Chapter 27

226 13 6
                                    

Nagpagulong-gulong ako sa higaan ko tumigil ako tapos nagtakip ako ng unan tapos gumulong ulit.Ilang salita lang ang sinabi niya pero di na ako pinatulog. Inumaga ako sa kakaisip sa nangyari kahapon.

Dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin na nakayakap ako sa abs niya. Napailing naman ako sa pinagi-isip ko.

Umalis na ako sa higaan ko at nagbihis na pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako saktong paglabas ko ay nakita ko si Ven na papalabas ng kwarto niya.

"Uy Ven ngayon lang kita nakita" Pero para siyang walang naririnig dahil di niya ako pinansin. Lumapit ako sa kanya tapos kinaway ko ang kamay ko. Napatangin naman siya saakin tapos napa-buntong hininga.

"Andyan ka pala" Napailing naman ako parang wala sa sarili ang isang ito ah.

"Are you okay?"

"Ha? Ah Oo naman!" Hindi ako naniwala sa sinabi niya halata sa mga mata niya na namumugto. Hinila ko siya palabas ng kanyang kwarto.

"Uy yung kwarto ko di ko nalock." Napatigil naman kami sa paglalakad binitawan ko ang kamay niya.

"Wala naman siguro kukuha ng gamit mo. We will just eat." Pumasok kami sa isang restaurant Umupo kami doon sa pinakadulo na table para wala masiyadong makakita. May waiter na lumapit saamin tinuro ko lang yung mga pagkain na sa tingin ko ay masarap.

"What's your order Ven?" Umiling naman siya.

"Share na lang tayo ang dami mo na kayang inorder." Inulit ng waiter ang mga order ko ang dami ko na ngang order.

"That's all Ma'am?" I nodded.

"Ok ma'am I'll be right back." Pag-alis ng waiter ay agad kong binalingan ng tingin si Ven.

"So what happen?" Tiningnan niya lang ako sa mga mata natitigan kami kaagad din niyang iniwas ang mata nito.

"Raine, O-okay lang talaga ako." Ngumiti siya ng malaki pero hindi niya ako maloloko siguro kung ibang tao maniniwala sa kanya pero ako hindi kilala ko na siya at wala siyang maitatago saakin.

"I know you're not please tell me." Nag-aalalang saad ko sa kanya. Hindi siya nagsalita nakatingin lang siya sa malayo at malalim ang iniisip.

Napabuntong hininga naman ako wala akong magagawa kung ayaw niyang sabihin privacy niya yun.

"Fine tell me when you're ready." Tumayo siya tapos lumapit saakin yinakap niya ako ng mahigpit kaya yinakap ko rin siya ng mahigpit.

"It's okay." Hinagod hagod ko ang likod niya. Napaka-sensitive na tao ni Ven kaunting bagay na nagawa mo sa kanya at nakakasakit sa damdamin niya ay damdamin niya ito.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at bumalik sa upuan niya. natahimik kami parehas walang nagsasalita.
saamin.  Sa kalagitnaan ng katahimikan ay may naririnig kaming nagsasalita sa likod namin.

“I love you.” Narinig kong saad nang kausap nang nasa likod namin.

“I love you too eheheheSaad noong babae na hindi mo maintindihan kung kinikilig ba o naiihi.

“Ano nga ulit tayo?” Tanong noong kausap niya sa phone.

“Ah ano ah ano nga ba? Ewan? Ano ba tayo?” Natawa naman ako sa sinabi ng babae nagpapalitan sila ng I Love you pero wala silang label seryoso ba yun?

“Label muna, bago I love you too.” Biglang naiusal ko.

“Ay paepal si ate gurl chismosa.” Reklamo noong babae hindi ako sadyang nakaloud speaker lang phone niya at malakas pa usapan nila kaya naririnig ko.

Chasing A Masungit ManOnde as histórias ganham vida. Descobre agora