Chapter 39

144 2 0
                                    

"You're always missing." Sambit niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. Nakita niya naman ng harap-harapan na kasama ko si Lee. Bat ba siya nang-gugulo? Miss niya na ba ako agad? Grabe ha? Wait, enough for being delusional.

Masamang tingin ang iginawad ko kay sungit na hindi niya naman pinapansin, bagkus ay pinapantayan pa niya ito.

"You saw me with, Lee! And what the heck is your problem?" Nagpupuyos na singhal ko sa kanya.

"It is about my job? It's lunch time. What is wrong with that?"

"Is that so. Have you had your lunch?" Natigilan naman ako sa tanong niya. Ang tingin niya ay sinusuri ako. Wala akong makitang emosyon sa kanyang mukha. Mariin niya akong tiningnan tila nanghahamon sa sasabihin ko.

Ok fine, you won. Irap lang ang sinagot ko sa tanong niya. Ibinaling ko ang tingin ko kay Lee at nakitang nakakunot at masama ang tingin kay Sungit. Nasa likod kasi siya, nauuna kasi kaming maglakad ni Sungit. Dahil naging mabagal ang paglalakad niya nang dumating si Sungit. Sinenyasan ko siyang lumapit na agad niya namang ginawa.

"You should go, Caleb. Lee and I will still talk." Nagsalubong na naman ang dalawang kilay niya.

"What. Aren't you done talking?" Kailangan ko ba siyang sagutin?

"We haven't talked," Sinuri niya ang mga mata ko. Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya at palagi siyang ganitong umasta. Kung ano man yun ay ayaw kong isipan pa.

Nang makalapit si Lee sa amin ay walang nagtangka na magsalita. Tiningnan ko silang dalawa si Sungit na nakapoker face habang si Lee naman ay hindi alam ano ang gagawin.

Pinapanood ni Sungit ang bawat galaw ko. Halata na may gusto pa siyang sabihin ngunit nanatiling tikom ang kanyang bibig.

"Go now, Caleb. Mabilis lang kami ni Lee." Mariin niya pa akong tiningnan bago tumango, kaagad naman siyang naglakad hindi nakalampas sa akin ang pagbuntong hininga niya.

Tahimik lang naming tinanaw ang pag-alis ni Sungit. Nang nawala siya ay tumingin ako kay Lee.

Bumalik namang muli ang kabang naramramdaman ko. Hindi ko alam kung kailan ako magsisimula, kung paano ko sa kanya ipapaliwanag sa kanya ang mga narinig niya. Ngunit ngayon ay hindi ko mahanap ang mga linyang iyon. Nagkanda-buhol na ang mga na sa isip ko.

"Uhhm..." Pagtawag ko sa atensyon niya. Kaagad ko namang nakuha ang atensyon niya. Iminuwestra niya sa akin ang daan papunta sa bundok. Nakuha ko ang gusto niyang mangyari. Gusto niya kaming mag-usap sa taas ng bundok. Nauna siyang naglakad papunta sa bundok.

Kahit na nagdadalawang isip ay sumunod ako sa kanya. Mas maigi na rin siguro doon dahil mahangin, maganda ang tanawin at walang masiyadong tao.

Habang naglalakad ako ay nagmamasid ako sa paligid. Maraming tao ang napapalingon sa banda ko ganun rin kay Lee. May mga naririnig akong parang mga langaw na maingay sa tainga.

"Sino yang mga yan?"

"Pamelyar sha nakita ko na siya!"

"Saan?"

Binagalan ko ang paglalakad ko para marinig ko ang pinagu-usapan nila.

"Ewan ko basta nakita ko na yan HA HA HA." Napailing naman ako sa paraan ng pagtawa ng lalaki.

"Wala ka pala eh. Mahina sa chismis!" Naiiling na sambit ng babae. Natawa naman ako.

"Hoy, hindi ano! TAMO. Mamaya alam ko na yan HAHA HAHA." Mayabang na singhal nito sa babaeng kausap. Lalo akong natawa sa paraan ng pagtawa niya. Putol-putol iyon.

Chasing A Masungit ManKde žijí příběhy. Začni objevovat