05. Shot

249 14 1
                                    

"Thank you very much for coming, kids. I hope you all enjoyed. See you next time!" Nagpalakpakan kaming lahat pagkatapos magsalita ni Miss Sequeña sa unahan. Ngumiti siya ng tipid bago bumaba sa mini stage. Lumapit siya ro'n sa nagma-manage ng bahay ampunan at nakipag-usap.

"Lester, tulong tayo sa pamimigay." Itinuro ni Lina ang table kung saan nakalagay ang mga pang giveaway.

"Sige." Tumayo kami at pumunta roon upang kumuha ng ipapamigay.

Nakatutuwang panoorin 'yung mga bata na may ngiti sa labi. Kitang-kita talaga sa mga mata nila ang saya. Hanga rin ako kay Miss Sequeña dahil ibinabahagi niya ang mga blessings na natatanggap niya.

Kapag yumaman ako, gusto ko rin makatulong.

"Salamat po, kuya pogi!" masayang pasasalamat ng isang batang lalaki nang abutan ko siya ng giveaway.

"Welcome." Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.

Bumalik ako ro'n sa lamesa upang kumuha ulit ng ipamimigay. Tumulong na rin sila Bray kahit marami na ang namimigay. Isa pa ang mga 'to, kahit mayayaman walang kaarte-arte. Nakikita kong hinahalikan nila Nadi at Aris 'yung mga bata kapag binibigyan nila, tapos si Asul naman nagpapahalik sa pisngi niya.

Pagkatapos mabigyan lahat ng bata, nagkaroon ng picture taking. Nasa gitna ang magkakaibigan at nasa tabi lang kami. Pagkaalis ng mga bata, nagsimula na kaming maglinis.

"Kunin niyo na 'yung mga sobrang cupcakes. Ipasalubong niyo sa mga kapatid niyo," bilin sa 'min ni Mrs. Rosales.

"Sige po, Ma'am. Salamat po!" masayang sambit ni Jhemuel.

Kinuha namin ang mga natirang matatamis. Binigyan din kami nung mga natirang ulam at pagkain. Ang dami naming nai-sharon at nakalagay pa sa mga tupperware.

"Lairus, sabay ka sa 'kin. Ihahatid kita sa inyo," anyaya ni Bray nang lapitan ako. Nilalaro niya sa kaliwang kamay ang susi ng sasakyan.

"Sige ba," sambit ko at inayos ang paper bag na may lamang mga pagkain. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Bray kaya umangat ang tingin ko sa kanya.

"May dala ka ulit," tumatawang puna niya.

"Siyempre!" proud kong sabi. Wala namang nakakahiya sa ginawa ko dahil ibinigay naman ang mga 'to.

Ngayon ko lang napagtanto na nakakahiya 'yung ginawa namin sa anniversary ng organization nila. Nauna pa kaming magbalot kaysa kumain doon.

Nagpatuloy kami sa pag-aayos. Hindi pa rin umaalis sia Miss Sequeña. Tumutulong din sila sa pag-aayos kahit pinipigilan sila nung mga taga-ayos.

Nang maayos ang lahat, nag-alisan na. Umalis na rin sina Mrs. Rosales at mga kasamahan ko sa coffee shop. Naiwan ako dahil sa kaibigan ako sasabay pauwi.

"Lairus, let's go!" tawag sa 'kin ni Bray. Sabay kaming naglakad papunta sa parking area.

Nagmistulang tindahan ng sasakyan sa labas ng clubhouse dahil sobrang daming nakaparada. Puro mamahalin lahat. May isang limousine at nasa sampung sports car.

Nagpaalam muna kami sa kambal at kay Aris. Hindi na kami nakapagpaalam kay Miss Sequeña dahil nakaalis na siya. Mukhang wala lang 'yon kila Bray. Sanay na ata sila. Wala talaga sa itsura niya ang pagiging approachable kaya hindi na ako nagtataka.

She Who Must Not Be NamedWhere stories live. Discover now