His New Secretary

26 1 0
                                    

  "Hi,Sir.Good morning.Ito na po ang inyong mainit na mainit na kape."ngiting-ngiting bati niya kay Lourde kasabay ng paglapag niya ng coffee mug sa harapan nito.Bahagya lang siyang tinanguan nito.

  "Sir,may meeting po kayo,one hour and 33 minutes from now with Mr.Chen sa Villaza's.3 pm kay Ms.Gonzalo.Kasama niyo po ba ako?"tanong niya.Naghintay pa siya ng ilang sandali bago ito sumagot.

  "Just with my meeting with Allena."sagot nito nang hindi man lang tumitingin sa kanya.

  "Hindi niyo po ako isasama sa meeting niyo kay Mr.Chen?Secretary niyo po ako at obligasyon ko pong samahan kayo sa lahat ng meetings niyo at-"pinutol nito ang sinasabi niya.Madilim na tiningnan siya nito.

  "When I said 'No',it's a 'No'.Always remember na I'm the boss here so you should obey me and follow all my rules.Are we clear,Ms.Madrigal?"masungit na patutsada nito.

  "Yeah,right."nakasimangot na sagot niya.

  "Stop doing that."matiim na nakatitig sa kanya ang boss niya.

"Stop doing what,Sir?"nakakunot- noong tanong niya.

  "Stop pouting your lips or else I'll kiss you."agad na namula ang pisngi niya sa sinabi nito.Pero agad siyang ngumisi.

  "Marunong pala kayong mag'joke,Sir?he he."nanlaki ang mata niya ng hinubad nito ang suot na coat at naglakad papalapit sa kanya habang dahan-dahang binubuksan ang butones ng polo nito.

  Nang tumigil ito sa harapan niya ay napapikit siya.Hinihintay niyang lumapat ang labi nito sa kanya pero halos isang minuto na ay wala pa.Nagmulat siya ng mata nang pinitik nito ang noo niya.

  "Ouch!Sir naman..."maktol niya.

  "Silly.You're not even attractive para pagkainteresan ko."iiling-iling pang sabi nito sa kanya.Bumalik na ito sa pagkakaupo at pinagpatuloy ang pagbabasa ng mga dokumento.Namula siya sa pagkapahiya.

  "Kung wala na po kayong kailangan,babalik na po ako sa pwesto ko."paalam niya dito.Tumango lang ito bilang sagot kaya bago pa man siya may masabing pagsisisihan niya ay lumabas na siya sa opisina ng arogante niyang boss.

 

Tearin' Of My Heart (on-going)Where stories live. Discover now