Blurred Memories

15 0 0
                                    

  Tuloy-tuloy siyang lumabas ng kumpanya. Nanlalabo na rin ang mata niya ng pag-iyak. Pinagtitinginan na din siya ng mga empleyadong nakakadaan niya.

Kung gaano siya kasaya kanina,parang nasa ulap siya sa sobrang saya pero ngayon, ganoon din naman biglang binagsak. Hindi niya maipaliwanag ang sobrang sakit ng dibdib niya. Ganito pala masaktan.Ganito pala umasa. Ganito pala sampalin ng katotohanan.Hinang-hina ang pakiramdam niya. Sobrang mahal na mahal niya na ang nobyo o masasabing sila pa nga ba o mas tamang sabihing naging sila nga ba?

  Ambisyosa ka kasi! sermon niya sa sarili.

  Gusto niyang lumayo at isigaw yung sakit na nararamdaman niya s anga oras na iyon. Sa maikling panahon, sobrang lalim na ng pagmamahal niya kay Lorcan pero kasalanan niya din naman.Akala niya pwede sila kahit lang ito at lupa siya pero sinong niloko niya?

  Hindi niya agad napansin ang truck na dadaan patungo sa direksyon niya. Patawid na pala siya ng kalsada.

Napatigil siya.Nablangko. Hindi agad siya nakagalaw.

  "Mommy... hu hu hu... Daddy!" pa tuloy lang siya sa paglalakad at pag linga-linga sa pagbabakasaling makikita ang mga magulang.Natatakot na siya lalo na at dapit-hapon na.Hindi niya alam kung nasaang lugar na siya. Dire-diretso siya at patawid na sa kalsada hanggang sa isang malaki ng truck ang patagpo sa kanya...

  "Jade!" niyakap siya palayo ni Lorcan. "My God! Buti na lang naabutan agad kita at nailayo." napatingin siya dito. "Jade, Honey... I'm sorry please-"

  Hindi niya na narinig ang iba pang sasabihin nito dahil unti-unti na siyang nilamon ng kawalan.

Tearin' Of My Heart (on-going)Where stories live. Discover now