Chapter 9

415 110 30
                                    

"That's what I want!" Sigaw ni Karen agad akong napaatras palayo sa katabi ko nagpalakpakan ang lahat ng naandun na animo'y nanonood sila ng isang palabas sa isang theatre.

"Good Job!" Nakangiting aniya sa amin ni Jols ngumiti lang ako pabalik itong katabi ko naman ay tumango lang. Gusto ko mang makita ang mga pictures pero pinigilan ko ang aking sarili.

"Let's take a rest first." sabi sa amin ni Karen. Hindi na ako nag-abalang magpaalam sa kanila kaagad akong umalis doon.

"Raine, We have an hour to rest." Dinig ko pang sabi sa akin ni Karen tumango lang ako dumiretso na ako sa paglalakad.

Umakyat na ako sa hotel pagdating ko sa room namin ay kaagad akong nagshower hindi ako sanay na hindi nagsho-shower lalo na kapag pawisan.

Pagkatapos kong magshower ay tumawag ako sa baba para umorder ng pagkain sandwich at juice lang ang inorder ko, inorderan ko na rin si Veronica ng special kare kare nila. Maya-maya pa ay dumating na ang pagkain linagay nila ito sa lamesa.

Pagalis nila ay kaagad akong pumunta sa lamesa para kumain narinig kong bumukas ang pinto kaya napalingon ako nakita ko doon ang pinsan ko.

"Kain ka na I ordered food." alok ko sa kaniya ngumiti siya sa akin at lumapit.

"Ang sarap nito ah!" Masayang usal nito umupo siya sa upuan at linantakan ang pagkain natatawang kinunan ko siya ng litrato.

"Ba't mo ko pinicturan? I-delete mo yan!" Sabi nito habang puno ang bibig kaagad kong itinago ang phone ko at pinagpatuloy ang pagkain ng sandwich.

"Ops sorry!" Pang-aasar ko sa kanya sinamaan niya ako ng tingin.

"Whatever," ismid pa nito.

"Ito nga pala yung airpods pro mo." inabot niya sa akin ang aipords ibabalik ko nga pala ito sa lalaking yun.

"A-aah Raine sayo ba yan?" May pag-aalinlangan sa boses niya kung itatanong niya ba iyon o hindi.

"Nope, Why?" Takhang tanong ko.

"Kaya pala." kumunot ang noo ko.

"Kaya pala?" Nagtatakang tanong ko.

"No'ng ginamit ko kasi yan tinanong ako ni Arthur kung sa akin ba daw ito sinabi kong hindi, kanino mo ba yan hiniram?" sunod-sunod na ani nito.

"Doon yan sa lalaking masungit na yun" may bahid ng inis sa boses ko nang maalala yung araw na iyon.

"Talaga? Close na kayo?" Pang-aasar nito. I clear my throat.

"Of course not."  Walang emosyon na angal ko.

"Eh, Paano napunta sayo yan?"
Curious na tanong nito.

"It's a long story let's not talk about it." Ayaw ko nang maalala pa yung araw na yun. Nagiinit ang ulo ko pag naalala ko ang nangyari sa araw na yun.

"Okay," Nagpatuloy siya sa pagkain napangisi ako nang may maalala.

"How about you? Who is that Arthur huh?" Nakangising saad ko sa kanya tumigil siya sa pagkain at tumingin sa akin. Binigyan niya ako ng tingin na nagtatanong.

"Seryoso? Di mo namukhaan?" Nagtaka naman ako sigurado akong ito ang unang beses na nakita ko ang Arthur na iyon, pero parang familiar siya o baka may kamukha lang, umiling na lang ako.

Chasing A Masungit ManWhere stories live. Discover now