07. Okay

176 11 0
                                    

[THIRD PERSON'S POINT OF VIEW]

"Good morning, hija. How's your lovelife?" Inaantok na nilingon ni Kia ang kanyang lola.

Kakagising pa lang niya at ito kaagad ang bumungad sa kanya. Kahit galing sa pagtulog, maganda pa rin ang ayos niya. Walang muta sa mata at hindi magulo ang buhok. Umupo siya at tinakpan ang bibig nang humikab.

"Mamita, I don't have that thing," tamad na sagot ni Kia habang kinusot ang mga mata. Wala paalam siyang dumiretso sa banyo at iniwan ang kanyang Mamita.

Halos dalawampung minuto ang ginugol niya sa paliligo at iba pang pag-aayos sa sarili. Pagkalabas niya, nakaupo pa rin si Mamita sa kanyang kama at nagsimulang magpaliwanag kung ano ang mangyayari kapag nagkaroon siya ng boyfriend.

Memorya na niya lahat ng salita nito dahil ilang ulit na itong nasabi sa kanya. Gusto niya patigilin ang matanda pero hindi niya magawa. Mabilis itong magsalita kaya hindi siya makasingit.

"Apo, pagbigyan mo na ako. Gusto ko na magkaroon ng apo sa tuhod. Hindi na ako bumabata," pakiusap pa ni Mamita at pinagdikit ang dalawang kamay sa harapan.

Nanlaki ang mga mata ni Kia at napaawang ang labi. Kung may iniinom o kinakain siya ngayon ay siguradong nabulunan siya. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"Mamita! I'm just turning 20!" hiyaw niya at halos pumadyak.

"Pinagbubuntis ko na ang tatay mo noon sa edad mong 'yan." Nagmamalaki ang tono ni Mamita. Ipinagkrus niya ang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib.

"I don't need to be pregnant at this age just because you did," wika ni Kia at napamasahe sa sentido. Umagang-umaga pa lang sumasakit na ang ulo niya dahil sa kanyang makulit na lola.

"Hindi ko naman sinasabi na magbuntis ka. Ang gusto ko lang, magkaroon ka ng nobyo. Huwag mo sabihing gusto mong tumandang dalaga. Mahirap 'yon," pagbawi ni Mamita sa sinabi kanina.

"You said it earlier, Mamita." Ibinalik ni Kia ang atensyon sa paghahanap ng susuotin na damit. Kinuha niya ang napiling damit at walang salitang bumalik sa banyo upang magbihis. Dinig niya pa rin ang mga sinasabi ng lola mula sa labas.

"Mabait, maalaga, masipag, magalang, mapagmahal at magaling rin makisama si Lairus," pagpapatuloy ni Mamita. "Sa tingin ko ay bagay kayo." Tunog nang-aasar na dagdag niya.

"No way!" pagprotesta ni Kia at napasimangot. Tumawa naman ng malakas si Mamita na parang nagtagumpay sa gustong mangyari.

"Bilisan mo riyan. Sabay tayong kakain ng breakfast," huling sabi ni Mamita bago lumabas ng silid.

***

"Good morning, Miss Sequeña. Nag-breakfast ka na po ba?" maligayang bungad ni Nica kay Kia na kabababa pa lang ng sasakyan.

Suot nito ng kulay itim na office skirt at coat. Ang panloob ay puti na longsleeves. Mas tumangkad siya dahil sa suot na heels na kulay itim rin. May pares din na hikaw sa magkabila nitong tainga. Nakaladlad naman ang mahaba niyang buhok at simple ang makeup sa mukha.

"Yes." Inayos ni Kia ang kanyang buhok at naglakad papasok sa building na may tatlumpong palapag. Nakasunod sa kanya ang sekretarya.

Nang makita siya ng mga tauhan ay kaagad tumabi ang mga ito para bigyan siya nang daan. Nagyuko rin sila ng ulo bilang pagrespeto at bumati.

"Good morning, Miss Sequeña."

"Wonderful morning, Miss!"

"Miss, good morning po. Sa 'yo rin Nica."

She Who Must Not Be NamedWhere stories live. Discover now