01. Party

1.1K 31 4
                                    

She Who Must Not Be Named
by gexoia

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, businesses, events, and incidents are either the products of the authors imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, and actual events is purely coincidental.

Happy reading, mwah!

Ps. This story is rom-com with a little bit of action. Don't expect for something heavy.

***

Mangha kong pinagmasdan ang malawak at magandang venue nitong lugar na pinuntahan namin. Hindi nalalayo ang reaksyon ng dalawa kong kaibigan na sina Iver at Jakey. First time namin makapunta sa ganitong lugar. Sinama kasi kami ni Bray sa party ng organization na kinabibilangan niya. Anniversary daw. Base na rin sa nakalagay sa labas kanina at sa unahan.

May mga chandelier sa itaas, mini stage sa bandang gitna, buffet table sa kanan, mini bar sa kaliwa, at mga lamesa na nakakalat na may nakapatong na mga bulaklak at kandila. Sa sobrang linis ng sahig, pwede kang manalamin. Black and white ang theme kaya lahat ay gano'n ang kulay ng suot.

"Ang daming chicks!" Nginuso ni Bray ang halos pito ata na mga babaeng nagtatawanan. Puro kita ang likod at binti dahil sa style ng suot nilang gown.

"Manok na ang mga 'yan. Malalaki na, eh," natatawang sabi ni Jakey, mukhang may ibang pinaparating. Binatukan pa niya si Iver pagkatapos 'yon sabihin.

"Tumigil nga kayo!" mariing bulong ko sa dalawa. Kapag kasi narinig sila ni Bray, tiyak na matatamaan sila. Ayaw pa naman din niyang tinatawag na gano'n ang mga babae.

"Kj mo, tol." Dismayadong umiling si Iver.

Muli kong inilibot ang tingin. Halos lahat ata ng dumalo ay mayayaman. Mga nakasuot ng mamahaling relo at mga alahas. Malalaman mo rin dahil elegante silang kumilos at makipag-usap.

Napansin ko rin na lahat sila may suot na gintong kwintas na iba't iba ang pendant. May bullet, kutsilyo, kamao at pabilog na may letter 'T' sa gitna. By group ata kasi magkakasama ang mga magkakatulad na pendant. May suot rin si Bray—bullet ang pendant.

"We're late." Napakamot sa ulo si Bray nang harapin kaming tatlo. Mukha nga dahil nag-iinuman na ang karamihan.

"Ang tagal kasi sa banyo ni Lairus," pagsisi sa 'kin ni Iver.

"Ang hina kasi ng tulo. Hinintay ko pa mapuno 'yung timba," pagdepensa ko sa sarili. Totoo naman 'yon. Mas malakas pa 'yung ihi ko kesa sa tulo nung gripo kanina.

"Ang sabihin mo-" Sinamaan ko ng tingin si Jakey kaya natigil siya sa pagsasalita. Kung ano-ano na naman ang sasabihin ng isang 'to. Sigurado ako.

"That's okay. Iwan ko muna kayo dito," paalam sa 'min ni Bray bago kami talikuran. Hindi pa siya nakakalayo, bumalik ulit siya. "Huwag kayong gagawa ng kalokohan," paalala niya at tuluyan nang umalis.

Natawa na lang ako. Alam niya kasi ang takbo ng utak nitong dalawa naming kaibigan. Mga kinulang sa buwan at napainom ata ng panis na gatas nung mga baby pa kaya iba mag-isip.

"Ganda nung relo," sambit ni Iver, ang tingin ay nasa lalaking may mamahaling relo sa palapulsuhan.

Napatingin ako sa sariling relo. Maganda naman kaso mumurahin lang kumpara sa relo nung lalaki na mas mahal pa ata sa pagkatao ko. Pati 'yung suot niyang sapatos, belt at coat mukhang mamahalin din. Iba talaga kapag mayaman.

She Who Must Not Be NamedWhere stories live. Discover now