasama si Madame," pagsingit ni Aris.

"Ang dami mong alam!" sabi ni Asul.

"Game na dali! Hindi tayo uuwi hangga't hindi natin 'yon nagagawa," pangungulit ni Aris.

Wala silang nagawa kundi sundin ang gusto ni Aris. Sabay na tumayo si Kia at Nadi mula sa pagkakaupo. Pabilog silang nakatayo at nasa gitna nila ang lamesa.

"Techy!" energetic na pangunguna ni Aris at inilagay ang hintuturong daliri sa gitna.

"Shooter," sambit ni Bray at idinikit ang hintuturong daliri sa tabi nung kay Aris. Gano'n din ang ginawa ni Nadi.

"Thew," sabi naman ni Asul.

"Steel..." matamang wika ni Kia. "Stalwarts," dagdag niya at nag-angat ng tingin sa kanyang mga kaibigan.

"Always!" sabay-sabay na sabi ng apat at ngumiti.

[LESTER'S POINT OF VIEW]

"Kung may sasabihin ka sa 'kin, kung may ipapasa o kung may ilalagay ka sa loob, pinindutin mo muna 'to. Tapos kapag nag-blue 'yung ilaw, sabihin mo kung anong pangalan mo. Kapag nagkulay green, pwede mo nang itulak ang handle." Ginawa ni Nica ang sinabi niya. Tinuturuan niya ako kung paano buksan ang pinto sa office ni Miss Sequeña.

"Puro pala high tech dito," komento ko.

"Oo. Kasi kung kakatok ka, baka duguan na 'yang kamay mo, hindi pa nabubuksan ang pinto." Natigil sa pagsasalita si Nica at bahagyang tumawa. "At saka, 'yung nasa loob ang magde-decide kung papapasukin ka niya o hindi. Kapag hindi niya pinindot 'yung open button, hindi ka makakapasok," pagpapatuloy niya na tinanguan ko.

Naging kulay green ang ilaw at tinulak niya ang handle. Pumasok kami sa loob at naabutan si Miss Sequeña na nakasubsob sa lamesa niya. Umayos siya ng upo nang makita kaming pumasok.

She Who Must Not Be NamedWhere stories live. Discover now