Chapter 33

148 5 0
                                    

Saktong nakasabay ko sa pagbaba yung babaeng mataba na nakaaway ko kanina. Malaki kasi ang katawan niya kaya nahihirapan siyang bumaba eh maliit lang yung hagdanan. Nabored naman ako. Kaya nagsalita ako ulit.

"Ang Bagal!" Saad ko pa dito pero di niya ako pinansin. Kanina pa kami pero di pa rin kami nakakababa. Napaismid na lang ako. Kanina pa ako init na init dito.

"Diet, diet din kasi ang taba taba mo! Kaya ang bagal mong kumilos dahil sa bigat ng katawan mo." Napalingon naman siya sa akin kaya napangisi ako.

"Maganda nga bagsak naman sa ugali wala rin. Anong silbi ng ganda mo? Di ka marunong rumespeto sa mga tao, napakajudgemental mo pa perfect ka ba? Ay sabagay tingin mo sa sarili mo perfect." Matalim ko siyang tiningnan. At may gana pa siyang sumagot napangisi naman ako sa pinagsasabi niya.

"Tsaka alam mo para kang bata na nakikipagaway daig mo pa nga batang na sa lansangan na nagaaway, tss immature." Lalong kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. At sino siya para pagsalitaan ako nang ganyan?

"THE LION, THE WITCH, AND THE AUDACITY OF THIS BITC*!" Malakas na sigaw ko na lang dito.

Nang akmang susugurin ko siya ay bigla siyang natisod sa may hagdanan nataranta siguro siya, ngunit may lumapit naman na lalaki at kaagad siyang inalalayan. Kaya napatigil naman ako sa akmang pagsugod sa kanya. Napataas naman ang isang kilay ko sa nakita kong yun. Tindig pa lang ng katawan kilala ko na kung sino lalo namang kumulo ang dugo ko. Mistula akong may kalaban dahil sa inaasta kong kilos.

"Gurl, Chill ka lang huh? Nakakuyom na yang kamao mo oh!" Natatawang saad naman ni Penille at tama nga siya pagtingin ko sa mga kamao ko ay nakakuyom nga ito. Dahan dahan ko namang inalis sa pagkakayukom ito.

"Oh, Tubig para kumalma ka." Abot sa akin ni Penile. Kinuha ko naman ang tubig na binigay niya sa akin. Napawi naman ang uhaw ko dahil kanina pa nanunuyo lalamunan ko.

"Tama po yan, Ma'am! Para iwas uhaw atensyon." Napabaling naman ulit ang tingin ko sa babaeng mataba tumalas ang paningin ko sa kanya. Nakita kong napalunok siya.

"You PIG!" Akmang susugorin ko siya nang may narinig akong Ma-awtoridad na nagsalita.

"Stop it. You are no longer a kid, so stop acting like one. be mature enough." Kaagad akong napatigil sa akmang pagsugod dahil sa sinabi niya.

"Drop criticism, but be aware of your limits and boundaries, as well as the words you use, because we sometimes pretend to be flawless when we aren't." Dagdag pa nito, naikuyom ko naman ang aking mga kamay. Ako pa yung lumabas na mali gusto ko lang naman tulungan si Penille may hinala na ako kay Ejay. Iaamin ko sa sarili ko na nasaktan ako sa mga sinabi niya. Pero hindi ko yun aaminin lalo na sa harap ng maraming tao.

'I shouldn't be hurt by what he said.' 'Get yourself a grip, Lorraine.' 'I should not be affected' I said in my mind. I put my chin up and pretended that it didn't bother me at all.

"I'm just stating the fact." Akala niya magpapatalo ako sa kanya? Not in my vocabulary. Pero hindi pa man ako nagsasalita ay nagsalita na siya ulit.

"Not every criticism thrown at you is a hate comment towards you. I hope you know the difference between a constructive criticism and the so called 'hate'. You're no longer a little kid, so you MUST learn how to truly open yourself to becoming better by accepting comments that aims to help you grow." He told me like he was my father who was preaching to me what to do. I gave him a bored look and then just ignored what he said. I walked past them and didn't let my gaze go over them.

Chasing A Masungit ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon