Chapter 38

105 2 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas, ngunit hindi nawala sa isipan ko ang nangyari noong nakaraang gabi. Nakakainis ang isang iyon ang sarap niya talagang sapakin! Bahala na nga siya sa buhay niya hindi ko siya papansin kapag nakita ko ulit siya.

"WHAT IS THIS AGAIN, LORRAINE?!" Nabigla ako sa sigaw ni direk.

"Why?" Walangya nagsho-shoot nga pala kami. Nawawala na naman ako sa sarili ko.

"You are not focusing! Paano natin ito matatapos agad? Focus, Lorraine. Focus. You are at your job, so make your job better!" Napayuko naman ako.

"I'm sorry," Okay, I admit that I was wrong too. Kaya hindi ko pinansin ang pagsigaw niya.

"Okay, 15 minutes break. Wag na kayong lumayo meron naman dyan pagkain at inumin." Nagkanya-kanyang alis ang mga staff. Nanatili lamang akong nakatayo.

Nahagip ng tingin ko si Arthur, kitang kita ko na titig na titig siya akin. Parang may sinusuri siya sa buong pagkatao ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Umili lang siya sa akin. Ako na ang unang umalis ng tingin anong ginagawa niya dito? Hinanap ko si Ven at nakita kong hindi niya naman siya kasama.

"Oh, Raine. Di ka magbi-break time?" Tanong ni Jols sa akin.

"I will. I will." Wala sa sariling sagot ko.

"You okay? We are worried."

"Of course. No need to worry I'm good to thank you for your concern." Tumango tango naman siya.

"Oh okay, you say so. Just get your own food there if you are starving." Nginitian ko siya. Umalis na ako sa kinakatayuan ko at pumunta sa tent. May naririnig akong naguusap sa loob aalis na sana ako pero naging interested ako sa topic nila. Alam kong hindi maganda makinig sa usapan nang may usapan kaso lang ay nandito na ako, ano pang magagawa ko?

"Aga-aga nakasimangot ka na naman. Para kang timang." Sinilip ko kung sino ang nasa loob at nakita ko doon si Jopeth or Jopay according to him at isa pang babae na hindi ko kilala basta isa rin sa mga staff.

"Eh, kasi naman ano. Hindi ano.." Hindi niya mabanggit ang gusto niyang sabihin.

"Ano? Hindi ka niya gusto? Kalurkey babaeng itey."

"Oo," Nahihiyang saad nito. Napasapo naman si Jopeth.

"Hoy, babaita ka wag ka ngang umasta na parang mauubusan ng mga papsi dami kayang mas papsi pa dyan. Pangit naman nga niya, eh." Pasimpleng natawa ako sa panglalait niya. Napaisip naman ako sa sinabi ni Jopeth.

I don't understand why people always tell us that there are a lot of men out there. Anong gagawin ko sa iba kung hindi ko naman sila gusto? Hindi ba? Kung ako siguro ang na sa sitwasyon ng babae sinagot ko na ito.

"Baklang 'to. Yang bunganga mo talaga walang preno, ano? Maganda ba ako?" Singhal ng babae. Halatang hindi niya pinansin ang sinabi ni Jopeth dahil iniiba niya ang usapan. Tumawa si Jopeth tapos tiningnan niya yung babae mula ulo hanggang sa paa. Kaya ginawa ko rin. Mahaba ang buhok nito lampas dibdib kulay brown ito, sunod kong tiningnan ang mata nito kulay black na bumagay sa hugis ng mukha niya, chubby cheeks rin siya, ang hugis ng kanyang labi ay maganda rin. In short maganda siya! Walang halong biro.

"Uhmm, oo naman gurl lalo na kapag gumamit ka pa ng filter sobrang ganda mo!" Kinindatan niya ito. Umasim naman ang mukha ng babae.

"So sinasabi mong maganda lang ako pag may filter?" Nakataas ang kilay na tanong nito kay Jopeth. Tumawa naman siya ng malakas lalong sumama ang itsura ng babae.

Chasing A Masungit ManWhere stories live. Discover now